Chapter 13

5.8K 150 0
                                    

  "IKAW NA BA YAN?!" ang di makapaniwalang bulalas niya.

Tumango lang si Yanne bilang tugon sa tanong ng kaharap.

"It's been a long years, how's your life?" wika nito at niyakap siya.

Gumanti siya ng yakap dito, "Okie lang naman po, kayo po ba?."

"Heto, kakauwe lang galing Europe," ani Janet. "By the way, bakit kaba bigla nalang nawala?" patuloy nito at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Biglaan lang din ho, nagkaroon ng problema sa bahay," sagot ng dalaga.

"Oh! Sad to hear that," wika nito na pinalungkot pa ang boses. "Anyway, are you busy?" patuloy na tanong nito.

"Hindi naman po."

"Okie, samahan mo'ko mamili, then sama ka sa bahay namin," yakag nito at hinila na ang kanyang kamay.

Nagpatiunod nalang siya dito hanggang sa matapos itong makapamili at makauwe ng bahay.

"Feel at home," wika nito sa kanya pagkapasok sa loob. "Maupo ka muna, aayusin ko lang itong mga pinamili ko." at mabilis na itong pumasok sa isang silid.

Umupo siya sa sofang naroon at inilibot ang paningin sa kabuuan ng Living room.Wala siyang masabi sa ayos nito, dahil completo sa mga gamit.May malalaki ding painting na nakasabit sa dingding.Napadako ang paningin niya sa isang Family Picture.Kung hindi siya nagkakamali ay mag-asawa ang dalawang matanda na nasa litrato at dalawang lalaki na hinuha niya mga anak ito ng mag-asawa.Nakilala niya ang isa, ito ang kuya Kelvin niya.Muli niyang pinasadahan ng tingin ang isa pang lalaki.

Kumabog ang kanyang dibdib. "It's him," wika ng kanyang utak.

Hindi siya maaaring magkamali, ang lalaking nasa larawan, at ang lalaking laman ng kanyang puso ay iisa. "Pero paanong nangyari na, kapatid siya ni kuya Kelvin?" tanong niya parin sa sarili. "At kung kapatid man, nasaan ito? Anung nangyari dito?" mga katanungang naglalaro sa utak niya.

"Do you know him?" tinig ni Janet ang nagpalingon sa dalaga.

"Yes! Eight years ago, nakilala ko siya," mabilis niyang tugon dito at tumingin ulit sa litrato. "Siya ba ang tinutukoy mo noon sa Ospital na gusto mo para sa'kin?" aniya at tinitigan niya ang kaharap. "Siya ba ang kaibigan ni Kuya Jurie?" patuloy niyang tanong.

"Yes! He is."

"But how? Sa pagkakaalam ko, anak siya ni aling Eden na isang mananahi sa pabrikang pinagtrabahuhan ko." naguguluhang tanong niya.

"Plinano namin ang lahat, sa kagustuhang mapalapit siya sa'yo," wika nito at tinitigan din ang litrato. "Ang totoo, si Nanay Eden ang nag-alaga sa magkapatid pagkatapos mamatay sa car accident ang kanilang mga magulang.Ito ang tumayong pangalawang ina nila." patuloy nito.

"Anong plano? Hindi ko parin maintindihan," takang tanong niya.

"He likes you, or should i say, he loves you," tugon nito at umupo. "Gusto niyang mapalapit sa'yo, kaya nagplano kami na wag ipaalam ang totoo niyang katauhan sa'yo.Inisip namin na baka mailang ka or mag-alangan once na malaman mong sila ni Jurie ang may-ari ng pabrikang pinapasukan mo."

Hindi siya makapaniwala sa nalaman.Lalong hindi niya mapaniwalaan na mahal din siya nito.Akala niya, siya lang ang nagmamahal, yun pala parehas lang sila.Pakiramdam niya tuloy, nasa langit na siya dahil sa nalaman.

"Nasaan na siya?" sa halip ay tanong niya.

"Gusto mo ba talaga siyang makita?" balik-tanong nito.

"Oo."

"Okie, dadalhin kita sa kanya, tara!" yaya nito at mabilis na naglakad papunta ng pinto.

Napasunod na lamang siya dito.Sumakay sila sa sasakyan nito at binaktas ang kahabaan ng Commonwealth to Cubao.

Hindi mapakali sa kinauupuan ang dalaga, lalo na at kabisado niya ang daang tinatahak nila.Kung hindi siya nagkakamali, papunta itong P.Tuazon.

Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, nang huminto sila sa kabilang kalsada, katapat ng Laundry shop kung saan, tanaw na tanaw niya ang binata.

"Anung ginagawa natin dito ate?" ang kinakabahang tanong niya.

"There he is, ang taong gusto mong makita at ang taong natatanaw mo ay iisa."

"Pero paanong-------"

"He meet an accident at the cross road eight years ago," sansala nito sa nais niyang itanong. "That accident happens two days after the day you left," patuloy nito.

Di siya makapagsalita dahil sa mga narinig.Nanatili lang siyang nakatanaw sa binata.

"Sinubukan ka niyang hanapin at pinuntahan sa lugar na pinagbabaan niya sayo that night, pero walang makapagturo kung saan ang tirahan mo du'n." sambit nito, dahilan para mapalingon siya dito.

"Ipinagtanong ka din niya sa pinsan mong si Nicole, ngunit sarado ang bibig nito," patuloy pa nito.

Natitigilang napatitig siya sa kaharap.Natatandaan niyang itinanong niya sa pinsan kung nakikita nito ang lalaki, ngunit parati nitong sagot, hindi.Wala siyang alam na rason para itago yun ng pinsan niya.Lalo tuloy siyang naguluhan.

"I know what you are thinking," anang Janet. " Well, Kasama sa plano namin na wag magsalita or magbigay ng impormasyon kay Lawrence ng tungkol sa'yo," wika pa nito at tumingin sa labas.

"Pero bakit n'yo ginawa ang bagay na yun?" nakakunot-noong tanong niya.

"Because we believe na, kung nakatadhana kayo para sa isa't-isa, magkikita at pagtatagpuin parin kayo ng sitwasyon at pagkakataon."

"Pero bakit iba ang mukha niya ngayon?"

Napabuntonghininga ang katabi bago ito nagsalita, "Like what i've said, he meet an accident, aksidenteng muntik niya nang ikamatay," malungkot na saad nito. "Kakagaling niya lang sa lugar niyo noon, dahil patuloy parin siyang umaasa na makikita ka niya, ngunit bigo parin siya.Nagpunta siya ng bar, kasama si Jurie at nag-inuman ang dalawa.Naglasing si Lawrence, kaya nagpresenta ang kaibigan nito na ihatid siya, ngunit tumanggi ito.Nagpumilit parin itong umuwe na mag-isa, kaya hinayaan nalang ni Jurie." tumigil sa pagsasalita ang katabi at pasimpleng pinunasan ang luhang nagtatangka nang tumulo.

Maging ang dalaga ay hindi mapigilan ang mapaluha.Hanggang sa narinig niyang nagsalita ulit ang katabi.

"Hating-gabi na nang pumunta sa bahay si Jurie.Nagtatanong kung nakauwe na daw ba si Lawrence, sagot namin ay hindi pa.Hanggang sa makatanggap kami ng tawag na nagsasabing nasa ospital ang kapatid ng asawa ko.Halos takbuhin namin ang ospital noon, dahil sa sobrang pagkaranta.Para kaming itinulos sa kinatatayuan namin nang makita namin ang nakalulunos na itsura ng bayaw ko." patuloy nito na tuluyan nang kumawala ang mga luha sa mata nito.

Umisod siya dito at niyakap ito ng mahigpit.Hinayaan niyang umiyak ito sa balikat niya.Ilang sandali pa'y pinunasan niya ang mga luha nito gamit ang kanyang daliri.

Pilit na ngumiti si Janet sa dalaga at umayos ng upo, saka nagpatuloy sa pagkukwento.

"Halos hindi namin siya makilala, dahil sa damage na nangyari sa mukha niya.
Ayon sa nagdala sa bayaw ko sa ospital, bumangga ang kotseng minamaneho nito sa isang Truck.Ang halos ipanghina ng loob namin noon, ay ang sinabi ng doctor na may posibilidad na mabulag si Lawrence, dahil sa mga bubog na tumama sa mata nito." tumigil ito sandali at tumingin sa gawi ng binata.

"Five months siyang walang malay, akala namin hindi na siya magigising ng mga panahon na iyon, pero lumaban siya.Nagising siya na pangalan mo ang tinatawag, and thanks god dahil kasabay ng paggising niya, mayro'n parin siyang paningin.Kinausap namin siya at sinabi ang opinyon ng doctor, tungkol sa Surgery na gagawin sa mukha niya.Nang una ay ayaw niyang pumayag dahil inaaalala niya na baka daw hindi mo siya makilala pag nagkita kayo, pero bandang huli napapayag din namin siya." Lumingon ito sa kanya at nagtanong, "Kung sakaling hindi mo nalaman ang lahat ng ito, may pag-asa kayang matutunan mo siyang mahalin, sa bago niyang anyo?."

"Una palang ng pagkikita namin, naramdaman ko na yung pakiramdam na nadama ko sa kanya walong taon na nakararaan.Maaaring nagbago ang mukha niya, ngunit ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing nasa malapit siya, hindi nagbago," sagot niya. Andito parin yung pagmamahal na iningatan ko para sa kanya, dahil alam ko, darating sa'min ang tamang panahon, panahon para magsimula at maipadama ang pagmamahal sa isa't-isa." Ginagap niya ang kamay ng katabi at saka ngumiti, "At baka ito na ang tamang panahon ate," dagdag pa niya.

"Yeah, tama ka diyan," sang-ayon nito.

"But... wait, you told me, napapayag niyo siyang magpa-surgery ng mukha, bakit may malaking pilat parin siya sa gilid ng labi niya at yung sa braso? Saan galing ang mga yun?" may pagtataka na tanong niya dito.

"Two months after the recovery, nagpasya siyang bumalik sa lugar ng tiyahin mo.Lagi daw siyang nananaginip na nakabalik kana, kaya nagdudumali itong pumunta do'n kahit alanganing oras na ng gabi." suminghot ito at saka nagpatuloy. "Pero minalas siya dahil napagtripan siya ng mga tambay sa may highway.Pinagtulongan siyang bugbugin and worst, ginamitan pa ng patalim na siyang nag-iwan ng marka sa katawan nito," emotional na saad nito habang binabalikan sa ala-ala ang mga nangyari.

Maging siya ay napaiyak habang isinasalaysay nito, kung paano nakipaglaban
kay kamatayan ang binata.Hindi niya matanggap na napahamak ito dahil sa kanya, hindi niya matanggap na dahil sa biglaan niyang pagkawala, magkakaganun ang binata.

"Kasalanan ko lahat ng nangyari sa kanya, ang sama ko!" umiiyak niyang sambit.

"Ssshhh..Walang may gusto sa nangyari, aksidente ang lahat," alo ni Janet sa dalaga.

"kung sana lang, nagawa kong magpaalam, siguro hindi niya mararanasan ang mga iyon," may pagsisising saad niya.

"May mga bagay or pagsubok talaga na dumarating sa buhay natin, gustuhin man natin or hindi, kung nakalaan sayo ang pagsubok na iyon, wala kang magagawa kundi harapin ito ng matatag at buo ang loob mo.Katulad ni Lawrence, ni minsan hindi ko narinig sa kanya na nagreklamo siya, or nagalit sa panginoon dahil sa mga nangyaring hindi maganda sa kanya.Bagkus, siya ay nagpasalamat dahil ginawa siya nitong matapang at matatag na tao," ani Janet at inakbayan ang dalaga. "Wag mong sisihin ang sarili mo, ang kailangan mo lang gawin ay, ipadama mo sa kanya ang pagmamahal na sinasabi mo."

"Paano?"

"Simple! bumaba ka na diyan at magtrabaho, este harapin mo siya," mabilis nitong tugon.

Maang siyang napatingin dito.

"Jurie told me, na nagtatrabaho ka sa kanya," maagap nitong saad at kumindat pa.

Napatango nalang siya sa tinuran nito at akma nang bababa nang magsalita ito.

"Bago ko pala makalimutan, wag mo munang banggitin sa kanya ang tungkol sa'kin at sa pagkikita natin.Pupunta na lamang kami dito bukas ng asawa ko, para sunduin ang anak namin."

"Sige po," tugon niya. "Ingat sa pagmamaneho," bilin niya at saka bumaba.

"Ikaw rin, ingat, at alagaan mo siya," bilin nito at kumaway pa bago pinaharurot ang sasakyan.

-------------

MAY KAUSAP ang binata sa cellphone nito pagkapasok niya.Dumeretso siya sa loob ng labahan at tinulongang magsalang sa machine ang kasamahang si Kim.

"Hoy, Adri! Saan ka ba nanggaling? kanina ka pa hinihintay ni sir."

"May pinuntahan lang ako sa Alimall."

"Ah, kumain kana ba?"

"Oo, tapos na."

"Mabuti naman, oh siya, ikaw na maglaba, dun na'ko sa recieving area." wika nito at agad tumalikod.

Nasundan na lamang ito ng tingin ng dalaga at pinagpatuloy ang paglalaba.

SAMANTALA, di naman mapakali ang binata sa opisina.Di niya parin nakikita ang dalaga, at ni hindi niya alam kung nasaan ito.Dahil naiinip, tinawagan niya ang kaibigan at niyayang gumimik.Matapos makipag-usap sa cellphone ay mabilis na siyang umalis.Ni hindi na niya napansin na ang dalagang hinihintay ay nasa loob lamang ng Laundry.

Nag-overtime sila Yanne sa shop dahil madaming pumasok na labahin sa kanila.Pasado alas-onse na siyang nakauwe.

Pagkapasok niya sa Condo, ay bumungad sa kanya ang living room na madaming kalat, bukas din ang tv.Nabungaran din niya ang binatang nakahiga sa sofa.Hindi pa ito nakapagbihis, at mukhang nakainum base narin sa amoy nito.

Umupo siya sa tabi nito at hinaplos ang mukha nito.

"Kaya pala ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko everytime na nagkakadikit ang mga balat natin, kasi ikaw yan.Na kahit nagagalit ka, hindi ako makaramdam ng kahit kaunting takot kasi nga, ramdam kita.Na kahit hindi ka nakilala ng mga mata ko, kilala ka naman ng puso ko."

Dumako ang daliri niya sa labi nito. " Lagi ko tong inaasam na matikman ulit," aniya at di napigilang kintalan ng isang magaan na halik ang labi ng binata.

Di pa siya nakuntento, yumakap siya dito.Sakto namang gumalaw ito kaya napahiga siya sa tabi nito.Napangiti siya at isiniksik ang sarili dito.

Naalimpungatan naman ang binata nang maramdamang tila may mabigat na nakadagan sa kanya.Kamuntik pa siyang mapasigaw ng makitang may katabi siya at nakadagan pa ang mga binti nito sa kanya.

Ngunit natigilan siya nang mapagsino ang katabi.Napangiti siya at tinitigan ito.
" Ang ganda mo lalo, pag tulog," kanyang nasambit.Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nito na nakaharang sa mukha nito.Dinama at pinaglaruan ng daliri ang mga labi nitong medyo nakanganga. "So cute," anas niya.Yumuko siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito.Hinalikan niya ito sa labi at niyakap bago tuluyang pumikit.

KINABUKASAN, Tili nang batang si Akie ang gumising sa dalawang nilalang na mahimbing paring natutulog at magkayakap pa sa sofa.

Unang naalimpungatan ang dalaga at nanlaki ang mga mata pagkakita sa katabing kakagising lang din, "May Rapest! May Rapest!" kanyang sigaw. Ngunit agad ding natigilan at natutop pa ang bibig nang maalalang, siya pala ang lumapit at tumabi dito kagabi.

Ngiting-ngiti naman na tumayo ang binata at pasipol-sipol pang pumasok sa banyo.

Samantalang ang bata namang si Akie ay tumabi sa dalaga, "Tita Gumawa ba kayo ng baby ni Tito kagabi?" walang pakundangan nitong tanong.

Halos magkulay-suka naman ang mukha ng dalaga dahil sa tanong ni Akie.Pero agad ding nakabawi. "Hindi, gagawa palang," nakangisi niyang sagot.

"Yehey! gagawa sila ng------hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil tinakpan niya ng kamay ang bibig nito.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now