Chapter 9

5.8K 156 2
                                    

  MADALING-ARAW NA ng makatulog ang dalaga kaya napahimbing ang tulog niya.Nagising siya sa sigaw ng tiyahin, kaya dali-dali siyang bumangon at tiningnan ang orasan,napamulagat siya ng makitang pasado alas-onse na nang tanghali.

"Patay," kanyang naisatinig.

Mabilis niyang dinampot ang cellphone para lang magulat sa dami ng text at missed calls galing sa binata.Binasa niya ang mga text at di mapigilang mapangisi.

"Where are you now?" nakalagay sa unang text.

"Hey! Miss tigre, still sleep? Wake-up and report to my office now." ang sumunod na text.

"Do you really want for this job? If you do, come here, bago kapa masisante!."
mga laman ng text galing sa Unggoy. (hehehe)

Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit at mabilisang paligo ang kanyang ginawa.Habang nagbibihis,
hindi niya maiwasang hindi tingnan ang sariling repleksyon sa salamin.

Sino ba naman ang makakakilala agad sa kanya? Ang patpating katawan noon, ngayon ay nasa tamang porma na.Kung dati ay isang kimi at mahiyaing dalagita, ngayon mas lumala ang pagiging pilya niya at hindi basta- basta nagpapatalo.

Nagsuot siya ng medyo maluwag na T-shirt at tinirnuhan niya ito ng shorts na lalong nagpalitaw sa hubog ng kanyang katawan.Tinali din niya ang mahabang buhok kahit basa pa at binalot ng bonnet niya.

Nang maalala ang kinaiinisang binata, nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at nagpaalam sa tiyahin.

"Ante, aalis na po ako! Pakisabi nalang po kila Tito at kila Nicole." kanyang wika dito.

"Okie, ako nang bahala magsabi sa kanila, mag-ingat ka! Pag may problema tumawag kalang dito," aniya ng matanda sa dalaga.

"Opo ante," sagot niya sa huli at naglakad na palabas ng bahay.

Mabuti nalang at hindi siya nahirapang mag-abang ng jeep, mabilis siyang nakasakay papuntang Cubao.

------

Halos magdikit naman ang mga kilay ni Lawrence sa sobrang inis.Pasado alas-dose na, wala parin ang dalaga.At ni hindi man lang ito sumagot sa tawag at txt niya.

"Makikita mong babae ka! Inuubos mo talaga pasen-----hindi niya naituloy ang sasabihin dahil may kumatok sa pinto.

"Come in."

"Sir, andito na po ang hinihintay niyo." tinig ng isa niyang tauhan sa laundry.

"Sige, papasukin mo."

Ilang segundo pa at pumasok na ang dalaga.

"Bakit ni hindi mo man lang sinagot ang tawag at text ko?!" dumadagundong na boses ng binata.

Nabigla naman ang dalaga dahil sa ginawa ng binata.Maya-maya pa'y nagpakawala siya ng isang mapang-uyam na ngiti.

"Bakit? Magkabati ba tayo para makipagtawagan at makipagpalitan ng text sayo?" nakataas ang kilay na sagot niya dito. " Sa pagkakaalala ko, pumunta ako dito para magtrabaho, hindi para sigawan mo lang!" ang mahina ngunit madiin niyang pahayag.

Natigilan naman ang binata dahil dun, di niya mapigilang wag sulyapan ang kabuuan ng kaharap.Tama si Jurie, nagsisinungaling siya ng sabihin niyang panget ang tigreng ito.Dahil Kabaliktaran nun ang kanyang nakikita ngayon.

Maganda ang dalaga kung tutuusin.Ngunit nang mapadako ang kanyang tingin sa suot nito, napaismid siya.

Napakunot-noo naman ang dalaga pagkakita sa naging reaksyon ng binata.

"Iwan mo muna ang mga gamit mo dito at sumunod ka sa'kin," wika ng binata at mabilis na lumabas ng silid.

Nilagay naman sa isang sulok ng dalaga ang mga ito, ngunit bago lumabas, sinipat niya ulit ang sarili sa may salamin.

