Chapter 7: Reality Bites.

23 0 0
                                    

"Dreams are my reality."

August 1, 2013

12:34AM. Good morning! Morning talaga. Ay shocks, late na ako. Oh no... Bakit walang gumising sa'kin? Ano ba yan. Yun nalang gagawin nila eh.

Tinignan ko oras sa phone ko. August 1, Thursday, 12:34 AM. Thursday. Ay oo nga pala. Off ko ngayon. Nawala sa isip ko. Nasanay kasi ako sa Monday-Tuesday na off eh. At least naka-approx 13 hours of sleep ako. Ang sarap ng feeling. Grabe!

Instead na magandang panaginip yung nakita ko, hindi eh. Bangungot nanaman. Feeling ko, isa akong false prophet. Kasi kapag may napapanaginipan akong "signs", madalas nagkakatotoo. Ayun na. Napanaginipan ko na natatanggal nanaman yung mga ngipin ko. Sabi nila, 'pag may napanaginipan kang ganoon, ibig sabihin may mamamatay. Para 'di magkakatotoo un, ikagat mo ang ngipin mo sa matigas na bagay at wag mo munang ipagsasabi ung napanaginipan mo. Pero kahit gawin ko yung pangontra, 90% of the time, nagkakatotoo eh. Napanaginipan ko yan noon, 'tas namatay nga, tatay ko :'( Natatakot na ako sa ganoong klaseng panaginip, pero lagi na lang ganyan. Iniisip ko na lang na 'pag ang tao, stressed, binabangungot madalas.

Ang sakit ng katawan ko sa tagal ng higa. 'Di na ganoong kalambot kama ko. Ilang taon na kasi 'to eh. Halos ka-edad ko na. Bumaba ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

"Ma? Gising ka pa?", sumigaw lang ako. Tingin ko kasi gising parin siya at naglalaba. Oo, naglalaba ng madaling araw. Ayaw mangitim kasi noon.

"Oo, Cris. Gusto mo bang kumain? 'Di ka kumain kanina eh. Anjan sa ref, nilagay ko yung tira. Iinit mo na lang sa microwave."

"Ah, OK." Tira nanaman. Sana naman ipagluto niya ako. 'Di bale na nga lang.

"Ate! Pa-drawing naman ako oh. Kelangan lang sa school. Please?", luh, gising pa si Melrose.

"Ano ba papa-drawing mo? Sakto yan itinaon mo pa sa off ko."

"Poster lang. Tungkol sa family. Wala din akong idea pano uumpisahan eh. Eto mga gamit", sabay abot ng pastel, pencil, pambura, 1/8 illustration, etc.

"Ano ba yan, eh project mo to sa school ah? Bakit hindi ikaw kaya gumawa? Kahit theme lang, wala kang maisip?"

"Wala talaga, ate eh. Sorry na. Tataasan ko na lang ung grades ko sa mga quizzes. OK ate? OK ba un?" "Oo sige na. Pero pakainin muna ako ah? Bigay ko na lang mamaya 'pag tapos na. Ako na bahala dito. Matulog ka na ah!"

"Yes, Ate! Thank you! Good night <3"

Ayan lang gusto ko sa bunso kong kapatid. Matalino. Baligtad kami nyan eh. Ako mejo boblaks. Pero sorry, mas artistic ako sa kanya. Iba talaga feeling 'pag me nakababata kang kapatid. Gusto mo siyang alagaan at gagawin mo lahat para sa kanya. Pangarap ko sa kanya na maging successful siya. Kaya hanggat maaari, ayoko na siyang nahihirapan. 'Di bale na ako na lang. Isa akong Model na ate. Tularan nyo ako!

So, tapos na ako kumain ng tira nila kanina. Tuloy ang umaga. Kumuha ako ng T*nduay Ice sa ref. Isang bote lang naman. Mas gusto ko kumikilos kapag nakainom. Lalong lumalala ang imagination ko at natatapos ko mga ginagawa ko ng mas mabilis. Partida, makakapagdota pa ako niyan.

Ginawa ko na ang pinagawa sakin ni Melrose na poster. 'Di ko na lang nilagyan ng caption. Pure drawing na lang. 2 hours bago ko natapos. Normally, kaca-reereen ko pa 'to 'tas aabutin pa ako ng siyam-siyam. Maganda na drawing ko. OK na para sa isang high school project. Ayoko na i-describe ung nagawa kong poster. Naiiyak lang ako, kasi doon sa drawing ko, kumpleto pa. May nanay, may tatay, at may mga anak. This will end here.

Lalagok ulit ako. Hmm. Parang gusto ko pa ng isang bote. 'Di ko namalayan paubos na pala yung iniinom ko. Kukuha pa ba ako? 'Wag na nga. Tipid-tipid din pag may time. Tinatamad na din akong bumaba. Umakyat na yung nanay ko. Tapos na siya maglaba at ready na matulog.

"MA! Ano ka ba? Alam mo dapat 'di ka na nagpupuyat! 'Tas aangal-angal ka na masakit ung kamay ko, katawan ko, blablabla. Matulog ka na." HA-HA. Siga in the house. Ako ang boss sa bahay.

"Oo na, Cris. OK lang yan. Kaya ko pa naman. Kapag 'di ako naglaba, wala kang susuotin, sige ka."

"OK, OK, sige na. Matulog ka na. Anong oras na oh. Mag-aalas tres na. Tsk. Good night na!", sabay kiss and hug ko sa kanya. 

Medyo teary-eyed na ako. Buti papasok na siya ng kwarto. Ayan nga, pumasok na siya sa kwarto. Naaawa ako sa nanay ko. Gusto ko siyang tabihan minsan sa pagtulog. Yakapin ko siya ng sobrang higpit,...hanggang 'di siya makatulog haha!

School stuffs ko naman gagawin ko. Drawing din, sa computer nga lang. Sige, gawa. Eto, matatagalan ako dito, panigurado. Walang magagawa. Buti na lang, hapon pa pasok ko sa school bukas.

Yet Another Live WireWhere stories live. Discover now