Chapter 4

6.4K 195 0
                                    

Mabilis na nakarating si Yanne sa pinagtatrabahuhang pabrika, Hindi niya kasabay Si Nicole pagka't may Pinuntahan pa Ito, at tatlong oras ang Pagitan ng work time nila.

Pagkapasok ay agad nang pumunta sa kanyang pwesto si Yanne.

"Akala ko hindi kana papasok, gusto nang kuhanin ni Sarah ang mga ito." tukoy ni aling Eden sa mga nakatambak na damit na tapos na niyang tahiin.

"Hindi ho, trapik lang ho kasi."

"Ah ganun ba? Siya nga pala, sumabay ka sa'min mamayang breaktime, may ipapakilala ako sa'yo."

"Hindi na ho, nakakahiya naman." tanggi niya dito.

"Sige na Yanne, kahit ngayon lang." pagpupumilit pa nito.

Bumuntonghininga muna si Yanne bago sumagot.

"Sige ho."sagot niya habang binubutingting ang mga natahi na nitong damit.

"Salamat Yanne," excited nitong wika at ngumiti pa ng makahulugan.

Ngumiti na lamang siya dito, ngunit di nawala sa isip niya ang sinabi nitong may ipapakilala daw sa kanya.Kung sino man yon, wala s'yang pakialam pagka't trabaho ang tanging dahilan kaya siya anduon.

Lumipas ang ilang oras at naging abala na silang lahat.Hindi nila namalayan ang pagdaan ng oras.Nagulantang nalang sila sa pagtunog ng bell, hudyat na oras na ng kanilang tanghalian.

Nagmamadali niyang niligpit ang mga gamit at kinuha ang baon na pagkain, pagkuwa'y lumapit sa kanya si Nicole.

"Couz, tara na" yaya nito at mabilis siyang hinila papunta sa canteen.

"Teka lang." tumigil siya sa paghakbang at luminga-linga sa paligid.

"Bakit ba kasi? anung hinahanap mo?!" may pagkairitang tanong nito.

"Hinahanap ko si Aling Eden."

"Anu?!"nabiglang tanong na naman nito.

"Ang sabi ko hinahanap ko si Aling Eden,sabi niya kasi kanina sumabay ako sa kanila sa pagkain." paliwanag ni Yanne dito.

"Talaga? niyaya ka ng matandang yun?!"gulat na gulat si Nicole sa sinabi ni Yanne pagka't kilala niya si Aling Eden.Malapit ito sa binatang may-ari ng pabrikang kanilang pinapasukan, at bihira itong makipag-usap sa mga empleyado duon.

"Oo eh, bakit anu bang meron at para kang gulat na gulat sa sinabi ko?."balik tanong niya dito.

"Eh kasi couz, bihira yan makipag-usap sa mga empleyado dito.Mas madalas ang kausap niya is ung may-ari nitong pabrika."

"Ah okie."

"Tara na nga, baka nauna na yun sa canteen."yakag nito sa kanya at nagpatiuna nang naglakad.

Sumunod siya dito pero di maiwasang ilinga ang paningin, baka sakaling makita ang hinahanap.

SA LOOB NG CANTEEN di naman mapakali si Lawrence.Kausap niya ang Yaya Eden niya at kasalukuyang may hinihintay.

"Nay, matagal pa ho ba ung sinasabi niyo?" tanong niya sa matanda.Nanay ang nakagawiang itawag nila dito ng kanyang kuya Kelvin pagka't simula pagkabata ito na nag-alaga sa kanila.Nagdesisyon lamang itong umalis sa poder nila nung ipinatayo niya itong pabrika, kung saan mas ginusto nitong dito magtrabaho para magamit ang kaalaman nito sa pananahi.

"Sandali na lamang anak, darating din yun."palinga-linga nitong sagot sa kanya.

"Sino ho ba kasi talaga yun?."

"Isa sa mga Reviser natin yun, mabait na bata kaya gusto ko siya." tumingin ito sa kanya bago nagpatuloy."At alam kong magugustuhan mo din."

"Nanay talaga, di na nagsawa sa ganyan.Alam niyo naman pong wala akong hilig diyan."

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now