"Ang sabi ko sumunod ka sa'kin, hindi yang tumunganga ka sa may salamin," ang binatang nakasilip sa may pinto.

"Oo na!" malakas na sigaw ng dalaga at mabilis nang sumunod dito.

"Ang kupad mo kumilos," ang puna ng binata dito.

"Ako makupad? Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho, sasabihan mo na ako ng ganyan? well, let us see." anang dalaga na ngumiti pa ng matamis sa harap ng binata.

Ewan ng binata pero pakiramdam niya, nakita na niya dati ang ngiting iyon.Hindi niya lang talaga maalala kung saan at kilan.Ipinilig niya ang ulo at nagsimulang maglakad sa loob ng shop.

Tinawag niya ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan at inutusan na turuan ang dalaga sa mga dapat gawen nito.

"Okie sir, ako na po ang bahala sa kanya." ani kim.

"Sige, pupunta muna ako sa pabrika," tugon ng binata dito at bumaling kay Yanne. "Antayin mo'ko mamayang gabi para masundo kita," at mabilis na lumabas ng shop para sumakay sa kotse niya.

"Hambog talaga, ni hindi man lang inantay makasagot ako!" bulong ng dalaga sa sarili.

"Halika na, nang maturuan na kita sa mga gagawen mo." yakag sa kanya ng babae.

Pumunta sila sa pinakaloob ng shop kung saan matatagpuan ang mga naglalakihang Machine at dryer.

"Wow! ang lalaki naman ng mga ito," di niya napigilang ibulalas.

Tawa naman ng tawa si kim dahil reaksyon ng dalaga.Maya-maya pa ay nag-umpisa na itong turuan siya, una nilang ginawa ay ang paghiwa-hiwalayin ang puti,light and dark colors.Sumunod ang pagsalang nito sa machine at ang tamang pagtitiklop ng mga damit.Dinala din siya nito sa Recieving area at itinuro na dapat icheck ang bawat damit sa harap ng costumer para malaman kung may damages ang mga damit or wala.Kailangan ding bilangin ng wasto ang bawat piraso ng damit, shorts,socks,underwear and etc.

Matapos nitong ituro ang lahat, nag-umpisa na siyang magtrabaho.Hindi madali sa una, pero alam niyang kakayanin niya.

"Anu nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito sa kanya.

"Adrianne, ikaw?"

"Ako naman si Kim," nakangiti nitong sagot at inilahad pa ang palad.

Inabot niya ito at nagkamay sila.nagkatawan pa sila dahil kanina pa sila magkausap, ngayon lang nila naalala itanong ang pangalan ng bawat isa.

Nang may dumating na costumer, siya ang pinapapunta ni Kim sa Recieving area para daw masanay siya.

"Uy! ang ganda mo naman," ang wika ng costumer na si Maribeth.Kasing-edad niya lang atah ito at maganda.

Ngumiti siya dito at nagwika.

"Salamat, ganun karin," balik papuri niya dito.

"Naku! wag mo'kong sasabihan ng ganyan, mas pabor ako pag sinabi mong gwapo ako." sagot nito at kumindat pa sa kanya.

Naguluhan man ay nakuha pa niyang ngumiti dito.Kinulit din siya nito at hiningi ang number niya.Sinabi niya nalang wala pa siyang cellphone.Pagkatapos maibigay ang resibo ay nagmamadali na siyang pumasok para ituloy ang paglalaba.

"Kinulit kaba niya?" ang tanong ni kim.

"Oo eh!" sagot niya.

"Isang lesbian si Maribeth, di nga lang halata."

"Talaga? Kaya pala, iba ang paraan ng titig niya sakin kanina," kanyang nawika.

"Regular costumer yun dito."

"So, ibig bang sabihin madalas ko din siyang makikita?" kanyang naitanong.

"Well, siguro, pero kung kukulitin ka niya, pwede ka naman wag pumunta sa counter, dito kalang sa loob," ang nakangiting tugon ni kim.

