Chapter 48 Courting

1.1K 49 12
                                    

Rea's POV

" Artista talaga, Kuya Xan?!" Tanong ko ulit habang bumabaybay sa gilid ng palayan.

Nahihirapan akong mag balance dahil hinahabol ko si Kuya, bilis kasing maglakad.

"Oo nga! pang ilang ulit mo nang tanong yan? Ako'y naaalibadbaran na sayo!" Masungit na sabi niya kahit nakatalikod siya sa akin. Napanguso ako.

"Yang nguso mo humahaba na naman." Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakatalikod naman ito pero kita pa ako? Ang galing naman niya. May third yata si kuya eh.

"Ha? Paano mo alam?"

"Kilala kita kaya alam ko." Sagot niya.

Malapit na kami sa amin, nakikita ko na ang maliit naming bahay mula rito sa palayan. Kulang na lang takbuhan ko na ang palayang ito para lang makarating na sa amin.

"Anong pangalan ng artista, kuya? Gwapo ba talaga?"

"Hindi ko alam pero gwapo siya."

"Kung I rate mo siya sa kagwapuhan anong score niya..1-10 highest ang ten." Tumigil siya saglit saka ngumisi.

"9. Siyempre ako yung 10." Pagmamayabang niya. Sumimangot ako. Hanep din sa kayabangan si Kuya di pa ako nasanay. Tumalikod na siya ulit saka naglakad sumunod naman ako sa likuran niya.

"Sa tingin mo, posible kayang magustuhan ako? Malay mo ma inlove sa akin tapos magiging asawa ko siya. Naku swerte niya." Wika ko.

Lumingon siya sa akin saka humarap. Kumunot ang noo niya.

"Asa." Aniya saka umirap at tinalikuran ako.

"Kuya naman eh!" Hinabol ko siya pero di ko mahabol. Ang bilis talagang maglakad!

Nakikita ko si Bryan sa kanya, may pagkamasungit pero protective lang sa akin. Si Kuya Cyrus naman ay kilala sa amin bilang playboy at maraming nagkakandarapa. Maganda din naman lahi namin, ganda ko kaya.

"Kuya, gwapo ba talaga?"

"Oo nga! Kulet!" Napipikon na sabi niya saka kinamot ang ulo.

Sumunod ako sa kanya sa likod bahay. Pumasok siya sa kusina, sumunod naman ako. Sino kaya siya? Naku, first time kong makakakita ng artista? Gwapo din kaya siya gaya ng pandesal boys? Maliban kay Drake ha. Pangit yon.

Dumiretso si kuya sa loob, ako naman ay naiwan saglit sa kusina. Inayos ko ang nagulo kong buhok saka inamoy ang hininga ko. Mahirap na baka ma turn off.

Baka kailangan ng extra! Nakung willing akong mag-artista. Magaling kaya akong umarte!

Tumikhim pa ako ng isang beses saka malapad ang ngiti para pumasok sa sala. Bago pa ako makapasok ay lumabas si Pablito mula sa sala. Malapad ang ngiti nito ng makita ako. Ang ngiti kong abot hanggang tenga ay biglang nawala. Hindi ko alam kung saan napunta.

"Kuya, akala ko ba artista?" Inis na sigaw ko kay Kuya.

Artista ba si Pablito? Niloloko na naman nila ako! Alam ko naman na nirereto nila sa akin si Pablito. Pakulo na naman ito ni mama! Kaasar! Iniwan ko pa naman sina Tom doon sa bukid!

"Hi Angel!" Nakangiting sabi niya ngumiti ako ng pilit.

"Tabi." Sabi ko saka dumiretso sa loob.

Sumunod naman siya na parang buntot ko. Nakaka badtrip talaga! Mukha bang artista ang kumag na ito? Naku pag nakita ko si Kuya sisipain ko siya sa bumbunan!

"Kuya! Di naman artista dumating! Ang daya mo!" Sigaw ko para marinig ako.

Naabutan ko sila sa sala nina Mama, Papa, kuya Cyrus, at Khira. Kausap ni Mama ang lalaking nakaupo pero di ko makita ang mukha. Kumunot ang noo ko. Totoong may artista!

The Best Pretending RoleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora