Chapter 38

67.7K 1.8K 431
                                    

Lucas' POV

Napatingin ako sa likod ko kasi napansin kong napatigil sa pag sasalita si Athena. Nakita ko si Abi at Kenji naglalakad papalapit sa amin. Pero malamang hinde pa nila kami nakikita dahil dirediretso lang sila sa pag lalakad.

"Ano na yung sinabi ni Kenji?" mahina kong tinanong kay Athena
Habang nakatingin siya kela Kenji ngumiti siya tapos umiling, "Wala. Pinipilit niya lang akong

tulungan ko siya sa dapat niyang gawin dahil nga may sakit daw si Abi. Psh."

"Sa totoo lang Athena.." napatingin siya sa akin, "May stomach cancer si Abi.."

Nanlaki yung mata ni Athena halatang hinde makapaniwala sa sinabi ko, "Pero.. kelan pa..?"

"Nung mag thithird year niya sinabi sakin. Nung una hinde ako makapaniwala kasi ang sigla sigla niya eh. Tapos napaka biglaan nung pagkasabi niya. walang signs na may sakit siya. Ayaw niyang ipaalam sa iba yung sakit niya, lalong lalo na kay Kenji."

Napatingin ulit siya kela abi habang nakaupoi, "Kaya ba sila nag break ni Kenji..?"
Tumango ako. "Oo, gusto niyang magalit sa kanya si Kenji kaya humingi siya ng favor sa akin.

Gusto niyang maging girlfriend ko siya."

"So.. hinde mo siya talaga gusto?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa tanong niya.

"Siguro nung umpisa kasi dahil sa awa kaya ko siya tinulungan. Kahit na masira yung friendship namin ni Kenji ok lang kasi alam kong balang araw maayos rin un, lalo na pag nalaman niya yung katotohanan. Pero nung tumagal tagal, napamahal na rin siya sa akin.." Tumingin ako sa kanya, "yun nga lang, hinde ata mutual."

"So all this time.. si Kenji yung gusto niya?"

"Siguro. Kasi nung nalaman niyang ikaw yung bagong girlfriend ni Kenji pati nung sinabihan kitang maganda.. nagalit siya eh. Kahit hinde ka niya ganun kakilala galit siya sayo. Ayun nag break kami. Tapos ayun, naging sila ni Gino.. hinde ko nga alam kung pano sila nagkabalikan ni Kenji eh. Ang alam ko ayaw na niyang makipagbalikan pa kasi nga dahil sa sakit niya."

"People do change.." sabi ni Athena. "Pero bakit nung time na nalaman niyang lumalabas tayo nagalit siya sa akin? Sinampal niya pa nga ako eh."

"Selfish kasi yun eh. Habang nung tumatagal, nagiging selfish siya dahil alam niyang may sakit siya kaya akala niya lahat mapakanya. Akala niya lahat kanya. Tingnan mo si Gino, alam niyang boyfriend ni Grace yun pero sige parin siya. Spoiled kasi masyado kasi only child siya."

Tumango na lang si Athena.
"May gusto ka pa bang malaman..?" tanong ko sa kanya

Umiling siya, "Masyado ng marami yung nalaman ko ngayong araw.. Talo na ako eh. Tama na siguro yun."

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon