Chapter 2

7.9K 190 1
                                    

  Matiwasay na nakarating sina Yanne sa Old Balara Quezon, kung saan nakatira ang kanyang tiyahin.Malayo-layo din ang biyahe nila mula sa Cubao.

Nang makapasok sila sa bahay ng kanyang tiyahin, tanging pangalawang anak na lalake nito ang naabutan nila.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong ni aling Lerma sa kanyang anak.

"Pumunta po kila tito Dandy," sagot nito at mabilis na nagmano sa matanda.

"Ito nga pala si Yanne, pangatlong anak ng Ante puring mo" wika ni aling Lerma at bumaling kay Yanne. "At ito naman ang kuya Jeffrey mo, Yanne" Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.Nagpalitan ng pagbati sa isat-isa ang dalawa at maya't-maya ay nagpaalam si aling Lerma na magluluto ng kanilang hapunan.

Makalipas ang ilang minuto, nagsipagdatingan na ang iba pang mga anak ni aling Lerma at nakipgkwentuhan sa kanya.Mababait ang mga ito at napag-alaman niyang nagtatrabaho ang isa sa isang pagawaan ng mga damit di kalayuan sa lugar nila.

Saktong alas-otso ng gabi, dumating naman ang tiyuhin niya na asawa ng kanyang ante Lerma.Siya ang nagbukas ng pinto para dito.

Pagbukas palang ng pinto, masaya at maaliwalas na mukha ni Yanne ang bumungad sa paningin ni mang Facio.Gulat itong nagwika at nagtanong, "ikaw pala Yanne, anung oras kayo dumating ng Ante mo?" Nagmano muna siya bago sumagot. "Kani-kanina lang po tito Facio."

"Ah, nasan na siya?" tanong nito at naupo sa tabi ng anak.

"Tay, nasa kusina po si Nanay, naghahanda para sa hapunan natin." si Ana ang sumagot, isa sa mga anak nila Aling Lerma.

"Ganun ba anak,? sige pupuntahan ko lang siya" pagkawika nun ay dumiretso na sa kusina ang matandang lalake.Naabutan niya ang asawa na abala sa paghahain sa lamesa.

"Dumating kana pala, kumusta ang trabaho?." tanong ng kanyang maybahay, lumapit at humalik ito sa kanyang pisngi.

"Maayos naman," sagot niya dito at niyakap ito ng mahigpit."Namiss kita asawa ko," madamdaming payahag ni Mang Facio sa kanyang asawa.

"Namiss ko din kayo ng mga anak natin,Pa." tugon naman ni aling Lerma dito at napaluha.

"Ang drama natin,Ma," nakangiting saad ni Mang Facio. "Oo nga,Pa," sagot naman ni Aling Lerma.At bago pa sila mag-iyakan, tinawag na nila ang mga anak at pamangkin.

_________

LIMANG BUWAN ang lumipas, naging ka-close na ni Yanne ang iba pa niyang pinsan at nagkaroon nadin siya ng maayos at magandang trabaho sa tulong ng pinsan niyang si Nicole.Isang hapon habang namamahinga, nagyaya ang pinsan niyang sina Jeffrey at Nicole na mamasyal sa mall na malapit sa kanila.
At dahil wala namang gagawen, sumama siya sa mga ito papuntang Ever Gotesco.

Samantala, sa bahay naman ng mga Ferrer;

" Babe, gusto kong mamasyal, pwede bang samahan mo'ko?." malambing na tanong ni Janet at yumakap pa sa asawang si Kelvin na kasalukuyang nakahiga parin.

"Pero Babe, diba sabi ng doctor mo bawal kanang magpunta sa kung saan-saan kasi delikado Sa kalagayan mo?" nakatitig sa kanya si Kelvin nang sabihin yun.Nag-aalala kasi siya para dito lalo na't kabuwanan na nang asawa niya.

" ah basta! Gusto kong mamasyal.Kung ayaw mo,si Lawrence nalang ang yayain ko!" matigas na tugon niya dito.Akma na sana siyang baba sa kama nang pigilan sya nito sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya.

"Oo na po, sasamahan na kita.Wag kana magtampo," bulong nito sa punong tainga niya.Napangiti siya pagka't lagi siya nitong pinagbibigyan kahit alam niyang busy Ito sa trabaho.

"Thank You Babe, I love you."bukal sa loob na sabi niya dito sabay halik sa labi nito.

" You're always welcome Babe, I love you too."at tinugon nito ang halik ng asawa.

Maya-maya pa ay naghanda na sila para sa kanilang pamamasyal.

-----------------

EVER GOTESCO.

Kasalukuyang namimili ng grocery items si Lawrence nang may mahagip ang kanyang paningin."Ang dalagita sa bus." piping usal niya sa sarili.At Para makasiguro,nagpasya siyang lapitan ito.Ngunit di paman siya naka-dalawang hakbang, tumunog na ang kanyang cellphone, nagmamadali niya itong sinagot.

Pagkatapos makipag-usap sa kanyang kaibigan na business partner din niya, mabilis siya'ng nagpunta sa counter.Ayon dito, nagkaroon daw ng problema ang isang branch ng Laundry shop nila.Pagkatapos makapagbayad at makuha ang mga items niya, mabilis siya'ng lumisan sa lugar na iyon.

