Chapter 1: Yet Another Complicated Story

20 0 0
                                    

"Alam kong umpisahan, pero hindi ko alam tapusin. Iniisip ko, may dahilan ba ako para tapusin 'to?"

July 31, 2013

4:03 AM nang umpisahan kong ikwento ito. Yes. Energetic pa ako sa lagay na to. Iba na kasi takbo ng buhay ko. Ibang oras na din ang sinusunod ko. Hindi oras ng Pilipinas, (ay, Filipinas pala), kundi America. Well, andito parin ako sa aking tinubuang bansa, at hindi pa nakakalabas dito kahit kailan. Marahil, alam nyo na kung bakit ganito ako. Eh, call center agent po kasi ako. This is Tricia, at your service!

Ang taray, nakakapagkwento pa. Natanong nyo siguro, "nagtatrabaho ka ba dyan"? Sagot ko, oo naman. Nagtatrabaho ako. Nagkukwento ako gamit lang ang isip ko. Ang kumplikado ng sitwasyon ko. Nakakapag-concentrate ba naman ako? Sasagutin ko tanong ko, and ang sagot ko ay HINDI.

Bakit nga baka ako nagkukwento? Kelangan ko ba magkwento o magisip? Hindi ba dapat mga importanteng bagay na lang ang iniisip ko? Madaming tanong sa utak ko na hindi ko rin maisip ang sagot kasi nga hindi ako makapagconcentrate. Complicated nga talaga... pero sa umpisa lang yan.

I wonder if this will be a first person story, or a third person story (para walang bias). Anyway, itutuloy ko nalang ang pagkukwento, so first person na lang talaga.

Ang dahilan kung bakit hindi ako makapagtrabaho ng maayos kasi madaming mga alaala na labas-masok sa utak ko, parang mga salita ng mga 'kano na labas-masok lang din sa tenga ko. "Matatapos din tong shift na 'to, ilang oras nalang. Tiis-tiis nalang, Tricia".

(Makalipas ang 2 hours...)

Sa wakas, natapos na din. Nakakapagod at nakaka-stress ung mga nakakausap ko. Masyado silang demanding ngayon. Overtime pa nga ng 3 minutes, haha. Sweet Escape. Makaalis na nga. 

So ayun, logout agad, punta sa locker, kuha ng gamit, at alis.

Baka iniisip nyo uuwi na ako. Guys, hindi. Papasok pa po ako ng school. Yeah. Uso na po ito ngayon. Kaya madami kayong nakikitang mala-zombie na naglalakad sa kalye. Isa po ako sa mga un. Sana 'wag kayong matatakot sakin kung makita ninyo ako. :)

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now