Chapter 9: Thy Will Be Done.

6 0 0
                                    

"Gagawin ko ba o hindi? Kelangan ko bang gawin to?"

July 31, 2013

9:00PM. Kakauwi ko lang. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Nakakapagod mag-DOTA. Puro DOTA, DOTA. Palibhasa kasi may mga dalang laptop yung mga ka-org ko. Non-stop DOTA.

At dahil nga doon, wala parin kaming naisip ni Charles na topic sa design. Hindi talaga ako magaling mag-imagine. Pag-programmin mo na ako ng kung anu-anong program, 'wag lang design. Anong week na nga ba? Tsk. Lalo akong tatagal talaga sa Mapua nito eh.

Wala akong ibang maisip na "imaginative" na tao kundi si Tricia. Wala nang mas imaginative sa tao na yun. Alam kong matutulungan niya kami. Tricia.

Ayoko namang magpagawa ng design sa kung san-san. Baka madali kami. Di pa maaprove. Sayang pera. Kay Tricia, topic lang kelangan namin, at onting tulong na din siguro, tas panigurado mura pa bayad. HAHA.

Bakit si Tricia ba lagi kong naiisip? Nasanay kasi ako sa "kung wala siya, wala ako" style ng relationship eh. Parang ang hirap ng wala siya.

Pero noong nagbreak kami, ang daming nagbago sakin. Tumaas confidence ko. Tumaas din grades ko! Natuto akong makihalubilo sa ibang taon. Nagkaroon ako ng madaming kaibigan at mga ka-DOTA. Nakasali ako sa iba't-ibang activities sa school. Sumali ako ng Org, at eventually, naging officer ako. Ngayon ko lang nadiskubre na may leading abilities pala ako. Nagkaroon ako ng madaming time para lumabas-labas at gawin yung mga kailangan kong gawin. Lahat ng yan, nagawa ko nung naghiwalay kami. In the back of my mind, parang may nagsasabi na hindi matutumbasan ng mga achievements ko ang relasyon na nawala.

Noon kasi, lagi kaming magkasama ni Tricia kung san-san. Sa Walls lang naman ng Intra, sa SM Manila at sa Liwasang Bonifacio. Not to mention, pati Post Office. Bago kami naging kami, lagi niya akong niyaya sa Liwasan 'tas doon niya ako tuturuan ng Math. Magaling siya sa Math. 'Di mo akalain yun sa isang artistic na tao. Right brain vs. Left brain ang laban eh. Pero kahinaan niya talaga ay programming. Dahilan niya un kaya siya nagshift from COE to MAS.

Sa mga oras na un, naramdaman ko na parang tinitreat nya ako bilang isang espesyal na tao. Di naman niya ginagawa un sa ibang mga kaklase at ka-batch namin eh. Private tutor ko siya noon, for free. Time lang ang bayad ko sa kanya.

Napakwento na ako. Ano ba yan. 'Di dapat mapunta sa ganitong usapan eh. Ang iniisip ko dapat ngayon, "ANO BA NAMING GAWIN SA DESIGN???? SINO BANG PWEDENG MAKATULONG SAMIN???"

Nangangailangan lang kaya i-uunblock ko si Tricia sa FB. Hindi ko 'to gusto talaga kasi makikita ko nanaman kung gaano siya kasaya sa boyfriend niya ngayon. Tas ako, andito. Ilang taon na, single parin. Napag-iiwanan na. Kung hindi ko lang talaga kailangan. I guess, 'di to maiiwasan. Magkikita at magkikita din kami. Magkakatagpo at magkakatagpo din kami. Alam kong dadating ang oras na yun. Eto na yun. Kelangan ko siyang makausap eh. Designnnnnnnnnnnn, please be good to me. :((

In-unblock ko na siya. Nakita ko profile picture niya. Kasama si Gilbert. Tss. Agad-agad ko nang pinindot ang Message button para ma-PM na siya.

"Hello, Tricia. Pwede ba kitang magambala?" 

Sh*t. Parang ang direcho ata ng sinabi ko. Parang walang nangyari noon ah. Ano ba yan. Mukhang mali ata 'tong ginawa ko.

Napatulala ako sa ginawa ko. Parang natuwa na din ako kasi sa wakas, kahit papaano, kinaya ko na siyang i-unblock. Maghintay ako ng sagot. Nag-DOTA2 muna ako. 1 round lang. Maiba naman sa original na DOTA, pero nonetheless, DOTA parin. Pagtapos ko, Walang sagot. Wala ding Seen. Hala, nakita kaya niya to? Baka napunta sa Others folder niya? Galit parin kaya sakin yun? Kung ano-anong naiisip ko. Tingin ko, offline siya. Tama. Offline siya! Kaya siguro walang sagot. 'Di ko naisip yun ah.

Mag-oonline pa kaya yun? Late na kasi. Ang alam ko nagtatrabaho daw siya. Baka nasa trabaho pa? Naku, i-send ko na lang nga kung anong kelangan ko sa kanya talaga. Makikita rin naman niya 'to.

"Patulong naman sa design namin, please? Kelangan ka namin."

Hindi. Kelangan kita, Tricia. Haha. Natawa ako sa sinabi ko. Ang cheesy masyado.

Ayan, nagawa ko nang i-PM siya. Achievement unlocked! Tenenenen tenen! Haha. Para akong naglevel-up. Bagong feeling. Bagong ako. Mas matapang na mas malakas na ako.

Hintayin ko na lang sagot niya. Kung may sagot, edi mabuti. Kung wala, wala. Malamang naman naiisip din ni Charles na kausapin si Tricia para sa design namin. Malakas naman siya dun. Bahala na. Good luck na lang saming lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now