ABALA naman sa pagbutingting ng kanyang cellphone si Yanne nang
biglang-------BOOOOOGS--------

"Shit...Arfhgh Aray! pwede ba, mag-ingat ka naman!" singhal niya sa kung sino mang poncio pilatong bumangga sa kanya.Ngunit pagtingin niya sa banda nito, natulala at halos di siya makakilos nang makita ang kalagayan ng taong nakabanggaan niya..

Nabigla man ay dagli ring nakabawi si Yanne, lalo nang makitang nakahandusay ang babae at may umaagos na dugo sa mga binti nito.

"Tulong! Tulongan niyo kami!" ang nanginginig at puno ng takot niyang sigaw.

Sakto namang napadaan sa gawi nila ang pinsang si Jeffrey, dali-dali itong lumapit lalo na nang marinig ang tinig niya.

"Bakit, anung nangyari?" ang humahangos na niyang pinsan.

"Kuya, nabangga ko siya, di ko naman sinasadya," naiiyak niyang wika at iniangat ang ulo ng babaeng nagpupumilit magsalita.

"Tulongan niyo ko" aniya ng babae bago nawalan ng malay.

Taranta namang pinagtulongan ito ng magpinsang buhatin.Dinala nila ito sa pinakamalapit na Hospital, sa EAST AVENUE MEDICAL CENTER.Nawala nadin sa isip ni Yanne ang kanyang Cellphone na tumilapon dahil sa Kakamadali.

HINDI NAMAN mapakali si Kelvin sa Kinauupuan, ewan ba niya at parang kinakabahan siya.Kanina parin siya naghihintay sa asawang si Janet, kalahating oras na nakalipas di parin ito bumabalik.Ang paalam lang nito, may titingnan at babalik din agad.Nang hindi makatiis, naglakad-lakad muna siya hanggang sa nakarating siya sa gawi na pinangyarihan ng insidente.

Sinubukan niyang magtanong, inilarawan niya ang itsura ng asawa at ang sabi ng napagtanungan niya ay, baka yung asawa niya ang isinugod sa Hospital.May iniabot pa itong Cellphone sa kanya na ayon dito ay pagmamay-ari ng nakabangga sa asawa niya.

Binuksan niya ito, para lang magulat sa nakitang litrato.Ang dalagita na sumita sa kanila sa bus, ilang buwan na ang nakararaan.Bahagya siyang napailing sa isiping baka ito ang sinasabing titingnan ng kanyang asawa.Ilang sandali pa'y dinukot niya ang sariling Cellphone at nagdial.

"Hello bro, I need your help," agad niyang bungad dito at sinabi ang problema.Matapos ang kanilang pag-uusap, nagpasya siyang umuwe muna at dun nalang Aantayin ang resulta ng kanyang pinapagawa sa kausap.

EAST AVENUE MEDICAL CENTER.

Hindi mapakali ang magpinsang Jeffrey at Yanne habang nasa labas ng Delivery Room ng mga sandaling iyon.Hinihintay nilang makapanganak ang babae.

Ilang sandali pa'y lumabas na ang doctor.

"Doc, kumusta ho ang pasyente? Maayos ho bang nakalabas ang bata?" sunod-sunod na tanong ng binata.

"Relax iho,maayos siyang nakapanganak." aniyang doctor na di maiwasang matawa sa itsura ng kausap.

"Pasensya na ho, kabado lang" aniya dito.

"Babae ho ba, or lalake?" di nakatiis na sabat ni Yanne.

"A baby Boy" tugon ng doctor.

"Talaga ho?!" Panabay na bigkas ng magpinsan.

"Oo iha."

"Pwede ho bang makausap ang pasyente?" tanong ni Yanne.

"Hindi pa iha, kailangan muna siyang mailipat sa isang pribadong silid."

"Ah, sige po, maghihintay nalang ho kami" tanging nawika ni Yanne.

"Okie, Anyway, I need to go.May iba pa akong pasyente na pupuntahan," Aniya at naglakad na palayo sa kanila.

Naghintay sila hanggang sa mailipat na sa kwarto ang babae.Di nagtagal ay tinawag na sila ng nurse, at sinabing pwede na silang pumasok.Para silang mga bata na nag-unahan papasok sa naturang silid.

SA OPISINA, Hindi magkanda-ugaga ang binatang si Lawrence sa nalaman.Kakatapos niya lang makipgusap sa taong inupahan para alamin kung may pasyente nga bang kapangalan ng kanyang hipag ang dinala sa East Avenue Medical Center Kanina.At Kanya ngang nakumpirma na nanganak na ang kanyang ate Janet.Excited niyang kinuha ang Cellphone at idinayal ang numero ng kapatid.

Kasalukuyan namang kumakain si Kelvin nang tumunog ang kanyang Cellphone.Mabilis niya itong sinagot nang makitang ang kapatid ang kanyang Caller.

"Hello? Oh bro, balita?" agad niyang tanong dito.

"Confirm kuya, si ate nga ang dinala sa hospital knina, and..." sinadya niyang ibitin ang karugtong."Kuya, Guess what?" ang pabitin niya paring wika.

"And what?!" ang naiinip nang boses ng kanyang kapatid.

"Its a boy, its a boy kuya!" masaya niyang sambit.

Wala na siyang narinig na tugon mula dito, tanging kalansing nalang ng kutsarang nahulog ang kanyang narinig mula sa kabilang linya.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now