"Okie," tangi niyang nasabi.

"Oh, siya, bilisan na natin.Malapit na tayong magsara."

At minadali nga nilang magtrabaho, sumapit ang gabi at hapong-hapo na umupo sila sa sofang naroon.

Maya-maya pa'y tumunog ang telepono at mabilis itong sinagot ni kim.

"Tapos na ba kayo? Magsara na kayo at pakisabi sa kasama mo, kunin na mga gamit at malapit na ko diyan." tinig ng binata ang nasa kabilang linya.

"Opo, nakasara na po ang shop sir, sige po," at ibinaba na ang telepono.

"Maghanda kana, dadaanan kana ni sir," wika nito sa huli.

"Huh? sabi niya stay-in ako? Bat kilangan niya pang sunduin ako?" ang naguguluhang tanong niya.

"Wala na kasing bakante na kwarto sa taas.Kaya nag-desisyon si sir na duon ka muna sa Condo niya."

"ANU?!" ang napalakas niyang bigkas, saktong dumating ang binata.

"Pwede ba? Hinaan mo ang boses mo!" sita nito sa kanya.

"Pakialam mo ba?!" ang naiinis na namang wika ng dalaga.

Sa halip na patulan ang dalaga, sinabi niyang kunin na nito ang mga gamit.Pagod siya at gusto na niyang magpahinga.Madami silang tinapos sa pabrika, idagdag pa ang narinig niya mula kay Nicole na bumalik na nang maynila si Yanne.Pinilit niya itong tanungin kung nasaan ang pinsan nito, ngunit hindi daw nito alam kung saan ang saktong lugar na pagtatrabahuhan nito.

"Shall we?" anang dalaga na hindi niya namalayan, nakalabas na pala ng shop.

"Ilock mo na ang pinto kim," utos niya sa tauhan.

"Opo sir, at sumunod ito sa kanya.

Matapos masigurong naka lock na ang pinto, binuksan niya ang front seat at pinasakay ang dalaga.Kinuha niya dito ang gamit at nilagay sa compartment ng sasakyan.Sumakay na din siya at pinaharurot ang kotse.

Ilang minuto lang ay ipinark niya na ang sasakyan.

"Anu pang hinihintay mo? Bumaba ka na diyan at inaantok na ako," kanyang sita nang makitang tila wala pang balak bumaba ang dalaga.

"Bat ba ang sungit mo ha?" sa halip ay tanong nito.

"Pwede ba? wala ako sa mood makipag-diskusyon, kaya bumaba kana diyan!." ang naiiritang binata.

"Sungit,hmp!" anas ng dalaga at mabilis bumaba ng sasakyan.

"Sumunod ka sakin," ani ng binata at malalaking hakbang ang ginawa.

Sumunod naman ang dalaga dito.Sumakay sila ng elevator hanggang sa ika-pitong palapag.

"May isang silid diyan sa bandang kanan, yan ang gagamitin mo.Ayusin mo nalang ang mga gamit mo diyan." saad ng binatang agad na humiga sa sofa.

"Pwede ba akong makialam sa kusina mo? Gutom ako eh!" ang di nakatiis na tanong ng dalaga.

"Yes! Feel at home," ani ng binata at pumikit na.

"Gudnyt," anang dalaga ngunit wala na siyang nakuhang sagot, kaya dumeretso siya sa kusina.

Binuksan niya ang ref, pero wala naman siyang nakita na pwede niyang lutuin.kaya nagpasya siyang maglaga nalang ng itlog.

Makalipas ang 20 minutes, luto na ang itlog, matapos mabalatan, binudburan niya ito ng asin at pamintang durog.

Pagkatapos kumain ay pumasok na din siya ng kwarto at nagpasyang matulog.

Kalagitnaan ng gabi, nang magising ang dalaga dahil sa kalabog mula sa labas.

"Anu kaya yun?" ani ng dalaga at ng di mapalagay, lumabas siya ng silid.

Napabunghalit siya ng tawa nang mabungaran ang nasa living room.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now