Chapter Three

761 19 2
                                    

Nakahiga na ako sa kama ngunit hindi parin ako makatulog. Letseng Agosto iyon, kung ano-anong pinagsasabi.

Mataman lang akong nakatingin sa kisame ng aking boarding house ng tumunog ang aking cellphone.

"Hello?" Pag-sagot ko sa tawag ng hindi tinitingnan ang caller id.

"Anak, kamusta ka na?" Si mama. Halos isang linggo na rin kami huling nakapag-usap.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. Gawd! Na-miss ko si mama. "Ayos lang po ako ma. Kayo diyan? Si jan-jan?" Huli kong nakita ang aking pamilya ay noong christmas break. Nasa probinsya kasi sila dahil naroon ang aming hometown. Mag-isa lang ako rito sa siyudad. Meron rin naman kaming mga kamag-anak rito pero mas gustong kong maging independent. Tutol sana si papa pero wala rin siyang nagawa. OFW ang papa ko sa london so technically, sina mama at jan-jan lang ang naiwan sa probinsya.

"Okay lang kami rito, anak. Kamusta ang pag-aaral mo? Kumakain ka ba ng maayos diyan? Hindi ka ba nahihiripan?" Sunod-sunod na tanong ni mama sakin.

Tumawa ako ng mahina. "Ma, hinay-hinay lang po. Ayos lang po talaga ako rito. Exam week na po next week kaya medyo stressed ako ngayon."

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo diyan anak ha? Palagi kitang ipagdadasal." Wika ni mama sa telepono na may bahid ng pag-aalala.

"Salamat po ma."Napangiti ako ng mapait. Gusto ko ng umuwi sa probinsya.

"Osiya, sige na. Magpahinga ka na diyan. 'Wag magpapagutom ha? I love you anak." Paalam ni mama.

"I love you too ma." Sagot ko at ibinaba ang tawag.

Hays. Buti na lang tumawag si mama. Panandaliang nawaglit sa aking isipan si Agosto.

- - - - - - - - - - - - -

"Good morning, bes." Bati sakin ni Monica pagkapasok ko ng room.

"Morning." Bati ko rin sakaniya at umupo sa kaniyang tabi.

"Bakit bagsak na bagsak ang mga mata mo, Julio? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Nag- aalala niyang tanong. Tumango ako.

"Si Agosto kasi eh. Kung anu-ano ang pinagsasabi. Ayun, hindi ako dinalaw ng antok." Ibinagsak ko ang aking ulo sa arm rest ng aking upuan. Gusto ko pang matulog.

"Naku bes. Iba na iyan. Lumalablife ka na ng bonggang-bongga. Oh speaking of the devil, andito na iyong lalakeng dahilan ng kakulangan mo sa tulog." Kinikilig na wika ni Monica sabay siko sakin. Hindi na ako nag-abalang i-angat ang aking ulo para tignan. Amoy pa lang, kilala ko na kung sino.

"Anyare diyan?" Tanong ng hukluban ng makalapit sa amin.

"Hay naku fafa August, nag- iinarte na naman. Kailangan ata ang KISSpirin at YAKAPsul mo. Ayieeeeeeee." Kinikilig na wika ni Monica. Palagi na lang yata ito kinikilig sa amin ah?

"Psh! Dun siya sa lalaki niya." At naramdaman kong lumayo siya sa amin. Wtf? Anong lalake ang pinagsasabi niya?

"Oh-kay, anyare dun?" Nagtatakang tanong ni Monica sakin. Nagkibit-balikat lang ako at tinangkang matulog.

- - - - - - - - - -

Naalimpungatan ako sa tunog ng isang cellphone na parang kumukuha ng litrato.

"Uhmmm..." Ungol ko habang iniinat ang aking katawan. Shit! Ang sakit ng leeg ko. Mukhang mali ang pwesto ko sa pagtulog.

"Uhhh shit. Ang sarap ng ungol mo." Bahagya akong nahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

Si Agosto! At nakatingin ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumingin ako sa paligid. Kami na lang ang natira dito sa room.

"Binabantayan ka. Sarap nga ng tulog mo. Kasi kahit ninanakawan na kita ng halik sa pisngi, hindi ka nagigising." Parang wala lang sakaniya ang kaniyang pinagsasabi.

Tiningnan ko ang aking relo. 10:12 na. "Teka, hindi ba pumasok si ma'am? Atsaka wala ka bang klase?" Tanong ko rito.

"Hindi pumasok si ma'am pero nag iwan ng activity. Wag kang mag-alala, ginawan na rin kita. Sa pangalawa mong tanong, meron pero pinili kong bantayan ka dito. Hinabilin ka kasi sakin ng kaibigan mo." Medyo kumirot ang puso ko sa sinabi niyang iyon pero hindi ko na lang binigyang pansin.

"Ah ganun ba? Sorry ha at naabala pa kita. Nagkaron tuloy ako ng utang na loob sa'yo." Tumayo na ako at tinalikuran siya.

"Hoy, teka! Hindi ka ba magpapasalamat? Ikaw na nga ginawan ng pabor ikaw pa masungit." Sinundan niya ako papalabas ng room.

"Salamat ng marami Agosto." Sarkastiko kong sagot ng hindi siya nililingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungong food court dahil nagugutom ako. Hindi na lang ako papasok sa susunod kong klase dahil late na rin naman ako.

"Grabe! Ang sungit talaga. May dalaw ka ba ngayon?" Sinabayan na niya ako sa paglalakad.

Inirapan ko ito. "Pano ako magkakadalaw eh wala naman akong matris?"

"Eh paano iyan, hindi tayo magkakaroon ng baby?" Seryoso niyang tanong.

Napailing na lang ako sa kagaguhan-slash-katangahan niya.

Pumasok ako ng food court na nakabuntot parin siya sa akin. Pipila na sana ako upang bumili ng makakain ng bigla niya akong hinila. "Maupo ka na lang dun. Ako na bibili ng pagkain natin."

Papalag na sana ako ng, "Huwag na matigas ang ulo. Nakakasama iyan sa baby natin." Sabay kindat. Hindi na lang ako sumagot at sinunod na lang siya. Medyo masakit rin kasi ang ulo ko.

Naghanap ako ng bakanteng mesa sa may likuran dahil ayokong merong makakita sa akin na kasa-kasama si Agosto. Famous pa naman ang gagong iyun.

Umupo na ako at hinintay si Agosto. Tumunog ang aking cellphone sa aking bulsa. Binasa ko ang text. Si Monica lang pala. Nangagamusta. Nagtatype ako ng irereply ko ng may umupo sa harapan ng mesa.

"Hey, Julio. Kamusta?" Bati sa akin ni Armin ng nakangiti. Ngumiti rin ako dito ng malawak.

"Hi, Armin. Okay lang naman. Kung makakamusta ka diyan parang 'di tayo nag-usap kahapon." Tumawa siya ng malakas. Natawa na rin ako.

"So, bakit ka nag-iisa? Pwede ba kitang samahan? Let's start our getting-to-know-each-other stage." Nakangiti nitong wika.

"Uhmm.. Actually-" napahinto ako ng may tumikhim sa likod ni Armin.

"Hindi siya nag-iisa, Armin. Magkasama kaming dalawa." Wika ni Agosto at ibinagsak ang kaniyang dalang tray na puno ng pagkain sa aking harapan sabay upo sa aking tabi.

"Oh, August. 'Di ko alam magkakakilala pala kayo ni Julio. Magkaklase ba kayo?" Tanong ni Armin kay August.

"Wala ka ng pakialam. Kaya kung pwede ba umalis ka na? Inaabala mo kami eh." Masungit na sagot ni Agosto kaya siniko ko siya sa dibdib.

Tumawa ako para pagtakpan ang awkwardness na namumuo sa pagitan namin. "Pag pasensyahan mo na itong si Agosto, Armin. Masama ata ang gising nito. Hehe."

"Haha. Okay lang. Sanay na kami diyan. Ganiyan rin iyan tuwing may practice ang varsity. Osiya, mauna na ako. Next time na lang iyung 'alam mo na'. Sige, bro." Tumayo na siya at umalis.

Tiningnan ako ng masama ni Agosto. "Ano iyong next time at 'alam mo na', Julio?"

"Wala ka na dun, Agosto." Sagot ko. Hindi ko na pinansin ang masasamang titig na ibinabato niya sa akin at kumuha na ng pagkain sa tray na dala niya.

"Wag ka nga tingin ng tingin sakin, Agosto. Nakaka-ilang kasi. Kumain ka na diyan. Sayang itong pinamili mo. Andami pa naman." Hindi siya nakinig at patuloy parin sa pagtitig sa akin.

"Para sa'yo naman talaga iyan. Magpakabusog ka. Para hindi ka magkasakit at ng makapunta ka sa next time at 'alam mo na' na pinag-usapan niyo ni Armin." Seryoso niyang wika. Teka, nagseselos ba ito?

"Nagseselos ka ba?" Hindi ko napigiliang itanong. Hindi siya kumibo. Tiningnan niya muna ako ng masama bago tumayo at naglakad paalis. Hindi ko na siya tinawag dahil alam kong nag-iinarte lang iyun. Hay naku, Agosto. Nakakabaliw ka talaga.

- - - - - - - - - - - -

Sorry sa super-duper late update.

Agosto Perverto [BoyxBoy]Where stories live. Discover now