Chapter Seven

330 14 6
                                    

"Hoy!" Pagtawag sa akin ni Monica sabay sundot sa aking tagiliran. Kasalukuyan kasing nakasubsob ang aking mukha sa aking bag. Hays. Lunes na naman mga bes. Parang kelan lang naging biyernes, biglang lunes na agad.
Naramdaman ko na umupo siya sa aking tabi. "LQ ba kayo ni fafa August?" Tanong niya. 

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko pabalik ng hindi inaangat ang aking ulo. Pinagsasabi nitong lukaret na 'to? Maypa LQ pang nalalaman, 'di ko naman jowa yung damuhong 'yon.

"Hoy! Ano ba? Tumingin ka nga sa akin?" Pangungulit ni Monica.

Wala na akong nagawa kundi iangat ang aking ulo at tiningan siya. 

"Anyare sa'yo? Mukha kang na-rape ah? Bangag na bangag." Pang aalaska niya sabay tawa ng malakas. Binigyan ko siya ng poker faced na expression na ikinatahimik niya. Sawakas! Na gets niya rin na wala ako sa mood ngayon. Tumikhim muna siya bago nag salita.

"Okay. Kung ayaw mo magsalita, eh hindi na kita pipilitin." Aniya sabay taas ng dalawang braso bilang pagsuko. Umayos na siya ng upo sa aking katabing upuan at nakipag-chika sa iba naming kaklase. Sinubsob kong muli ang aking ulo sa aking bag. 

Wala pang limang minuto ang lumilipas ng magsalita ulit si Monica. 

"Seryoso, besh. Anyare sa'yo? May sakit ka ba? Bakit ang tahimik mo? Nakakaloka!" Tanong niya ng may pag-alala. Naramdaman kong may dumapong kamay sa batok at gumapang papuntang leeg ko. "Wala naman ah? Pero ba't ang tamlay mo? Mamamatay ka na ba?"

"Wala, gaga. Anong patay-patay sinasabi mo diyan. Masamang damo kaya ako." Walang gana kong sagot sa kaniyang tanong. Narinig kong napabuntong-hininga na lang si Monica.

Ewan ko ba. Magda-dalawang araw na akong hindi makatulog ng maayos. Parang naninikip yung dibdib ko na hindi ko maintindihan. Nakakaramdam ako ng lungkot kahit hindi ko alam ang dahilan. Sumasakit yung ulo ko kakaisip pero hindi ko naman maalala kung ano ang mga tumatakbo sa aking isipan. Ano bang nangyayari sa'kin? May terminal disease ba ako? Incurable? Malala na ba? Mamamatay na ba talaga ako? Napahawak ako sa aking ulo. No! Hindi pa pwede! Marami pa akong gustong gawin at gustong patunayan!

"Mr. Villaflor, are you okay?"

Bigla akong napaangat ng tingin sa harapan kung saan nanggagaling ang boses. Nandito na pala ang professor. Hindi ko man lang napansin na dumating at nagle-lecture na. Nakatingin ito sa akin ng may pag-aalala at kalituhan. Napatayo na pala ako sa gitna ng aming klase. Shit! Nakakakahiya!

"It's another manic Monday," Kanta ng isang boses na kilalang-kilala ko.

"Wish it was SATURDAY. 'Cause that's my FUN DAY. Ughhh Ughhh Ughhh" Ungol niya na parang Japanese Porn Star. Nagtawanan lahat ng aming kaklase.

Tinignan ko siya ng matalim. Kelan pa nagbago ang lyrics?

"That's enough, Mr. Ivanov. Thank you for your good humor." Pag putol ni Maam sa kanilang tawanan. Muling ibinalik ni Maam ang kaniyang atensyon sa akin. "If you are not feeling well Mr. Villaflor, you may go to the clinic." 

-------------------------------------------------------------------------------------------

Ano bang nagyayari sa akin? Tinampal-tampal ko yung pisnge ko para magising yung diwa ko.

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papuntang clinic. Mag papahinga na muna ako at baka maulit na naman yung nangyari kanina sa room. Baka hindi lang pagtayo ang magawa ko at gumiling na ako ng bonggang bongga. May pagka dancer slash malandi pa naman yung kaluluwang minsang sumasapi sakin. Tama! Baka sinsasapian lang ako kaya ako nagkakaganito. Kelangan ko mag-dasal ng taimtim mamayang gabi para lubayan na ako ng masasamang espiritu.

"Are you being possessed by the spirit of conscience at nagi-guilty ka na?" Nagulat ako ng biglang may umakbay sa aking mabango, matangkad at matipunong lalaki. Biglang nag sink-in sa aking isipan kung kaninong boses at pabango ito at siniko ito ng pagka lakas lakas. Speaking of masamang espiritu, lapitin yata ako. Huhu.

"Takte Julio! Nakalimutan kong lalake ka pala." Daing ng lalakeng bw*sit sa buhay ko.

"G*go! Pinahiya mo ako sa klase kanina. 'Yan ang bagayo sa'yo. At saka, anong pinagsasabi mong guilty? Bakit naman ako magi-guilty? Wala naman akong pinatay." Bulyaw ko sakaniya. Nginisian lang ako ng damuho habang hawak ang parte ng kaniyang katawan kung saan ko siya natamaan.

"Last saturday, nung inindyan mo ako. Hindi mo ba alam na para mo na rin akong pinatay no'n?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba-" May idadagdag pa sana siya ng bigla siyang hinimatay. Buti na lang nasalo ko on-time ang kaniyang malaking katawan sa aking maliit na katawan at ang kaniyang ulo na pagkalaki-laki kasi puno ng kayabangan, sa aking balikat pero gyaaaaah!!!! Ang bigat ng lalakeng ito!!! Hindi ko keri!! Huhuhu! Dahan-dahan kong pinihit ang aking ulo at katawan para maipwesto at maikarga ko siya sa aking likod at maidala na sa clinic. Bakit ba ako nahulog sa ganitong sitwasyon? Ako yung may sakit diba? Pero bakit ako pa ang magdadala nito sa clinic? Naku naman, Agosto. Lagi mo na lang sinisira araw ko!

-------------------------------------------------------------------------------------------

"Eeeeeeckk!!!!!!!" Sigaw ng isang nurse malapit sa pintuan ng clinic. Sino ba namang hindi eh mukhang nagiging kamukha ko na si Sadako sa sobrang haggard ko kaka pasan slash kaladkad kay Agosto papuntang clinic. Kulang na lang eh gumapang na ako sa sobrang pagod. Biruin mo naman yung tinahak ko besh. Third floor yung room namin tapos nasa pinaka dulo pa ng parte ng campus ang building namin. Literal na tinawid ko ang bundok at dagat kasi bago ka makarating ng clinic, dadaan ka sa isang mini forest with inclines and bridges ganern! Muntik na nga ako himatayin sa amoy ng imburnal ay este dagat doon kaloka!

"Nurse. Tulong. Damuho. Hinimatay." Habol-hininga kong bigkas sa nurse sabay turo sa lalake sa aking likod. Agad naman nilang inakay si Agosto papunta sa ward. 

"Ano-asdasdksmdnmasnd..." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng doctor or nurse dahil tila umiikot at nandidilim ang paningin ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------

"Asdjjkndnfjn--" Mmmm..

"Fhkjwjerknn--"  Ano ba naman 'yan..

"Ikjhskdjfkj--" Kita niyo naman may natutulog..

"--we are taking him--.." Ang ingay naman..

Anong oras na ba? Baka late na ako sa klase. Ay, teka. Di'ba kasama ko si Agosto?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata pero napapikit uli ako kasi masakit pa ang aking ulo at hinihila pa ako ng antok. Pero may nakita ako bago pa ako mawalan ng ulirat. 

Si Agosto. At may kasama siyang dalawang lalake.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Boring ba 'to? Itutuloy ko pa ba?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Agosto Perverto [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon