Chapter 53 Basketball

1.1K 32 8
                                    

Rea's Pov

"Rea, magsisimula na ang laro!" Sigaw ni Aira mula sa labas ng bahay namin. Ayokong pumunta kasi naman tinatamad ako. Pumasok si Aira kasama si Anika kaya nadatnan nila akong nanonood ng cartoon.

"Mas gugustuhin mong panoorin ang pambatang iyan kesa suportahan ang lalaking kinababaliwan mo?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Aira. Dumiretso naman si Anika sa sofa namin saka inagaw sa akin ang remote at nilipat ng channel.

"Ano ba? Hoy, Anika nanonood ako." Reklamo ko habang abala siya sa panonood ng documentary news.

"Mas may mapupulot kang aral dito kesa sa panonood mo ng cartoon. Seriously? Ano ka five years old? Saka mas maganda 'to kesa panoorin ang basketball habang nagsisigawan ang mga kababaihan. Tss." Umikot pa ang mata ng lola ninyo.

Sumimangot si Aira saka inagaw ang remote at pinatay ang TV. Humarap siya sa amin saka humalukipkip. Nakahiga pa rin ako sa sofa habang pinapanood ang dalawang magkapatid. Hindi naman kasi ako mahilig sa basketball. Saka mapapahiya lang si Drake di naman marunong iyon. Nakakahiya pag andun ako.

"So, hahayaan mo si Ody na kumerengkeng do'n? Hahayaan mo ang pinsan nito na parang sawa sa property mo?" Tinuro niya si Anika. As if naman hindi niya pinsan itong si Ody.

"Hoy, ikaw ang kamag-anak nun. Wala akong pinsang excited magka boyfriend." Umirap si Anika sa kapatid.

"Ang sinasabi ko lang, Rea. Baka sa kaka drama mo diyan maagaw na ni Ody si Drake kasi supportive siya. E ikaw? Wala, nganga ka. Sige ka pag naagaw sayo iyon baka di mo na kayang bawiin." Paalala niya sa akin. Bumuntong hininga ako saka na tumayo.

"Fine! Sasama na." Napangisi si Aira.

 "Good. Let's go!" Yaya niya.

Maingay sa loob ng covered court. Panay ang hiyawan habang papalapit kami. Naririnig ko ang pagdribble ng bola maging ng announcer. Hinila ako ni Aira para lang makasingit sa mga nagkukumpulang manonood.

"Ano ba yan! Dahan dahan naman!" Nakasimangot na sabi ng babaeng natamaan namin. Hindi naman siya pinansin ni Aira at nagpatuloy sa paghila sa akin.

Naririnig ko na lang si Anika na nanghihingi ng paumanhin sa mga natatamaan namin. Kung hindi lang namin kasama si Anika malamang may nanabunot na sa amin. Buti na lang kilala si Anika rito at alam nilang teacher siya kaya medyo umiilag sila.

Matapos naming makipagsiksikan ay nakapunta na kami malapit sa pwesto ng team nina kuya. Hindi malapit, hindi malayo. Kumbaga sakto lang. Halos malaglag ang panga ko ng makita si Ody na panay ang lapit kay Drake na ngayon ay nakaupo sa bleachers. Kumuha ito ng towel sa pinupunasan ang noo ni Drake. Todo ilag naman ang isa. Nakasimangot ito habang nanonood ng laban. Hindi siya kasali kasi alam ko hindi siya marunong.

"Drake, pumasok ka na kasi!" Iritadong sigaw ni Greg. Umiling si Drake kasabay ng paggalaw ng panga. Tinignan ko ang scoring board. 28-34 at lamang ang kalaban. Tiningnan ko ang mga naglalaro. Nakapasok sina kuya kasama si Tom, Gary at Steven. Humihingal na sina Kuya a sobrang pagod.

"See? Tignan mo si sawa." Ngumuso si Aira para makita ko si Ody na nag-aalok ng tubig kay Drake.

"Go Xander!"

"You can do this Steven!"

"Fight! fight! Fight!"

Iba iba ang sigaw nila kaya halos mabingi na ako. Tinakpan ko ang tenga ko sa sobrang ingay. Panay din ang sigaw ng kabilang koponan. Ganito pala ang totoong laro. Sa TV kasi hindi ganito kaingay.

The Best Pretending Roleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن