Chapter 2: The Sweet Escape.

9 0 0
                                    

♫ "If I could escape and recreate a place that's my own world... And I could be your favorite girl forever, perfectly together... Tell me boy now wouldn't that be sweet?" 

My Favorite song now playing on my iPhone.

Pasakay na ako ng MRT papuntang LRT at papunta na ng school. Di ko pwedeng banggitin kung san ako nagwowork. Alam yan ng mga agents katulad ko.

♪ klingklingkling ♪

May nagtext sakin. Si Gilbert, boyfriend ko.

"Hey baby, nasa school na ako. San ka na?"

Hindi ako makapag-text. Nagigitgit kasi ako. Tayuan at siksikan. As expected from MRT.

"Taft Avenue Station... Pakicheck ang mga dalang gamit at ticket..."

Ayan, baba na ako, hindi parin ako nakapagreply kay Gilbert, ano ba yan.

"Honey, pasakay na me ng LRT. C u later :*"

Habang naglalakad papuntang LRT, naiisip ko na naman ung mga iniisip ko kanina sa work. Sumasakit ang dibdib at utak ko. Pareho silang kumikirot.

Sabi ng subconscious mind ko, "hanggang kailan mo siyang tatawaging Honey? hindi na siya ang pinaka-sweet na tao para sa iyo." Rinig na rinig ko ung sinabi nya.

(After ilang minuto ng paghihintay ng tren sa EDSA station, pagtayo at paglalakad...)

Yey, nasa Mapua na ako! Nga pala, dito ako nag-aaral. MAS (Multimedia Arts and Sciences) student ako dun. 3rd year, pero dapat 4th year na. Eh, mahirap sa Mapua. May madali rin naman. Madaling makapasok, at madali ring makalabas :) If you know what I mean.

Nasa gate si Gilbert. Hinintay niya ako. Ang sweet nya noh.

"Baby!", sabay kiss sa cheeks and hawak sa kamay ko.

"Hi, honey. How are you today? Long time no see tayo noh?"

"Oo nga eh, Trish. Musta work?"

"Eto, nakakapagod. Tas eto, may klase pa. I hate Wednesdays!"

"Ok lang yan, Baby. Isa lang naman klase mo ngayon. Kaya mo yan! Kiss nalang kita :*"

Ang sweet nya talaga :">

"O, cge. Kita nalang tau mamaya ah, Gil. Text-text nalang?"

"Oo, baby. See you."

Ang bilis. Nasa 4th floor na pala kami. Hinatid lang nya ako sa room ko kasi di kami mag-classmates. 

"Haay, sa wakas, nakalaya na ako sa'yo"...

I said "shut up" to my subconscious mind.

Sa wakas, nakaupo na rin. At eto, nasa harapan na ako ng Mac. Computer nanaman.

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now