Chapter 20 : We Are Sinners

45.7K 1.9K 764
                                    

Zianne’s POV

Tulong-tulong na inakay nina Chase at Gavin ang wala paring malay na si Noah habang dali-dali kaming pumunta sa pinakaunang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay. Sinunod namin ang sinabi ni Clark at inilock ang pinto at hinarangan din ito ng kung ano-anong bagay. Walang bintana sa kwartong to kayat hindi namin maaninag ang labas.

Sa tindi ng takot ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapahagulgol. Niyakap ako ni Yohan. “Wag kang iiyak. Walang mangyayaring masama sa atin sinisigurado ko yan sayo” niyakap ko nalang din siya pabalik. 

Naupo kaming lahat sa sahig.

Tahimik lang kami ngunit alam kong gaya koy takot na takot rin sila. Nag-aalala ako para kay Reese. Sana walang masamang nangyari sa kanya.

“Why is this happening to us?! Sino ang demonyong makakagawa ng ganitong bagay?!” Iyak ni Jarrel. 

“We are the demons Jarrel.” nagulat kaming lahat nang biglang magsalita si Anika.

“No were not Demons…Were pawns” Chase.

“Bahala kayo basta ako, pogi ako” Singit naman ni Gavin kayat agad siyang binatukan ni Chase.

Biglang tumawa si Anika. "Its funny how sometimes gumagawa tayo ng mga napakasamang bagay tapos ngayong nasa panganib na ang mga buhay natin para tayong kung sinong mabait kung umasta" Oo tumatawa siya ngunit panay ang pagtulo ng luha niya.

"Lahat ng tao nagkakasala but no one deserves to die violently" Wika ni Gavin. Wow for the first time may narinig akong makabuluhang salita mula kay boy laway. this is a sign of doom -_-

"Pero kung kasingtindi ng kasalanan ng iba sa atin, masasabi mong they really deserve to die that way..." Mahinang bulong ni Anika.

Anong ibig niyang sabihin dun?

Alam kaya niya kung ano ang nagawa kong kasalanan?

"What do you mean by that Anika?" Sambit ni Jarrel na mistulang galit. "Are you saying that God is punishing us?!" 

"Wag mong idamay ang diyos dito Jarrel. Tao ang nagkakasala kayat tao rin ang maniningil ng mga kabayaran ng bawat kasalanan" Lubha akong kinilabutan sa sinabi ni Yohan.

"S-sino sa inyo ang nakabunot ng KNIGHT?" Wika ni Chase kayat napatingin kaming lahat sa kanya. "Ano ang nabunot niyo nung araw na gumawa tayo ng kasunduan?"

Walang nagtataas ng kamay o sumasagot man lang. Kung ako ang tatanungin, Hindi knight ang nabunot ko. Pawn yun.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon