Chapter 11

5.7K 152 1
                                    

  KUNG DAMIT lang marahil ang dalaga, siguro kanina pa siya natupok dahil sa nagbabagang tingin ng binata.Ang tingin niya dito ngayon, ay parang asong ulol na handang manakmal anumang oras.Kaya bago pa mangyari yun, mabilis siyang tumakbo at nagtago sa likod ng mga naglalakihang machine.

Nagulat naman ang binatang si Lawrence sa ginawa ng dalaga.Ang nanlilisik na mga mata ay naging mapungay na ulit at sumilay ang ngiting nagbabadya ng kalokohan.

Sumunod siya at hinanap ang dalaga.

"Hoy babaeng tigre! Asan na ang tapang mo? wag kang magtago, lumabas ka diyan." ang nakangising sigaw ng binata.

Halos manginig naman ang dalagang si Yanne sa pinagtataguan lalo pa at nakikita niya ang binata di kalayuan sa kanya.

"Ulol! pag lumabas ako, eh di tuwang- tuwa ka niyan.Maghirap ka sa kakahanap sakin." bulong nito sa sarili.

Nang makitang umikot sa bandang gawi niya ang binata, mabilis siyang lumipat ng pwesto.Pumasok siya sa isang dryer at nakita siya ng isa nilang kasamahan, ngunit sumenyas siya dito na manahimik.Tango ang naging tugon nito, kaya mabilis niyang isinara ang pinto ng dryer.

Samantala, pagod na ang binata sa kaka-ikot sa kabuuan ng shop,ngunit di parin niya makita ang pakay.Nagtanong siya sa isa niyang tauhan, hindi daw nito napansin ang dalaga.
Nagpupuyos ang diddib niya sa galit, dahil naisahan na naman siya ng dalaga. Makalipas pa ang isang oras, bumalik at pumasok na siya sa sariling opisina.

Nainip naman ang babaeng nakakita kay Yanne knina kaya dali-dali nitong pinuntahan ang dryer at binuksan.Bumulaga sa kanya ang walang malay na dalaga, kaya mabilis siyang pumunta kay Lawrence.

"Sir, si Yanne, nasa loob ng dryer."

"Anung ginagawa niya dun?" salubong ang kilay na tanong niya.

"Nagtago po atah," ang nakangusong sagot ng huli.

Mabilis na tumayo ang binata at pinuntahan ang lahat ng dryer.Hanggang sa mapagawi ang tingin niya sa pinakadulong dryer, at nakita ang dalaga na wala ngang malay.

"Shit!" kanyang nawika at dali-daling binuhat sa opisina niya ang dalaga.

Nang tuluyang makapasok sa loob ay inilapag niya ang dalaga sa kamang naroon.Buti nalang at naisipan niyang magpalagay dun ng kama, dahil minsan dun siya natutulog.

Mataman niyang tinitigan ang maamo nitong mukha, kinabisa ang bawat parte nito.Nang di makatiis ay umupo siya sa tabi nito at tinanggal ang suot nitong bonnet, dahilan para sumabog ang mahaba at makintab nitong buhok.Napatda siya nang tuluyang makita at matitigan ang kabuuan nito.Kumabog ang dibdib niya, lalo na nang mapadako ang tingin niya sa mga labi nito.

Parang bumalik yung naramdaman niya nung unang niya itong makita.Ang lakas ng pintig ng kanyang puso, at halos di siya makapagsalita.

God knows how much he missed her.Palagi siyang humihiling nuon ng sign para makita ito, and now, the sign give it to him, hindi naman niya alam kung anu ang gagawen.Nanatili lang siyang nakatitig sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

"Promise! Magpapakabait na ako, di na kita aawayin at susungitan, Sorry!." kanyang bulong at hinalikan ito sa noo bago lumabas ng silid.

Pagkalabas niya ng Opisina ay dumeretso siya kung saan naroon si kim.

"Pag nagising si Adrianne, pakisabi magpahinga nalang muna.Pauwiin mo sa Condo ko at ito ang ang susi." sabay abot dito ng kanyang Susi.

"Sige po sir," sagot nito. " Ay ito nga po pala ung Cellphone niya, naiwan kanina sa dryer." patuloy nito at iniabot sa kanya ang isang cellphone.

Inabot niya ang Cellphone at inilagay sa bulsa niya.Pagkatapos ay nagpaalam na dito.Nadaanan niya ang pamangkin na nanunuod ng television.

"Akie, kapag nagising ang tita Adri mo, samahan mo, umuwe na kayo ha."

"Sige po tito, what happened to her?" tanong nito.

"She's sleeping right now," kanyang sagot.

Tumango ang bata at nagpukos na ulit sa panunuod.Siya naman ay sumakay sa kotse at balak niyang puntahan ang kaibigang si Jurie.Habang nasa daan ay naalala niya ang cellphone ng dalaga.Binuksan niya ito at bumulaga sa kanya ang litrato nilang dalawa.

Napangiti siya, dahil ginawa nitong Screen saver ang larawan nila.Kuha yun nung gabing hinatid niya ito at ninakawan siya nito ng halik.Para siyang nasa alapaap ng mga sandaling iyun, dahil sobra-sobrang kaligayahan ang nararamdaman niya.Isang sulyap pa sa litrato ang kanyang ginawa at ipinagpatuloy na niya ang pagmamaneho.

------------

Masayang nagkkwentuhan ang magkasintahang Jurie at Nicole sa Opisina ng binata.

"Sana, magkita na sila Yanne at Kuya Lawrence nuh? Para naman magkaroon na sila ng lovelife." ani Nicole sa nobyo.

"Teka, diba ang sabi mo nakabalik na nang maynila ang pinsan mo? Saan ba siya nagtatrabaho?" tanong ni Jurie.

"Sa Cubao, P.tuazon atah ung street.Sa Laundry shop." sagot ng dalaga.

Natigilan ang binata pagkabanggit ng nobya sa Laundry shop.

"A--anu daw ba ang pangalan ng laundry?" patuloy niyang tanong.

"Hindi niya nasabi eh! basta naalala ko, ang sabi niya unggoy ang may-ari at lagi siyang tinatawag na tigre." sagot ng dalaga na biglang natigilan dahil nakangiti na parang tanga ang nobyo.Siniko niya ito at nagtanong.

"Bat ka nakangiti diyan?."

"Nangangamoy peg-ebeg kasi Mhie," ang nakangising sagot ng binata.

Napaisip ang dalaga at napasuntok sa hangin nang maalalang may laundry shop sa P.Tuazon ang dalawang binata.At naalala din niya ang pinag-uusapan ng mga ito na babaeng mukhang tigre.Nanlalaki ang mga matang tumitig siya sa nobyo.

"You mean...?" aniyang nagtatanong na mga tingin.

"Yes Mhie! tama ka ng naiisip," aniyang binata at nag thumbs up pa sa kanya.

"Ibig bang sabihin nito, matutupad na ang wish ni Ate Janet na maging hipag ang pinsan ko?" nakangiting tanong ng dalaga.

"Well, tingnan natin.Hayaan lang natin na pagmamahal ang maging daan para makilala nila ang isa't-isa."

"Okie Dhie, kailan nga palan ang balik ng mag-asawa?" tukoy niya kila Kelvin at Janet.

"Surprise daw sabi ni Janet."

"Tingin ko siya ang masu-sorpresa kapag nakita niya si Yanne with Lawrence."

Nagkatawanan ang dalawa dahil sa sinabi ng dalaga.Ilang sandali pa ay bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho.

------------

SAMANTALA, nanaginip naman ang dalaga na nakita na daw niya si Lawrence, ang lalakeng hinahanap at itinatangi ng kanyang puso.Binuhat daw siya nito at hinalikan siya sa noo.Napangiti siya at akmang yayakapin ang binata ngunit bigla itong nawala.Kinapa niya ng kinapa ang katabi hanggang sa mahulog siya sa kama.

Napakamot siya sa ulo at yamot na umupo nang marealize na panaginip lang ang lahat.Di pa nag-iinit ang puwet niya sa upuan nang pumasok sa kwarto ang batang si Yangzkie at si Kim.

"Tita Adri, Lets go home na po, gutom na po ako."

"Huh? Ah---Eh-----"

"Umuwe na kayo, bilin ni Sir pag nagising ka, magpahinga kana muna." ani kim na ngiting-ngiti sa dalaga.

Saka lang sumagi sa isip ng dalaga ang nangyari kanina pagkabanggit ng kaharap sa pangalan ng amu.Nahihiya man ay nagtanong parin siya.

"Asan siya?."

"Umalis kanina pa.Nagbilin lang na pauwiin na kayo pag magising ka."

"Tita, uwe na tayo!" anang bata na hinawakan pa ang kanyang kamay.

"Anu pang hinihintay mo? sige na, lakad na." taboy ni kim at ngumiti pa sa kanila bago lumabas ng silid.

Ayaw man, ay napilitan naring umuwe ng dalaga kasama ang bata.Pagdating sa Condo ay agad na naghanap ng pwedeng maluto ang dalaga, ngunit wala paring laman ang ref.

"Akie, call your tito and tell him to buy some food," utos niya sa bata.

"Okie Tita." at mabilis na dinampot ang telepono.

Ilang ring muna bago sinagot ng binata ang tawag.

"Hello? Oh Akie, is there something wrong?" tanong agad ng binata.

"Tito, tita told me to call you, we're hungry, pero walang laman ang ref." tuloy-tuloy na sabi ng bata.

"Okie, dadaan ako sa grocery mamaya para mamili ng mga kailangan diyan."

"But tito, we're hungry na," pinalungkot pa ng bata ang boses.

Natatawa naman ang dalaga sa inaakto ng bata.Ang cute nito, lalo na siguro pag lumaki na ito.Dahil naaliw siya sa kakatitig dito, di niya namalayan tapos na itong makipag-usap sa tiyuhin.

"Tita, tito said, mag-gogrocery nalang daw po siya mamaya."

"Okie, manuod nalang muna tayo ng tv," wika niya at binuksan ang television.

Umupo siya sa sofa at humiga naman sa kandungan niya ang bata.Habang nanununod, nagkkwento naman ito tungkol sa mga kaibigan at syempre lagi nitong ibinibida ang tiyuhin.

Oo lang naman siya ng Oo, dahil parang kabaliktaran sa mga sinasabi nito ang nakikita niya sa binata.Masungit at laging hindi mai-drawing ang pagmumukha.

Bandang alas-otso nang dumating ang binata na may dalang grocery.Naliligo nuon ang bata, kaya siya lang ang sumalubong dito at tumulong sa mga dala nito.

"Sorry sa nangyari knina sa shop.Natuwa lang kasi ako kaya ganun ang ginawa ko." nakayukong wika niya dito.

"Wag mo nang alalahanin yun, wag mo nalang uulitin." tugon ng binatang abala sa pagsasalansan ng mga pinamili sa cabinet.

"Salamat," maikling sagot ng dalaga at tinulongan ang binata sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay natapos din ang dalawa sa paglalagay ng mga pinamili sa cabinet at ref.

Nauhaw ang binata kaya kinuha niya ang basong may laman na tubig na nasa ibabaw ng lamesa.Ngunit bago paman siya makainum, isang kamay ang pumigil sa kanya.

"Akin yan!" tinig ng dalaga.

"Akin nalang, uhaw na uhaw na'ko," ang ayaw magpaawat na binata.

"Akin na sabi eh!" anang dalaga at pilit na inaagaw ang baso dito.

Ngunit ayaw ibigay ng binata ang baso sa dalaga, kaya nag-agawan sila hanggang sa ang dalaga nadin ang sumuko.Binitiwan niya ang baso,na lingid sa kaalaman niya, binitawan din ng binata.Kaya ang nangyari, BOOM BASAG!.

Kasalukuyan namang nagsasabon ng katawan ang batang si Akie nang marinig na may nabasag sa kusina kaya dali-dali itong lumabas at hindi alintana ang kahubdan.

"Anung nangyari?" tanong niya pagbungad niya sa may pinto.

Sabay namang napalingon ang dalawa at nanlaki ang kanilang mga mata sa nakita.

Nakasandig sa may pinto ang hubo na si Akie, habang hawak-hawak nito ang pototoy.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na napahalakhak.

Napakunot-noo naman ang bata dahil sa ginawa ng dalawa.At wala sa loob na sinipat ang itsura.Saka niya lang nalaman kung bakit pinagtatawanan siya ng tito at tita niya.Pinaglalaruan niya pala ang birdy niya.Dahil napahiya, nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa banyo ngunit bago paman siya makapasok sa banyo, lumagapak na ang puwet niya sa sahig.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now