Chapter 2 : A journey to mayhem

79.8K 2.5K 4.2K
                                    

ZIANNE'S POV

Kasabay naming tinungo ni Yohan ang pinanggagalingan ng tilian hanggang sa makarating kami sa lobby ng dormitoryo.

Nakarinig ako ng makina ng motorsiklo kayat mas lalo akong na-curious.

"Zianne Tabi!" Laking gulat ko nang biglang sumigaw si Yohan sabay hila sa akin papunta sa kinatatayuan niya ngunit mas ikinagulat nang biglang may dumaan na isang motorsiklo sa mismong kinatatayuan ko kanina.

Nanlaki ang mga mata ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ako dahil sa kaba.

Oh my God! Kung hindi ako hinila ni Yohan baka nasagasaan na ako! 


"Hoy gago ihinto mo yang putangina mong motorsiklo!" Sigaw ni Yohan at nung iba pang mga taong nasa lobby.

Teka who's that jerk who almost ran me over?! Ang lakas ng loob niyang mag-motor dito sa loob ng building!

Patuloy lang ang pagmamaneho ng kung sino mang gago na yun, wala itong pakialam kahit napapasigaw na sa takot ang mga nadadaanan niya.

"DAMON IHINTO MO NGA YAN!"

Biglang may sumigaw ng napakalakas.

Nakakatakot yung boses niya at parang galit na galit.

Nang dahil sa sigaw na yun ay biglang huminto yung driver ng motorsiklo na hindi pa gaanong nakakalayo.

Sabay-sabay kaming napalingon sa kung sino mang sumigaw.

Si Clark.

Napaka-amo at inosente ng mukha niya pero yung boses niyang galit ay sobrang nakakatakot.

Muli akong napatingin sa gagong driver at nakita kong tumayo na ito mula sa motorsiklo at dahan-dahang tinanggal ang helmet nitong nagkukubli sa mukha niya.

Shit! Ang pogi pala niya! Kaso yun nga lang, Gago.

"Kuya! Long time no see!" Sigaw nung lalake kay Clark na may napakalapad na ngiti.

"Kuya?" i curiously mumbled to myself.

Teka magkapatid sila? 


"Stop with your bullshit and Apologize to them kung ayaw mong makarating to kay Daddy." Cold na saad ni Clark at agad na naglakad palayo na palang walang nangyari.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon