Chapter 18 : And then there was light

43.2K 1.8K 354
                                    

Zianne's POV

I yawned and combed my hair with my hand. 

"Ano bang nangyari? Naman oh ang sarap-sarap ng tulog ko!" Reklamo ni Gavin na may tuyo paring laway sa gilid ng bibig.

Actually lahat kami ay nasa labas ng kanya-kanya naming mga tent. Lahat kami antok na antok pa. Muling kumulog kayat nagsigawan ang ilan sa amin.

Bigla kaming may narinig na mga yabag at nakitang kadarating lang nila Yohan at Clark na magkahawak kamay. Namumugto pa ang mga mata ni Yohan. 

"Teka anong nangyayari? Bakit kayo nasa labas lahat?" Tanong ni Clark.

"Biglang nagsisigaw si Ashley eh tas tumakbo bigla" Sagot ni Reese.

"Nasaan yung iba?" Tanong ni Yohan kay Damon ngunit hindi siya nito pinansin. Siguradong nagseselos na naman ang gago.

"Sinundan nila Kuya Jeffey, Belle at Ike sina Noah at Ashley pabalik sa mansion" Ako na lamang ang sumagot.

Bigla kong naramdamang may tumutulong likido sa braso ko. Saglit akong napatingala. "Hala! umuulan ba?" Tanong ko

"Baka laway mo lang yan?" Gavin

"Just like in horror movies..." Chase

Lahat silay napatingala rin at itinaas ang kanilang mga kamay sa ere. Walang ano-anoy biglang umalingawngaw ang napakalakas na pagtama ng tubig ulan sa mga puno.

"Shit ulaaaan!" Sigaw nila Jarrel at Belle.

Napakalakas ng ulang sinasabayan pa ng kulog at mumunting kidlat. Shit paano nato?

"Bumalik tayo sa mansion!" Biglang sigaw ni Damon kayat sumang-ayon na lamang kami. Kawawa kaming lahat pag hindi kami umalis dito dahil sa lakas ng ulan.

- - - - - - - - - - -- - 

Takbo lang kami ng takbo habang dala-dala ang ilan sa mga gamit namin. Basang-basa na kaming siyam sa ulan. At dahil pinoy, nagtatawanan parin kami dahil ang ilan sa amin ay halos madulas na.

Malapit na kami sa mansion nang biglang may naaninag si Chase na kakaiba.

"Guys?..... Sino yung nasa sahig?" Biglang tanong ni Chase.

Gulat kaming lahat nang mapagtantong si Noah ito. Wala siyang malay at may dugo ang kanyang noo. "Noah! Noah gising!" Sigaw ng sigaw sina Reese habang pilit na tinatapik yung pisngi niya.

Tulong-tulong na itinayo ng mga boys si Noah kayat nagpatuloy na lamang kami sa pagpasok sa loob ng mansion.

Pagpasok namin, napakadilim ng lahat.

Kinapa-kapa namin ang mga dingding upang mahanap ang switch ng ilaw.

Bumukas ang ilaw. Binalot ng liwanag ang loob ng living room ngunit kasabay nun ang pagkakita namin ng isang kahindik-hindik na tagpo...

Napahawak ako sa bibig ko kasabay ng panlalambot ng tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig samantalang nagtilian at nagsigawan ang iba dahil sa nakita.

May apat na malalaking kawayan na nakatayo sa sala....At sa tuktok nito nakatusok ang apat na pugot na ulo... Ulo nina Cherry, Jimmy, Erwin at Mrs. Romulo.

"Anong nangya------" Maging sina Reese ay gulat na gulat rin sa kita.

Gusto kong pumikit ngunit hindi ko magawa. Wala akong kontrol sa sarili kong katawan. Nakatitig lang ako sa mga laman at dugong nagkalat sa sahig. 

Ngunit higit na kapansin-pansin ang salitang nakasulat sa dingding gamit ang dugo... ZUGZWANG 

Biglang namatay ang ilaw kasabay ng napakalakas na kulog kayat muli kaming nagsigawan.

END OF CHAPTER 18

- - - - - - -- 

Sorry for the lame update. Masama na pakiramdam ko hanggang dito lang kaya. Sarreh.

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon