Chapter 6: Daydreaming.

12 1 0
                                    

♫ "Daydreaming, daydreaming all the time." ♫

Ayan, nakasakay na ako ng jeep pa-EDSA, 'tas sasakay ng bus pa-Pasay. Nakakapagod bumyahe. Sana may Scroll of Town Portal na lang ako para teleport 'tas direchong bahay na.

Habang nasa bus ako, instead na umidlip, nag-iisip ako. Kapag naka-idlip kasi ako, yung ulo ko, kung kani-kanino napapasandal. Nakakahiya naman sa kanila.

'Di ko mapigilan mag-isip ng kung ano-anong hindi makatotohan tulad ng "paano kaya kung kami parin ni Daniel ngayon? Masaya kaya kami?"

Tama na nga. Tsk. Di ko man lang naisip i-text si Gil kung nasan na ako. Ayan, i-tetext ko na.

"Honey, pa-MOA na ako :) Anong gawa mo jan? May practice ka diba ng basketball mamaya 'diba?"

After ilang segundo, may reply kaagad siya.

"Yup, baby. Kaso parang tinatamad akong atendan eh. Uwi nalang kaya ako? Ingat ka jan baby ko :*"

Cheh. Ito talaga ang ayaw ko dito kay Gil eh. Ang bilis tamarin at mawalan ng gana sa bagay-bagay, kesyo importante yun o hindi. 'Wag ko na nga replayan. Nahawa ako ng katamaran nya.

Habang naglalakad ako papuntang bahay, ang daming nag "hi beh" at "good morning, miss" sakin. Take note, nakatitig sila sa mukha ko. Ano ba? Anong meron sa mukha ko? May dumi ba? Siguro kasi nakasimangot ako. Nag-iisip kasi ako. Nakakairita ung tumatawag sakin ng beh. Si Daniel nga, hindi ako tinawag ng ganyan eh, sila pa kayang strangers? AS IF!

Si Daniel nanaman. Tama na please?

Ayan, nasa bahay na ako. Sinalubong ako ng aking pinakamamahal na pusa na si yelyah. Hayley and Paramore fans, please 'wag kayong magalit sakin. Mahal ko si Hayley, kung alam niyo lang. Kaya ko ng isusunod sa pangalan nya ung pusa ko eh. I super love them both.

"Ang tagal mo naman, traffic ba? Kumain ka na?" Sinalubong ako ng nanay ko ng mga tanong. Sinagot ko nalang.

"Di pa ako kumakain. May hinanda ka ba? Ay, wag nalang. Matutulog na lang ako. Nasan si Melrose?"

"Ai naliligo pa eh si Melrose."

"Ah, sige akyat na ako. Eto, ma, ibigay mo sa kanya, Php 100 baon niya."

Nga pala, pamilya ko. Si mama, pangalan nya ay Rose. At ang bunso kong kapatid, ngalan ay Melrose. Combination un ng Melchor at Rose. Tatay ko, pumanaw na eh, last 2 years. Kaya napilitan akong magtrabaho kasi nawalan ng base ung tahanan namin. Gumuho patagilid ng wala sa oras. Kelangan at gusto kong tumulong, alang-ala  sa ikauunlad at ikakaahon namin sa paghihirap namin ngayon. Ang hirap talaga. Tortured ka na mentally, physically, dadagdag pa ung emotionally.

At sa wakas. Nasa harap ko na ang aking kama. Kulang na lang, talunan ko. Yippee! Sleep! Kapag bata ka, ayaw mo matulog tuwing siesta. Ngayong matanda na, jusko, wala nang panahon para matulog. Sana dalawin ako ng magandang panaginip ngayong tanghali, pakunswelo lang. Daydreaming, literally!

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now