Chapter 45 Adventure

988 29 7
                                    

Rea's POV

Last week  pretending. Last Seven days of work. Last One hundred sixty eight hours with him.

Naiisip ko pa lang nalulungkot na ako. Nababagabag. Naiiyak. Natutulala. Puro mabigat na hininga ang ginawa ko habang nakaharap sa isang kalendaryo na binigay sa akin ng isang fast food chain noon.

Nilagyan ko ng bilog ang exact date ng expiration ng contract. Napanguso ako habang nakatitig sa petsang iyon. Dapat pala sulitin ko ang mga oras na kasama ko siya. Para akong may malubhang sakit nito na tinaningan ng doktor.

Ayoko namang umamin sa kanya. Baka tuluyan ng matapos kontrata namin ng wala sa oras. Isa pa, labag iyon sa tenth rule. Saka, anong ihaharap ko sa kanya? Alam kong sing kapal ng diksyunaryo ang mukha ko pero hindi ko maatim na pagtatawanan niya lang ako. Masakit iyon.

Sabi nga nila dapat lalaki daw ang nauunang magtapat. Dapat ang babae pa chill chill lang. Taas noo at may pride. Gusto ko naman makaranas na ang lalaki ang aamin para may maipagmalaki naman ako balang araw na hindi ako ang naghabol. 

Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatulala sa tv, ni hindi ko alam kung ano ang palabas. Isa iyong koreanovela na hindi pamilyar sa akin. Nai-imagine ko tuloy na ako iyon at si Drake.

"Drake mahal kita." Sabi ko habang kumakain kami ng pasta sa isang restaurant.

"What? Joke ba yan? Tatawa na ba ako?" Tumawa siya ng malakas hawak pa niya ang tiyan sa kakatawa. Kaya ang resulta, nabilaukan siya.

Umiling agad ako. Ang pangit naman ng pagtatapat ko sa kanya. Baka maging sikat ako kung gano'n ang gagawin ko. Nag-isip ako ng ibang scenario baka sakali effective at mai-apply ko.

"I love you, Drake." Sabi  ko habang sumasayaw kami sa gitna ng dance floor. Mataman niya akong tinitigan bago nagsalita.

"Woah! English pa more, Rea!"

Umiling ulit ako. Ang pangit naman. Kahit anong plano yata gawin ko ay pagtatawanan ako ni Drake.

"Gusto kita, Drake." Sabi ko habang nagpapa cute sa kanya. Tumingin siya sa akin saka ni-head to foot ako. Magtatapat ako sa park kung saan kami madalas pumunta.

"Thank you." Masungit niyang sabi.

Napasimangot ako. Magtatapat ako na gusto ko siya tapos sasabihin niya THANK YOU? Ayoko. Ang pangit! Last na talaga.

"Drake Ramirez Villarama, I heart you!" Sigaw ko sa gitna ng mga tao. Lumuhod pa ako saka may hawak na chocolates at flowers para sa kanya.

Nagdilim ang mukha niya saka ako matiim na tinitigan.

"Rea Angelica Dimapilis..WAG KANG PABEBE!"

Napamulat ako ng mata sabay iling sa naiisip ko. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko sa aking naiisip. Oh my gosh! Hindi ko keri kung ganoon ang mangyayari! Hindi ako aamin! Hinding hindi tutal magaling ako sa pretending. Kasi nga siningaling ako.

"Huy!"

"Ay peklat!" Halos mapatalon ako ng makita si Drake sa pintuan. Ngumisi pa ang mokong dahil sa pagkakagulat ko.

Pumasok siya saka dumiretso ng bathroom. Ilang saglit lang ay lumabas na siya. Wala na ang ngiti sa mukha niya gaya ng dati.

Tumayo na ako saka bumaba. Iniwan ko siya sa taas kasi naman hindi siya nagsasalita. Pagkababa ko ay narinig ko ang halakhakan nina Wayne at Kean. Si Jess ay malayo ang iniisip. Si Keith at ang kasama niyang babae ay nagbubulungan.

"Damn, you're so unfair!" Sinapak ni Kean si Wayne.

Nagtutuksuhan pa sila na parang mga bata. Umupo ako katabi ni Jess pero hindi niya ako pinansin. Anong problema ng taong 'to? Nitong nakaraang araw lagi siyang tulala. Madalas nagkukulong. Minsan naman laging gumagala sa labas, pagkauwi niya lasing na lasing.

The Best Pretending RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon