Chapter 14

6.3K 168 2
                                    

  PAGKATAPOS Mag-almusal ay agad nang pumunta ang dalaga sa shop.
Naiwan ang mag-tiyuhin na hindi matapos-tapos sa biruan.

"Tito, did you kiss my tita lastnight?" Akie asked him.

Parang tanga na ngumiti ng todo ang binata pagkaalala sa ginawa niyang paghalik sa dalaga.

"Yes! I kissed her!" Amin ng binata at tila nangangarap na itinukod ang dalawang siko sa lamesa

"Talaga po?" ang nanlalaking matang bulalas nito.

"You heard me right," aniya na kinusot pa ang buhok ng bata.

Napasimangot naman ang bata dahil sa ginawa ng binata.Lumapit ito sa tiyuhin at umakbay.

"Don't do that again tito," nakangusong saad nito.

"And why?" aniyang naaaliw sa asta nito.

Inilapit nito ang bibig sa tainga niya at bumulong.Napahagalpak ang binata sa narinig, dahilan para mapapadyak sa inis ang pamangkin.

"Hindi kita bati! Pinagtatawanan mo'ko." ani Akie at mabilis na tumakbo sa kwarto.

Sinundan ito ng binata at sinuyo.

"Sorry for what i did," aniya dito at pilit itong iniharap sa kanya. "There's nothing wrong about it...But, you're still a kid Akie," patuloy niya.

"I know tito, but someday, i will court her," mabilis nitong tugon.

Napakamot na lamang ang binata sa sagot ng pamangkin.For god sake, his nephew is just a eight years old, and now, sinasabi nitong gusto nitong ligawan ang batang babae na nakatira sa katapat nilang pinto. "Mga bata nga naman," aniyang napapalatak pa.

"What did you say tito?" tanong nito na narinig pala ang tinuran niya.

"Nothing, just be a good boy, okie?" sa halip ay sagot niya.

"Okie po tito," agad nitong sagot.Pagkuwa'y bumaba ito sa kama at lumabas ng pinto.

"Where are you going?"

"Sa Laundry po, kay tita Adri," pagkawika'y agad isinara ang pintuan.

Napapailing namang naiwan ang binata.Mukhang magiging malapit ang pamangkin niya sa dalaga, hindi na siya magtataka kung ganun ang mangyari, dahil mabait ito at madaling makagaanan ng loob.Sa isiping iyon ay napangiti
ang binata. "You'll be mine! and you will be a real tita for Akie," anas niya at nagbihis nadin para sumunod sa mga ito.

---------

Nagkakatuwaan naman habang nagpapahinga ang mga dalaga sa Laundry nang dumating si Akie.Pagkakita nito kay Yanne ay agad itong tumabi sa dalaga.

"Tita,did you kiss my tito lastnight?" tanong nito na ikinagulat ng dalaga.

"Ba--ba--kit mo naman naitanong?" ang kanda-utal na sagot niya.

"Because, tito told me, he kissed you lastnight," turan nito.

Nagulat ang dalaga sa sinabi nito, hindi niya alam na ginawa iyon ng binata sa kanya.Namula siya lalo na nang tuksuhin siya ni Kim.

"Uy! nangangamoy peg-ebeg dito," saad nito at sinundot pa siya sa tagiliran.

"Oo nga po ate kim," singit ni Akie. "Kanina, nakita ko silang magkayakap ng tito ko," ang patuloy na pambibisto ng bata.

Dahil dun ay tinakpan ng dalaga ang bibig nito. " Quiet okie," aniya dito. "Oo hinalikan ko ang tito mo, pero wag mong sasabihin sa kanya, ha?" bulong niya dito.

Tumango naman ang bata bilang tugon.

"Hmmnn...Andito na ang peg-ebeg mo," ani kim at isinenyas ang binata sa labas.

Napalingon naman siya at nakita ngang papasok ito ng shop, mabilis niyang inalis ang kamay sa bibig ng bata at bumulong ulit dito.

"Keep Quiet, okie?" aniya dito.

"Opo," sagot nito at binuksan ang tv.

"Good morning Ladies!" kanyang narinig na bati nito.

"Good morning din Sir!" ang magkakasabay na tugon ng tatlo niyang kasama.

Tumingin sa gawi niya ang binata, napakunot-noo ito nang makitang wala siyang imik.

"What happened to you?" tanong nito.

"Naku Sir! Inlababo po yan," ang mabilis na sabat ni Mae.

"Hindi ah!" tanggi niya at tumalilis sa mga ito.

Napangiti naman ang binata sa inasal ng dalaga, at pasimpleng nagtanong kay Mae.

"Sa tingin mo, kanino siya in love?"

"Kanino pa ba? Eh di sa lalaki na nanghalik sa kanya kagabi," sagot nito na may kasamang kindat.

Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata dahil sa narinig.Wala sa loob na kinapa pa ang labi, at di nagtagal, pumasok na ito sa opisina.

Si Akie naman, gustong- gusto na sumabad sa usapan ng mga ito.Ngunit nang maalala ang sinabi ng tita niya, mas pinili niyang manahimik nalang.(behave daw muna siya, hahaha!)

Habang naglalaba ang dalaga ay nkatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Ina.Nagtatanong ito kung uuwi siya sa susunod na araw dahil fiesta sa lugar nila. "Oo nga pala, muntik ko pang makalimutan." aniyang natampal pa ang sariling noo.Sinabi niya na lamang sa Ina na magpapaalam muna siya sa kanyang Amo.Bago nito ibinaba ang tawagan, nagbilin itong sabihin sa kanya ng mas maaga kung makakauwi siya para makapaghanda ang mga ito.Tanging oo ang naisagot niya at tinapos na ang tawag.

Lumabas siya at nagpaalam sa binata.Napasukan niya ito na abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles na nasa lamesa nito.

"Unggoy, ah este Lawrence, magpapaalam ho sana akong uuwi sa'min.Fiesta ho kasi sa makalawa at gusto ni nanay na umuwe ako," kanyang simula.

"Ilang araw ka sa inyo?" tanong nito.

"kahit tatlong araw lang ho, basta makauwi lang ako."

"Gusto mo samahan kita?"

"Naku! Hindi na.Kaya ko naman mag-isa," kanyang sagot.

"Okie, ikaw ang bahala."

"Sige po!" at mabilis nang tumalikod.

Naiwan namang nag-iisip ang binata ng strategy para masamahan ang dalaga ng makita niya ang pamangkin, bigla siyang napangiti nang may maisip. "Wala kang kawala," aniya sa sarili at nagpatuloy sa ginagawa.

HAPON nang dumating sa kanyang shop ang mag-asawang Kelvin at Janet.
Nabigla siya, dahil ang sabi ng mga ito sa susunod pang buwan ang uwi nila.

"What a surprise?" kanyang turan nang makabawi at yumakap sa mga ito.

"Oh, yeah! Pero mukhang kami yata ang na sorpresa." ani Kelvin na nakatingin sa naglalabang si Yanne.

"Matagal na siya dito kuya, pero kamakailan ko lang nadiskubre na siya at si Yanne ay iisa," kanyang litanya.

"Well, Anung real score between you and her?" ani Janet.

"Real score? Naku Mom, malapit na akong may makalaro." si Akie na biglang sumulpot sa kung saan.

Napamulagat naman ang tatlo sa tinuran ng bata.Sabay na napatingin ang dalawa sa binata, mga tinging nagtatanong.

"Ops! It's not like what you're thinking guys.I just kissed her," kanyang pag-amin.

"And tita Adri, told me early, she kissed you also." ang matabil na bata na biglang natutop ang sariling bibig.

Nagkatinginan na naman ang tatlong nilalang at maya-maya pa'y napuno na ng tawanan ang kabuuan ng opisina ng binata.

Sumapit ang gabi at nakapag desisyon na ang binata.Humingi muna siya ng opinyon sa dalawa at tanging sagot ng mga ito ay basta para kaligayahan niya, suportado siya ng mga ito.Ang mag-asawa muna ang pansamantalang magbabantay sa Laundry at sa iba pa nilang branch.Nagbilin na din siya tungkol sa pabrika, dahil sina Jurie at Nicole kinutsaba niya para makasama sila sa dalaga, pati ang batang si Akie, di rin ngpahuli.

Pagsapit ng uwian, kinausap niya ng sarilinan ang dalaga.Sinabi niya dito ang kanyang desisyon at pumayag naman ito lalo na nang sabihin niyang kasama sila Nicole.

----------------

KINABUKASAN ng hating-gabi ay lumarga na ang anim.Kasama nila ang kapatid ni Nicole na si Jeffrey na siyang magsisilbing driver nila, dahil kabisado nito ang daan, pauwi ng bicol.

Sumakay ang apat sa backseat, samantalang ang binatang si Lawrence mas ginustong sa frontseat maupo.Maayos at matiwasay naman ang biyahe nila hanggang sapitin nila ang Quezon province.Nagsimulang manggulo ang batang si Akie.

"Tita Adri, Unan ka ba?"

"Bakit?" kanyang tugon.

"Eh kasi, ang sarap ng yakap ni tito sa'yo nung nakaraang umaga." ang mabilis nitong tugon at kumindat pa sa tiyuhin na napalingon dito.

"Ayiieehh!" kinikilig na duet nang nasa likuran na sina Jurie at Nicole.

Ngiting-ngiti naman ang binata sa kapilyuhan ng pamangkin.Samantalang napayuko at nahihiya naman ang dalaga.

Bumanat naman ang binata.

"Yanne, kamoteng kahoy kaba?" tinig ng binata,dahilan para mapatingin ang dalaga dito.

"Ba--ba--Bakit?" ang nauutal niyang tanong.

"Kasi kahit gaanu ka pa katagal lutuin, hihintayin parin kita," anang binata at kumindat pa dito.

"Whoooooaaaaa! Nangangamoy pag-ibig na talaga!" ang sigaw ni Akie na inilabas pa talaga ang ulo sa bintana.

Nagkatawanan naman ang lima sa inasal ng bata.Lumingon ang nagmamanehong si Jeffrey sa pinsan.

"Couz, magpapatalo ka ba? Nasaan na ang mga banat mo?" aniya at kinindatan ang dalaga.Nakuha naman ng dalaga ang ibig sabihin ng pinsan.Pasimple siyang tumikhim at tumingin sa gawi ng binatang si Lwrence.Nagsimula siyang kumanta, kaya napatingin sa kanya ang lahat.

(Kantahin sa tono ng banyo queen)

Ako'y nandito sa pajero
Alas-kwatro ng madaling araw
Kasama ko itong magandang lalaki
na nakakabighani sa'king mga mata
Siya ay si Lawrence Ferrer
at siya'y aking mahal.

Nasisiyahang nakatitig sa kanya ang binata, dahilan para mas lalong bumilis ang pintig ng puso niya.

When he stared, at me
i feelin nerbiyos
Oh kumakabog, kumakabog
kumakabog, kumakabog
ang dibdib ko.....

"Yehey!" at nagpalakpakan ang mga kasama nila sa sasakyan.

"That's my girl," anang Jeffrey na naaaliw talaga sa dalawa.Napapaisip siya kung bakit may mga taong kahit mahal naman ang isa't- isa, di parin maamin ng mga ito ang kani-kanilang nararamdaman.Katulad nalang sa kaso ng pinsan niya at sa lalaking katabi niya.Napailing siya at nagpokus sa pagmamaneho.

Pagkatapos kumanta ay agad tumagilid ng upo ang dalaga, gusto niyang matulog.Ilang sandali pa'y tinangay na siya ng antok.

Limang oras pa ang itinagal ng biyahe nila hanggang sa magising ang dalaga sa mahihinang tapik nito sa braso.

"Yanne, wake up! we're here!" anang Lawrence.

Dahan-dahang nagmulat ang dalaga at inilinga ang paningin sa loob ng sasakyan. "Asan na sila?" kanyang tanong nang mapagtantong nag-iisa siya sa loob.

"Kanina pa sila nakababa, nasa bahay niyo na at nagkakasiyahan."

Napatampal ang dalaga sa noo, na ikinangiti ng binata.Nagmamadali siyang bumaba at sumunod naman binata, pagkatapos masigurong nakasara lahat ng bintana't pinto ng sasakyan.

Pagdating nila sa bahay, naabutan niyang nakaumpok sina Jurie at Jeffrey sa tropa ng kuya niya na nag-iinuman.Hindi na nakakapagtaka, dahil fiesta nga naman.

"Anak, andito kana pala, halika na kayo, nasa loob sila nicole." ang kanyang ina na bahagya pang tumingin sa binata.

Napansin naman iyon ng dalaga, kaya pinakilala niya ang dalawa sa isat-isa.

Pagkatapos makilala ang bisita ng kanyang anak, ay mabilis nang pumasok sa loob ng bahay ang matanda.Sumunod naman dito ang dalawa.

Kumakain sila Nicole ng mapasukan nila.

"Yanne, Kuya Lawrence, kain na kayo! Ang sarap ng luto ni Ante Puring!" wika ng pinsan niya na hawak pa ang platong may lamang dulsing pili.

"Siya nga naman, kumain na kayo!" si aling Puring na pinaghila pa ng upuan ang dalawa.

Tahimik namang naupo at kumain ang dalawa.Pagkatapos kumain ay natulog muna ang dalaga, samantalang sina Nicole at Akie sumama sa kanyang ina papunta sa baryo.Nalaman kasi ng mga ito na may peryahan doon kaya excited ang dalawa na makapaglaro.Si Lawrence naman lumapit sa mga nag-iinumang sina Jeffrey.Ipinakilala siya nito sa kapatid ni Yanne.Maluwag naman siya nitong tinanggap, lalo na nang sabihin ni Jeffrey na boyfriend siya ng kapatid nito.

"Cheers!" aniya nito at tinagayan siya.Tinungga niya naman ang ibinigay nito, hanggang sa naki-upo nadin siya sa mga ito.

------------

GABI NG SAYAWAN

Dahil rock ang tugtog, sumayaw ang anim at pumuwesto sa gitna.Tuwang-tuwa sila dahil sa kakulitan ng batang si Akie.Kung sino-sinong dancer ang ginagaya nito, na labis hinahangaan ng ibang sumasayaw dahil magaling naman talaga ito.Sa edad na anim, nakitaan na ito ng talento sa pagsasayaw na labis ikinatuwa ng mag-asawang Kelvin at Janet.Hanggang sa sumapit nga ito sa edad na walo, mas lalo itong gumagaling.

Samantala, pagod na si Yanne at gusto na niyang maupo nang biglang nagpalit ang tugtog.From rock naging sweet.Aalis na sana siya ngunit maagap siyang hinawakan ng binata sa kamay.Napatingin siya sa mga kasama, masayang sumasayaw sa tabi nila ang magkasintahang Jurie at Nicole.Sina Akie at Jeffrey ay namataan niyang kumakaway sa kanila sa may upuan.

Muli siyang napatingin sa kamay na hawak ng binata.Hindi na siya tumutol, sa halip ay ipinaikot niya ang dalawang braso sa may leeg nito.Hinapit naman siya nito sa bewang at dinama ang awiting pumailanlang.

JUST TELL ME YOU LOVE ME

Intro:

Many times, I wished you we're here
through the velvet shadows of my dreams
Many times, i wished you we're near
through the darkness as it came but it seems
that you, you never said what needed to hear.

Mas lalong hinapit ng binata ang dalaga palapit dito.Ramdam niya sa kanyang puso ang totoong pagmamahal para dito.Isinandig naman ng dalaga ang mukha sa bandang dibdib ng binata, dahilan para maramdaman niya ang mabilis na pintig ng puso nito.

Chorus :

Just tell me you love me
whispers words i so long to hear
let this time not be borrowed
let it be ours to share
if you tell me you love me
it will lead the way to your heart
through the mirror's of silence
you love me..

Impit na umiyak ang dalaga sa dibdib ng binata.Hindi man niya aminin, pero talagang hindi nawala sa puso't isip niya ang binata.Sa mga nagdaang araw, habang kasama niya ito, mas lalong lumalim ang pag-ibig niya dito.

Quietly, i've waited
for the memory borne of our first kiss
Patienly, i've waited
for the moment you would take me to a world
that i, i've never seen in that girl before.

Ini-angat ng binata ang mukha ng dalaga nang maramdamang basa ng likido ang kanyang damit.Tama nga siya, umiiyak ito.Maging siya ay di mapigilan ang pagtulo ng luha.Nagkatitigan silang parehong luhaan ang mga mata.Luha na dulot ng kaligayahan, dahil sa hinaba-haba ng panahong hindi sila nagkita, nanatiling konektado ang kanilang puso at isip.

Just tell me you love me
whisper words i so long to hear
let this time not be borrowed
let it be ours to share
if you tell me you love me
it would lead the way to your heart
through the mirror's of silence
you love me....

Bugso ng damdamin ay niyakap niya ng mahigpit ang dalaga, "I LOVE YOU!" aniya dito ng di na mapigilan ang sinisigaw ng puso.

May pagsuyo namang tinitigan ng dalaga ang kaharap, Ipinatong niya ang sariling mga paa sa paa ng binata.

Nang magpantay ang kanilang paningin, "I LOVE YOU TOO!" kanyang tugon at yumuko para halikan ito.Buong pagsuyo namang tinugon ito ng binata at pinagsaluhan nila ang halik na puno ng pananabik at pagmamahal sa isa't-isa.

SHE'S A LAUNDRY GIRL                    by:M.D.SWhere stories live. Discover now