Chapter 6

106K 3.1K 268
                                    

Kenji's POV

Nakakatamad pumasok ngayon anak ng. Monday na Monday tinatamad ako! Ganun lang talaga, sanay na rin naman sila sa akin eh. pati wala silang magagawa.. ako ata ang batas!

Tinext ko si Kirby at Jigs, sabi ko wag na silang pumasok at mag kita na lang kami sa tapat ng gate. Pero ang nireply nila, 'nasa school na ko' AMP! Sabay pa sila! bakit an gaga ata nilang pumapasok ngayon? Sa bagay, sila naman talaga yung masipag saming magkakaibigan eh. Tch. Masipag na, matalino pa! Ako rin naman matalino eh.. ay magulang lang ata ako.

"AMP naman! Sinong makakasama ko ngayon??" nagisip ako ng pupwedeng itext. Napabangon ako ng kama dahil naalala ko si Megaphone.
'Susunod naman siguro siya sa akin' sabi ko sa sarili ko.

"Susunod yan!!" nagmadali akong maligo tapos nag bihis ng uniform ko. Tinext ko siya habang naglalakad papuntang school
To: MEGAPHONE
Wag ng pumasok sa next subject.

-Kenji

After 5 minutes nag reply siya, aba nakakapag text siya sa class?? Matindi manghuli yung Math teacher namin eh!

From: MEGAPHONE

I can't. Nakapag attend na ko ng first subj. Mahirap na mag-ditch ng class after eh. Why?

Nagtanong pa amp! Nakakairita talaga tong babaeng to!

To: MEGAPHONE

Wag ka ng mag tanong. gumawa ka ng paraan para makaalis ng school. Magdrama ka kung kinakailangan. Iintayin kita. Pag hinde ka dumating lagot ka sakin.

AYAN! 5 minutes na lang at nasa school na ko, ang kelangan ko na lang gawin ay tumakbo.

Inintay ko siya sa backgate, 2 minutes na akong nag iintay at wala pa rin siya! eto ang ayoko sa lahat eh. Pinag iintay ako. kaya tinawagan ko siya. Palabas na raw siya. Sumunod siya sa akin. Ayos yun ha. dapat lang naman siyang sumunod eh.

Tinanong niya sa akin kung anong problema ko, problema? Wala. Tinatamad lang talaga akong pumasok. Kaya niyaya ko siya makipag date. Pero nung sinabi ko na yung word na 'date' nag alboroto na yung bibig niya!

"PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMALAT NA NAG DADATE TAYO SA SCHOOL?! KAYA KA SIGURO INIWAN NI ATHENA DAHIL ANG PANGIT NG UGALI MO!! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAG SINUNGALING SA TEACHER PARA LANG MAKIPAG DATE SAYO!"

Yan ang mismong sinabi niya. GALIT eh. medyo naasar ako ng konti sa kanya, kasi magsasabi siya ng kung anu-ano pero wala naman siyang alam sa amin. Kaya nag panggap na lang ako na nagalit at sinabing papalipasin ko yung nangyari ngayon. Wala ako sa mood makipag talo sa kanya, gusto ko lang magsaya.

Dinala ko siya sa PG (planet games) arcadan yun, halos nandun na lahat, tambayan, may mga computer din tapos arcades. Meron din ps2, xbox at kung ano ano pa sa PG. halos lahat ng mga nag cucut dun pumupunta, madalas kami dun nila Jigs at Kirby, dahil samin mlaki kita nung PG.

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon