Chapter 10

95.6K 2.8K 1K
                                    

"Aba.. hinde ata siya nagwawala ngayon... hinde niya inaaway yung maid niya?" umupo ako sa kama tapos binuksan yung tv.

Mga 1 hour din akong nanood ng tv, palipat lipat lang.. nagbabakasakaling may magandang palabas. Pero I failed, wala pala talagang magndang palabas.

"Ano ba tong bahay niya! Ang tahimik! Parang hinde si Kenji yung nakatira dito ah."

Tumayo ako tapos lumabas ng kwarto. Napaka tahimik talaga. Ang naririnig ko na lang ay yung malakas na ulan kahit tv kasi wala eh. parang ako lang yung tao dito..

"Kenji??" naglakad ako papunta sa may living room
"Kenji nandito ka ba?" pero wala siya. sumilip ako sa may bintana , nakita kong naka lock na yung

gate chineck ko rin yung pintuan, naka lock na rin.

"Ano ba tong bahay na to ang tahimik na nga, nawawala pa mga tao." Yes, minsan nagsasalita talaga ako mag isa. Weird huh? I know.

Bumalik na lang ako sa pink pink room. Since hinde ko na talaga mahanap si Kenji sa loob ng bahay. Asan na ba kasi siya? hinde naman palasyo yung bahay niya para hinde ko siya mahanap eh!

"Nasa red room kaya siya..?" naalala ko bigla yung red na pintuan sa tabi ng room na to. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"Kenji?" kumatok ako sa pintuan, pero walang sumasagot.

Hinawakan ko yung door knob tapos binuksan yung door. Nakapatay yung ilaw, kaya pumasok ako tapos hinanap yung switch nung ilaw. Nung nakapa ko na, I turned it on. Nakita ko si Kenji naka higa sa kama nakabalot sa kumot.

"Kanina pa kita tinatawag eh! bakit ba hinde ka nag sasalita??" lumapit ako sa kanya, napansin ko na nanginginig siya.

"Kenji.. ok ka lang ba?" nagbend ako ng konti tapos shinake ko siya sa may balikat ng mahina. "Kenji.. are you sick? Oh my god, stop shaking! Natatakot na ko.."
Hinde pa rin siya nagsasalita, totoo na ba to? May sakit talaga siya?! OMG anong gagawin ko?? Hinawakan ko yung forehead niya, OMG! MAY FEVER SIYA!!

"Kenji!! Teka lang! OMG anong gagawin ko? WAIT WAIT!" binuksan ko yung cabinet niya tapos kumuha ako ng white na handkerchief. Went to the kitchen para magboil ng water. Kinuha ko rin yung basin sa may dirty kitchen. After 10 minutes nilagay ko na yung boiled water sa basin then went straight to Kenji's room. I dipped the handkerchief to the basin filled with HOT water then kinuha ko yung handkerchief dun sa basin. OK ALAM KO MAINIT. Stupid.

"Ano ba to! Hired girlfriend na nga ako, tapos nagiging nurse na rin ako!"

Nakaupo lang ako sa may chair sa tabi ng bed ni Kenji. Hinde ko alam kung bakit pero naaawa ako sa kanya.. pano pag wala ako sa tabi niya? Sinong magbabantay sa kanya pag maysakit siya? bakit ba kasi kelangan niyang mag-solo eh.

Pinagmasdan ko si Kenji, mukhang ang bait bait niya pag natutulog siya.. SANA PALAGI NA LANG SIYANG TULOG PAG KASAMA KO! kidding. Pero sa totoo lang, may itsura pala siya.. ngayon ko lang napansin.. matangos din ilong niya, tapos maganda lips.. kahit na nag ssmoke siya.. redish pa rin. yung mga studs niya bagay rin kaya medyo mukhang badboy siya, and yung lower lip na stud niya bagay din. Yung mga highlights naman niya.. well.. I admit, maganda sa kanya, sa totoo lang.. gwapo talaga siya. hinde ko alam kung bakit in denial ako. pero gwapo talaga siya. tama sila, I do have a hot boyfriend >_<

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon