Chapter 1

16.5K 293 3
                                    

  "Hoy! Magsibangon na kayo diyan, tanghali na." sigaw ni aling Puring sa dalawang dalaga niyang anak na kasalukuyan paring himbing na himbing.

Naalimpungatan naman ang dalagitang si Adrianne, Yanne kung tawagin ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

" Nanay naman eh! makasigaw akala mo may sunog." yamot na saad niya sa kanyang ina, sabay bangon at naghilamos.

"Aba't...may gana kapang magmaktol diyan." saad ni aling Puring habang kinukuha ang itak at sako na gagamitin sa pangunguha ng kamote. "Gisingin mo na ate mo at mag-agahan na kayo, pagkatapos sumunod kayo Sa bukid." ang wika nito habang nagmamadali palabas ng kanilang bahay sapagkat kailangan nitong maka-ani ng maraming kamote na ibebenta kinabukasan sa Palengke.

Yamot parin ang naiwang dalagita dahil sa pagkakagising sa kanya, "Pambihira talaga si Nanay, anduon na eh! kunting-kunti nalang magsusugpong na sana ang mga labi namin ni palalabs kong Si Christian, naudlot pa, kainis!." napapadyak pa siya habang inuusal ang mga katagang iyon.

"Anung binubulong-bulong mo dyan?" pabiglang tanong ng kanyang ate na
di niya namalayan gising na pala.

" Kasi si Nanay kainis" paingos niyang tugon.

"Bakit?anung ginawa ni Nanay?" tanong nito habang papasok sa kusina.

Nakasimangot syang sumagot at pinagsalikop ang dalawang braso"Eh kasi ang ganda-ganda ng panaginip ko bigla nalang sumigaw."

Narinig niyang tumawa ang kanyang ate kaya inis syang tumayo at marahang naglakad palapit dito.

"Ba't ka tumawa? kita mo nang naiinis na nga ako, dadagdagan mo pa!" aniyang niyang nakaismid.

Nakangiti parin ang kanyang ate nang pumunta ito sa bandang likuran niya, niyakap sya't nagwika, "Panu kasi sis, obvious na obvious na si Christian na naman ang laman ng panaginip mo, tama ba'ko?." nanunudyo nitong tanong Sabay kiliti sa tagiliran niya at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Napasigaw sya sa sobrang gulat sa ginawa nito.At the same time masaya, dahil alam na alam nito kung saan ang kiliti niya at kung paanu sya aasarin.Hinabol niya ito at nang magpang-abot sila, gumanti sya dito.Malalakas na hiyawan at halaklak ang maririnig sa kanilang bakuran.

________

Kinagabihan, habang naghahanda sina Aling Puring at ang asawa nitong si mang Jessie ng mga dadalhin nila kinabukasan sa Palengke, lumapit si Yanne sa mga ito.

"Nay, Tay, gusto ko ho sanang sumama kila Ante Lerma pgbalik nila sa manila? maaari ho ba?." Kahit kinakabahan sa isasagot ng magulang, sinubukan parin ni Yanne na magpaalam.

Natigilan at nagkatinginan naman ang mag-asawa sa tanong ng kanilang pangatlong anak, di agad sila nakapagsalita kung kaya't tumayo at akma na sanang papasok sa kanilang tulogan ang dalagita nang magsalita ang kanyang Ama, kaya pumihit sya pabalik.

"Sigurado ka naba na gusto mong lumuwas sa Maynila?" ang naniniguradong tanong ni mang Jessie Kay Yanne.

" Opo itay" buo ang loob na tugon niya.

"Bueno, mukhang nakapagdesisyon kana.Sige pumapayag kami nang Nanay mo,basta mag-iingat ka duon ha!" saad nang Tatay niya.Bagama't nakangiti, aninag parin ang kalungkutan sa mga mata nito.Sino ba naman ang hindi malulungkot kung malalayo ang isang myembro ng iyong Pamilya.

_________

Dumating ang takdang araw nang pagluwas nila sa Maynila.Walang tigil ang paalala ni aling Puring sa Anak.

" Nak, alagaan mo sarili mo duon ha!" naiiyak na wika ng kanyang Ina habang hawak nito kanyang kamay.

"Opo inay." naiiyak Na ding Sagot niya, at nang di makapagpigil, niyakap niya ang kanyang Inay."Kayo din ho, alagaan niyo sarili niyo lalo na ang itay. Pakisabi wag na muna magtrabaho sa bukid kapag sinusumpong sya ng sakit niya" mahaba niyang litanya dito.

"Makakarating anak.Oh sya paalis na yata kayo, sumakay kana." wika nito sabay kalas mula sa pagkakayakap sa kanya.Nang di parin siya kumilos, marahan siya nitong inakay papunta sa naghihintay na sasakyan.

" Tatawag ho ako sainyo pagdating ko sa Maynila," may kalakasang bigkas niya sapagkat umuusad na kanilang sinasakyan.

Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang may marinig sya'ng nagbubulongan;

"Itaas mo na kasi damit mo, gusto ko siya'ng haplosin," boses ng Lalake.

"Ayoko nga, nakakahiya! pagdating nalang sa bahay," malambing na tugon ng Babae.

"Babe naman, sige na, pakita mo na kasi" pagpupumilit parin ng Lalake.

At dahil hindi naman sya inosenti para di maintindihan ang pinagbubulongan ng nasa likuran niya.Tumayo sya at nameywang sa harapan ng dalawa.

"Hoy!kayong dalawa kung maglalam----"

Napatda siya sa nakita at di nakapagsalita.Dahil hindi ang inaasahan niya ang bumungad sa kanya, sa halip ay isang lalake na nakayupyup ang ulo sa may kalakihan nang tiyan ng katabi nitong babae.Tila pinapakinggan at hinahaplos ito ng lalake.

"What's wrong with you, young lady?!" may diing tanong ng lalake sa kanya at matiim siyang tinitigan.Napayuko naman ang dalaga.

"Ahm, I---m Sorry! akala ko kasi-------" hindi niya maituloy ang nais niyang sabihin dahil nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata, nakatitig parin sa kanya ang lalake.Samantalang ang katabi naman nito'y tila naaaliw pa sa ginawa niya.

"Next time, be careful.Alamin mo muna or tingnan ang mga bagay-bagay bago ka umaksyon." mahabang sermon ng lalake sa dalagitang nakayuko parin. "Apology accepted," dagdag na saad nito, kung kaya't unti-unti siyang napatingala dito.Bumungad sa kanya ang nakangiti nang mukha nito.

Alanganin siyang ngumiti at:

"Salamat po." nahihiya parin niyang turan at tumingin sa babaeng buntis.

"Walang anuman." mabilis na sagot ng babae kalakip ang isang mabining ngiti.

"Sige po, babalik na ako sa upuan ko, Sorry po ulit." at mabilis na siyang tumalikod sa mga ito.

Wala sya'ng kamalay-malay na, kahanay niya sa upuan ang isang taong naaaliw sa kanya.Kanina pa siya pinagmamasdan nito, simula nang pagsakay hanggang sa maling akala niya sa kapatid at hipag nito.

"She's cute," nakangiting usal nito sa sarili.Bago maidlip ay sinulyapan niya ulit ang dalagitang nakaagaw sa atensyon niya, tahimik itong nakadungaw sa may bintana.

ILANG Oras pa at nakarating na sila sa maynila.Nagising si Yanne sa pagyugyug ng Ante Lerma niya sa kanyang balikat, nakatulog pala siya nang di niya namamalayan. "Yanne tara na, ayusin mo na mga gamit mo at bababa na tayo." saad ng kanyang tiyahin sabay tayo.

"Opo Ante." maikli niyang sagot at mabilis na kumilos.

Samantala, kakababa lang din ng magkapatid na sina Lawrence at Kelvin kasama ang asawa nitong si Janet.

"Bro, natawagan mo naba ang sundo natin?." tanong ni Kelvin sa bunsong kapatid habang akay-akay ang asawang inaantok pa.

"Hindi pa kuya, wait a minute, tatawagan ko lang si mang Badong." sagot niya at mabilis na kinuha ang mobile at nagdial.Ang tinutukoy ng kanyang kapatid na susundo sa kanila ay ang kanilang family driver.

Bigla nalang siyang napamura nang may tumulak sa kanya mula sa kanyang likuran."What the he-------" Napipilan siya nang paglingon niya ay tumambad sa kanya ang kapatid at hipag na tawang-tawa.

"Who's that fucking shit?!" galit niyang tanong.

Tumawa nang malakas ang kuya niya, kasabay nun ay itinuro nito ang isang babaeng tumatakbo palayo sa kanila.

Naningkit ang mga bilogang mata ng binata dahil sa inis, ngunit dagli ring napalis nang matitigan ang bulto ng babaeng tumatakbo.Nagpakawala siya ng isang matamis na ngiti. "Hmmmn, Silly girl," natutuwang saad ng utak niya.

Nagsikuhan naman ang mag-asawa dahil sa naging reaksyon ng binata.Pasimpleng nagkatinginan at iisa ang nasa isip, nagustuhan nito ang dalagita.

"Anung nginingiti-ngiti mo diyan?" kunwa'y tanong ni kelvin sa kapatid, kahit batid niya kung anu ang dahilan.

"Wala kuya, tara na at baka andyan na si mang Badong." nagpatiuna na itong naglakad kaya sumunod nalang silang mag-asawa dito.

Natatawa naman si Yanne habang pasakay nang jeep kasama ang tiyahin.Hindi parin mapuknat sa isip niya ang ginawa niyang kapilyahan."Hmp! kasalanan naman niya, haharang-harang kasi sa daan." pakunswelo niya sa kanyang sarili sabay tingin sa labas ng jeep.Sa kanyang ginawa, nahagip ng kanyang paningin ang lalakeng itinulak niya kanina.Sakto namang lumingon sa gawi niya ang binata at nagtama ang kanilang mga mata.Dahil sa kaba ay bigla nalang siyang napayuko, kasabay ang pag-usad ng sinasakyan nilang jeep.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now