Chapter 14 : Special Announcement

54.7K 2K 1K
                                    

JIMMY’S POV

(Few days after the events of the previous chapter)

Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko at agad siyang sinubukang tawagan ngunit gaya ng kanina’y voicemail parin ang binabagsakan ko. “Hi this is Anika, please leave a message after the beep”

Napabuntong hininga ako.

“Anika kanina pa ako naghihintay. For christ’s sake namumuti na ang mata ko! May tournament pa tayo next week. Ano? gusto mo bang manalo o hindi?” Banta ko sa kanya.

Nakakainis, akala ko ba responsible yung babaeng yun? Bakit simpleng Fencing practice di man lang siya maka-attend?

Di bale na nga lang. Pagt-tyagaan ko na nga lang ang mannequin dun. Tss.

Tumayo na lamang ako at naghanda. Kanina pa ako nakasuot ng protective gears kayat mask nalang ang kinailangan kong suotin.

Pinili ko ang pinakabagong Sabre mula sa weapon rack. Ang sabre ang siyang ginagamit naming weapon pagdating sa fencing. Mistula itong espada ngunit napakanipis nito.

 - - - - - - - - - 

Limitado ang preskong hanging nalalanghap ko dahil sa maskarang suot ko. Pawang maliliit na butas lamang ang nakatadtad sa unahang bahagi nito, sapat para akoy makahinga at makakita.

Panay ang pagtama ko sa kabalabang hindi gumagalaw.

Langya tong si Anika, Di sumipot. Tuloy heto ako at mannequin lang ang kalaban. Mag-isa lang ako dito kayat wala rin akong pwedeng maging kalaban.

Natigil ako sa pag-aasinta nang marinig kong sumara ang pintuan dito sa practice room na exclusive lang sa fencers na gaya ko.

Agad akong napalingon.

Natuwa ako nang makitang may dumating, Gaya ko ay nakasuot rin siya ng uniform na pang fencing at may maskara din siya sa mukha gaya ko. Di ko makilala sino siya kasi di siya umiimik, nakatingin lang siya sa direksyon ko.

Si Anika na siguro to! Sa wakas naman naisipan niyang magpakita!

Tutal nakikita ko namang may weapon na siyang dala ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Humakbang ako papalapit sa kanya at inatake siya.

Nagtaka ako nang mapansing di siya gumaganti ng tira, sa halip ay panay lang ang pag-ilag niya at parang natatakot pa siya sa bawat tira ko sa kanya. Teka si Anika ba talaga to?

Makaraan ang ilang pag-ilag ay nanlalaban na si Anika. Sina-sangga na niya ang bawat pag-atake ko sa pamamagitan din ng kanyang saber.

Zugzwang: The Final PactHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin