Chapter 39 Soft Heart

1K 32 5
                                    

Rea's POV

Masaya kong sinalubong si Aya. Grabe namiss ko siya. Pinapasok ko siya para mapakilala kay Drake kaso nagulat ko ng marinig siyang nagmumura.

"Fuck!" Aniya. Nasamid siya sa iniinom na kape kaya napaso siya.

Agad ko siyang dinaluhan. Kumalas ako sa yakap ni Aya saka patakbong pinuntahan siya.

"Ano ba kasing nangyari?" Nag-aalalang sabi ko. Kinuha ko ang basahan na nakita ko sa upuan saka pinunasan ang nabasa niyang damit at bibig.

Habang pinupunasan ko ang bibig niya ay bigla niyang tinabig ang kamay ko na ikinagulat ko.

"Damn! Ang dumi niyan e! Tignan mo nilulumot na!" Galit na sabi niya. Kumunot ang noo ko saka tinignan ang basahan na hawak ko.

Napangiwi ako ng makitang nangingitim na iyon. One month akong nawala, ang alam ko pinunasan ko ang natapong dinuguan noon kaya ngayon marumi ito at di nabanlawan.

"Hehe." Kumamot ako ng ulo. Patay ka Rea. Bakit kasi ito pa ang pinagpunas ko sa mukha niya?

Matalim ang mata niya sa akin kaya napangisi ako. Galit na naman siya sa akin. Ang hirap pa namang suyuin ng taong ito.

"Di bale gwapo ka pa rin naman." Sabi ko sabay ngumiti ng hilaw. Lalo lang siyang nagalit sa ginawa ko.

"Teka, ang gwapo nito Rea. Saan mo natisod 'to?" Singit ni Aya sa usapan namin ni Drake. On time ka talaga Aya, mawawala ang galit ni Drake sa akin.

Napansin ko naman ang pag-ilap ng mata ni Drake na parang iniiwasan ang mata ni Aya. Bakit kaya? Wag niyang sabihin crush niya ang bingi kong bestfriend?!

"Ah si Drake...boyfriend ko.." Pakilala ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Aya saka binalingan ulit ng tingin si Drake na ngayon ay nakatingin na kay Aya.

"Amen? Bakit pastor ba yan? Magdarasal tayo?" Inosenteng tanong nito. Tinapik ko ang noo ko.

Kumunot ang noo ni Drake habang pinapanood kami. "Ganito.." Binuka ko ng maigi ang bibig ko para mabasa niya.

"Boy..pren." Bigkas ko. Halos humaba ang nguso ko para lang maintindihan niya. Kalaunan ay lumiwanag ang mukha nito.

"Ahh boyfriend.." Tumangu tango ito. "Boyfriend??? Ay teka sandali lang, Rea. Kelan pa?" Halos mabingi din ako sa lakas ng boses niya.

"Di ba nagpapanggap kaming magkasintahan?"

"Tanan? Nagtanan kayo? Hindi pwede yan, Bess!" Napamura ako sa sinabi niya.

"Nagpapanggap!" Sigaw ko.

"Pangarap? Alam mo na yun eh. Gusto ko model di ba ikaw pangarap mo makapagtayo ka ng sari sari store?"

Here we go again! Kahit na mahirap siyang intindihin ay namiss ko siya. Namiss ko ang pagkabingi niya.

"Nagpapanggap hindi pangarap!" Halos magsilabasan ako ng ugat sa leeg.

"Masarap? Yung kasama mo mukhang masarap." Malanding sabi nito saka nagpa cute kay Drake.

"Hay naku! Siya si Drake.." Pakilala ko rito.

"Cake? Ah cake yung masarap hindi si pogi?" Napasimangot si Drake habang nakasalubong ang kilay.

"Ewan ko sayo. Kumain ka na?" Tanong kong pasigaw, ginagawa ko iyon habang umaaksyon na kumakain para agad niyang makuha.

"Ah oo!" Umupo ito sa tabi ni Drake saka harap harapang tinitigan. Kulang na lang ay mahalikan niya ito. Umusog naman ng konti si Drake siguro naiilang siya.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now