Chapter 4: On the Other Hand.

8 0 0
                                    

♫ "... and it kills me inside." ♫

7:28 AM. Ayan, naihatid ko na si Trish. So ako naman ngayon ang papasok sa class ko.

Gilbert Josh Soriano, 4th year ME (Mechanical Engineering) student. At ayoko sa course na ito, kaya hindi ako magkukwento ng kahit ano sa inyo tungkol sa school and sh*t.

Girlfriend ko si Trish, ang pinakamamahal kong si Tricia. Hindi nyo alam kung gaano ako kaswerte nung napasagot ko siya ng "Oo, handa na akong maging girlfriend mo". Parang ako na ung pinakamasayang lalaki at boyfriend (naks) sa oras na yun.

Pero...

Ay, tinatamad ako biglang pumasok nanaman. Naisip ko nalang na umabsent at tumambay nalang sa favorite tambayan ko. Parang si Trish lang dahilan kung bakit ako pumapasok sa school eh.

"Oi pre, di ka nanaman papasok? Adik ka talaga noh"?

"Di, tinatamad ako eh. Sa Friday nalang".

Si Mark pala yun. Isa sa mga bestfriend ko dito sa school. Ayan, umalis na siya at dumerecho sa room. Late na ang gago eh.

(Kuha sa phone)

*click*

*beep, beep*

"Baby, musta ka na ulit? May prof ka na jan?"

"Eto kararating lang e, txt u ltr"

(tago na phone)

Magisa lang ako dito. Wala pa ung mga ibang kakilala ko. Eh siguro nga dahil start na ng classes at masyado pang maaga para sa next period. Mahangin ngayong umaga na to. Maaliwalas ung paligid. Walang masyadong estudyante. Panay mga latecomers lang at mga prof na pa-special. Tinitignan ko sila minsan ng masama kasi alam ko pinaghihintay nila ung mga estudyante nila ng husto. Huwaran daw kasi.

Mamaya-maya lang, patapos na klase ni Trish. Patapos na araw nya, paumpisa palang sakin. May practice pa ako ng basketball mamaya. Parang nawalan na din ako ng gana ah? Para kaming hindi nagkikita ni Trish, pero nagkikita naman kami. Parang nasa North Pole cya, tas ako nasa South naman. Di ko alam timezones dun, pero ibig ko lang sabihin, parang ay layo namin palagi sa isa't-isa simula nung naging working student na siya. Namimiss ko ung mga panahon na tumatambay kami sa liblib na part ng Walls from 4:30PM to 9PM, parang lab lang. Nagkukwentuhan at kumakain lang kami doon, ah.

Namimiss ko na siya. Yung dating siya. Ung mga panahon na sakin lang ang oras nya at wala nang iba pa. Ang laki na ng nagbago sa kanya. Dati ang blooming nya, kaso ngayon ang haggard na ng mukha nya. Maganda parin siya para sakin, nonetheless. Pero hindi lang un ang nagbago sa kanya, o sabihin natin "nagbalik" sa kanya.

8:58AM. Ayan dismissal na nya. Puntahan ko na sa room. Ako, break ko dapat ngayon. Pero "break" ko parin hanggang ngayon.

"Aga mo honey ah? Di ka nanaman pumasok noh?", sabi nya. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Ah, eh, oo. Sorry na baby. :( :)". Ngumiti nalang cya. Cute niya talaga :3 Inakbayan ko nalang din siya. Baka kasi magbago pa mood nito eh.

Napansin ko bitbit-bitbit niya sketchpad niya.

"Akin na yan, Trish. Ako na lang magdadala".

Alangan siyang ibigay sakin.

"Ay 'wag na. 'Di naman mabigat to eh. Eto nalang bag ko. Hatid mo ako sa gate, ah?"

"Oo baby. Syempre naman. Di nga ako pumasok para hintayin at ihatid ka oh?"

"HE! Medyo badboy ka talaga din noh", sagot nya na nakangiti.

Ayun, nasa gate na kami. I guess we need to part ways and bid our farewells nanaman, lagi na lang. Lalim. Gutom lang siguro to. Kung pwede ko nga lang ihatid siya hanggang sa bahay nya sa Pasay, gagawin ko eh. Kaso me mga "responsibilidad" pa ako dito sa school.

"Geh na, bye honey." *kiss*

*kiss* "Babay baby. See you tomorrow. Text text nalang ulit".

Ayun, nakalabas na ng gate si Trish. Pupunta nalang muna ako ng canteen.

So ayun, nasa canteen na ako. Panira ng umaga ung nakita ko. Si Daniel.

Ay, galing. Sakto, paalis na siya. Mabuti naman. Ayokong masira appetite ko at magutom ng tuluyan dahil sa pagmumukha nya.

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now