Chapter 29 : Family Ties Part 2

47.9K 2K 1.8K
                                    

Reese's POV

Dala-dala ang kahon na naglalaman ng mga papeles na mula kay Anika ay pasimple akong lumabas ng police station. Buti nalang at busy silang lahat kayat wala masyadong nakakita sa akin ngunit napakalaki ng pasasalamat ko sa batang yun kasi iniwan niyang hindi naka-lock yung pinto.

Dala-dala ang cellphone ni Detective Chen ay agad kong tinawagan si Mommy at pumara ng taxi.

Matagal bago sumagot si Mommy kayat nagkaroon ako ng oras para tingnan yung mga papeles. Nakakainis lang kasi yung iba sunog na.

Nandito ang karamihan sa mga files namin, Langya ano ba tong ginagawa ni Anika? Nakakakilabot na siya. Tinitingnan ko ang mga files nang bigla akong may mapansing kakaiba. May pangalan ditong hindi ko kilala. Alexander Romano.

Teka sino tong Alexander Romano?

Nakakapagtaka kasi si Chase yung nasa litrato pero yung pangalan na nasa document ay Alexander Romano. Nice pareho ang last name niya ang middle name ko. What a coinci-------SHIT!

 ["Hello Sino to?" ]

Muntik akong hindi makapagsalita nang marinig ko na ang boses ni Mommy sa kabilang linya.

"M-mom its me, Reese" mautal-utal kong bulong.

["O napatawag ka? kamusta yung camping?"]

Shit di pa pala nila alam ang nangyayari. 

Napabuntong hininga ako. "Mom hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You have to tell me, ano ang pangalan ng half brother ko?!" Aligaga kong tanong.

["I...dont know what y..youre talking about son"] Mautal-utal na saad ni Mommy.

"Mom listen to me! My life is at risk here! Stop lying and please tell me the truth!  Matagal ko ng alam ang tungkol sa kanya pero ngayon kailangan kong malaman ang buong pangalan niya!" 

["Reese I am your mother! Do not raise your voice!"] Sigaw niya sa akin kayat bahagya akong napapikit.

"Si Alexander Romano ba ang kapatid ko?!!" Tuluyan na akong napasigaw. Hindi sumagot si Mommy sa halip ay binabaan niya lang ako ng telepono. Kilala ko ang mommy ko at isa lang ang ibig sabihin nito....Si Alexander Romano nga ang kapatid ko at iisa lang sila ni Chase. Hindi ko alam paano sila naging iisa pero noon pa man ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni Chase magmula nang magkakilala kami. Matagal ko ng napapansin ang masasama niyang tingin niya sa akin sa kabila ng bawat ngiti at biro niya. Kaya pala sa simula palang ay may kakaiba na akong pakiramdam sa kanya. 

Kaya pala ayaw niyang magpatalo sa tuwing kami ang nagkakalaban sa paglalangoy.

Kaya pala hindi ako palagay kapag kasama ko siya.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon