Chapter 23 : Lies and Betrayals

46.9K 1.9K 1.6K
                                    

Third Person's POV

"Wait belle? Belle did all of this?!" tanong ni Clark na gulat na gulat sa nalaman.

"Belle?" mahinang bulong ni Zianne.

"Wait guys naririnig niyo ba yun?" Wika ni Yohan kayat natahimik silang lahat.

Napakatahimik sa loob ng mansion kayat tanging ang buhos lamang ng ulan ang naririnig nila ngunit ilang sandali pay nahagap ng kanilang pandinig ang isang malabong wangwang. Unti-unti itong lumalakas hanggang sa mapagtanto nila kung ano ito --Sirena, Sirena ng pulis at ambulansya.

Nabuhayan ng loob si Zianne. "Nandito na ang mga pulis!" Sigaw niya at dali-daling tumakbo habang hawak-hawak sa isang kamay si Yohan.

Takbo ng takbo ang apat palabas ng mansion nang bigla nilang maaninag ang isang taong tumatakbo mula sa isang bahagi ng pasilyo.

"GUYSSSS!" Sigaw nito na siyang ikinagulat nila lalong-lalo na nang makita nilang itoy si Anika.

"S-saan ka galing?" Tanong ni Clark.

"Been looking for the others. Maingat ako sa bawat galaw ko. Nakarinig ako ng putok ng baril kaso ngayon nakakarinig na ako ng sirena! Tara sa labas!" Sigaw ni Anika na gaya nilay mistula na ring nabunutan ng tinik.

Takbo sila ng takbo hanggang sa makarating sila ng ligtas sa ground floor ng mansion.

"Teka sandali. I'll be back" paalam ni Anika nang makita niya ang mga papel na nakuha niya kanina mula sa fax machine nung may kuryente pa.  Walang maayos na ilaw kayat napagdesisyunan niyang bumalik sa itaas na palapag ng mansion kung saan may apoy na makakatulong sa kanya sa pagbabasa.

Hindi na lamang siya pinigilan nila Zianne dahil para sa kanilay tapos na ang bangungot dahil nandito na ang mga pulis.

Muling napaiyak si Zianne nang tuluyang maaninag ang iilang mga makukulay na ilaw mula sa malayo. Palatandaan ito na nandito na ang mga pulis at ligtas na sila. Sa tuwa ni Zianne ay agad itong napayakap kay Yohan.

"Where's damon?" Mahinang bulong ni Yohan na nag-aalala.

"Oo nga! Si Paker nasaan?!" Wika naman ni Chase.

- - - - - - - - -- - - - - - - -

Anika's POV

The police are here but the mystery remains. I know one of us is the killer! Kanina pa ako takbo ng takbo sa loob ng mansion nato. Its so big that it seems like a maze. Pero magmula kanina, Wala akong ibang nakitang tao maliban lamang sa apat na kakasalubong ko lang.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon