Chapter 8: Finding a Light.

10 0 0
                                    

"But with a little help from my friends, I found the light in the tunnel at the end..."

7:00AM. Umaga na pala. Umaga na talaga. Linawag na ah. Kakatapos ko lang dun sa kelangan kong ipasa mamaya. Check-check din muna ng FB. Ay, infairness, hindi ako nakapag-check ng phone ko simula kanina. Unahin ko na nga muna yun.

Daming messages. Puro galing kay Gil. Kagabi pa yung mga texts niya.

"Baby, gising ka na?"

"Baby, kumain ka na?"

"Ui, baby, gising na!"

"Kumain ka na ba?"

"Inaantok na ako. Di ka naman nagrereply :("

"Sige na tutulog na ako. May pasok pa bukas eh. C u nlng ok? Luv u :*"

Buti walang missed calls, kundi magagambala yung pagtulog ko. Nakakaawa, so tinext ko na lang siya.

"Honey, good morning! Sorry di ako nakapagrep. Di ko kasi pinapansin cp ko eh. Nasa bag lang. Cge c u later. :*"

Binitawan ko na ung phone ko at nagtuon na ng pansin sa computer. FB naman. Dami din PMs. Nu ba yan. Puro si Gil din. Pero may isang PM dito na ikinagulat ko kung kanino galing. Kay Daniel. Himala, in-unblock na niya ako. Dali-dali kong tinignan kung anong Piniem niya.

9 hours ago

"Hello, Tricia. Pwede ba kitang magambala?"

Hello, offline kaya ako nyan, di mo ba nakita? After an hour, nagmessage ulit siya.

8 hours ago

"Patulong naman sa design namin, please? Kelangan ka namin."

Wow ha! Patulong daw sa design nila. Ayos ah. After ilang taon ng pagba-block niya sakin, i-uunblock niya lang ako para humingi ng tulong sa design nila? At bakit ako? Kaya nga ako nag-shift from COE to MAS dahil ang hirap ng logic at hardware doon. Akala ko madali ng umpisa (kasi nga computer inclined ako), hindi pala. Madaling makapasok, madali ding makalabas.

Magrereply ba ako?.... Ano naman kayang sasabihin ko?

"... Daniel, buti in-unblock mo na ako. Alam mo miss na kita eh. :( >:)"

Geech talaga 'tong subconscious mind ko. Bwisit.

Nireplyan ko na lang si Daniel ng "ano ba un?". At least nagreply ako. 'Di ako mukang rude, and most of all, bitter. 'Di ko na nabasa ung mga messages ni Gil eh. Magkikita naman kami nun mamaya. Kailangan kong matulog, kahit onting oras lang. Baka bumigay na naman ako sa school nyan. Thanks to Ice, mas madali na makatulog ng umaga.

10:00AM. Ayan. Nag-alarm ako. Buti nagising ako agad. Hala, sige, kilos na. Ayokong ma-late. (After an hour, ayan, paalis na ako papuntang school) Ang daming text ulit ni Gil. Nasan na daw ako, and the typical boyfriend texts. Sinagot ko na lang. Yun lang pwede kong gawin habang nasa bus eh, ang magtext.

Sa madaling kwento, nakarating na ako ng school. As usual, andun si Gil sa gate, hinihintay ako. "Baby, miss you!", sabay kiss.

"Hello Honey, tara pasok na tayo. :)"

"Tara."

Habang naglalakad kami papasok, nakita kami ni Charles at hinarang kami. Orgmate ko siya at kablock noong COE pa ako.

"Ui, Tricia, patulong naman kami sa design, sige na please? Ikaw lang kasi kilala kong MAS, tas magaling ka pa sa graphics and all that stuff."

"Pagawa na lang kayo sa Microtech :)" haha BI.

"Eh, ayoko. Mahal dun eh."

"Oo nga pala, piniem ako ni D-.." 'Di ko matuloy. Kasama ko nga pala si Gil. Baka kung anong isipin noon. Tyaka ko na lang ikwento sa kanya... Sa tamang oras, at hindi ngayon yun.

"Nino? Ni Daniel? Piniem ka ni James? Diba nakablock ka sa Facebook niya? I-unblock ka na niya? Nice move huh..."

Napahinto din siya. G*go eh. Alam nang nandyan si Gil eh. Ayan, tinignan siya ng masama. Daming tanong kasi.

"Ano ung sinasabi niya, Trish?", tumingin sakin si Gil at nagtanong.

"Ewan ko dyan kay Charles. Sasabihin ko sana, piniem ako ni Danica kagabi. Napahinto ako kasi nalimutan ko kung tungkol san ung sinabi nya sakin. Basta alam ko tungkol dito kay Charles"

"Ahh, ok.", sagot ni Gil.

"So ano, tutulungan mo na kami ah?" Kami? Sino bang tinutukoy niyang kami? 'Di kaya kagrupo nito si Daniel? Siguro nga.

"Ah, bahala na. Kapag may spare time, sige. Syempre, babayaran nyo ako ah? Mas mura sa Microtech, 'wag kang mag-alala. Sino ba kayo jan sa design?" Gusto kong makasigurado.

"Oo. Salamat Tricia! Life savior! Sige mauna na ako. Mala-late na ako eh. Jah! Text na lang kita". Galing. 'Di sinagot yung huli kong tanong. Chances are sooo high. Si Daniel na nga siguro ung kagrupo niya. Ano na lang bang sabihin niya yung pangalan ng kagrupo niya. It won't take 3 seconds.

Iniwan na kami ni Charles. Nagmamadali na siya. Tumuloy na din kami ni Gil. Parang natahimik siya bigla. Blank expression makikita mo sa mukha niya. 'Di normal 'pag nanahimik siya. May something. Kelangan ko siyang i-distract.

"Ui honey, nga pala, musta practice mo ng basketball kahapon?"

"OK lang, baby. Nakakapagod. Hanggang ngayon nga pagod parin ako eh. Kiss mo na lang ako para mawala pagod ko." And I did.

Sabi ko sa kanya, "Ok lang ba kung tulungan ko si Charles? Extra income din sakin un oh".

"Oo sige lang. Basta kaya mo ah? 'Wag mong pilitin sarili mo 'pag di mo kaya. Baka maubusan ka na ng oras para sa sarili mo nyan."

"Hindi, akong bahala, honey. Kaya ko yun."

'Di ko namalayan, nasa tapat ng room ko na pala kami. Papasok na ako. Magkikita na lang kami ni Gil mamayang break ko.

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now