Chapter 7 : Role Play

55.2K 2.1K 1.6K
                                    

Third person's POV

Nakaupo sa isang malapad na mesa ang labing-anim na estudyante. Kanya-kanya sila ng pag-iisip ng paraan upang mapatalsik ang kanilang guro.

"How about a scandal? Fight fire with fire right?" Basag ni Cherry sa katahimikan.

Si Cherry ang kaklase nilang walang ibang inaatupag kundi makipagtext.

"Wow cherry for the first time nakita kong humiwalay yung mata mo sa cellphone mo!" Sigaw ni ike.

"No, pwede parin niyang gamitin ang mga sikreto natin. We have to be creative" Pag-uudyok ni Anika.

"Edi lumpuhin nalang natin para matapos nato!" Suhestyon naman ni Erwin ngunit sinamaaan lang siya ng tingin ng lahat lalong-lalo na si Noah na kaklase niya noong highschool.

"Hindi ka parin nagbabago" mahinang bulong ni Noah na mistulang galit. Pakiramdam ni Noah ay may nakatingin sa kanya kayat nilibot niya ang kanyang paningin at nakitang nakatitig sa kanya ang kasintahang si Ashley.

"Guys dont you think na masyado ng extreme yang pinaplano niyo? We dont need to hurt anyone" Pangongontra ni Ashley sa sinabi ni Erwin ngunit ang mga tingin niyay nakapako lang kay Noah na mistula bang pinapatamaan ito. "Walang dapat mapahamak" dagdag pa nito.

Naging hindi komportable si Noah nang marinig ang mga katagang yun mula kay Ashley. Agad itong umiwas ng tingin at bahagyang yumuko.

"So ano na ang plano?!" Tanong ni Damon na hindi parin mapakali.

"Kasalanan mo yan, bakit mo pa kasi sinulat yun" bulong ni Clark na inis na inis kay Damon.

"Alam ko na paano. Ang bobo niyong lahat. tsss" Taas noong sabi ni Chase at napa-smirk.

"Aber ano plano mo? Lalandiin mo si Sir Frank para umalis siya sa school at magpakalayo-layo?!" Sarkastikong pagkakasabi ni Zianne.

"No..." chase

"How?" tanong naman ni Yohan na kanina pa tahimik.

"We have to scare the shit out of him" Seryosong sabi ni Chase at isa-isang tiningnan ang kanyang mga kasama.

Itinaas ni Jarrel ang kamay niya senyales na gusto nitong magsalita.

"Like duh matanda na si Sir Frank, imposibleng matakot siya sa mga multo!" Sabi niya sabay taas ng kilay.

"Shhh" suway ni Ashley kay Jarrel. Mistulang gusto nitong marinig ang sasabihin ni Chase.

Zugzwang: The Final PactTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon