Chapter Fifteen

99.1K 4.7K 521
                                    

Chapter Fifteen


"Andrew! Ikaw ba si Andrew?!" Bago pa makalayo sa nasusunog na bahay sina Andrew at Yngrid ay may lumapit sa kanilang maliit na lalaki na may malaking salamin sa mata.

"P-Professor Edwin?"

"Ako nga," sagot ng lalaki na hindi mapakali. Panay ang lingon nito sa paligid na tila may hinahanap. "Sumama kayo sa akin. Madali! Kailangan natin makaalis dito bago pa nila tayo makita."

"S-sino po?" tanong ni Andrew. Napatingin siya sa nasusunog na bahay. "Nandito po ba ang gumawa nito sa bahay namin?! N-nasaan po sila?!"

"Wala na tayong oras pa! Mamaya na ang mga tanong mo, Andrew." Hinila ng lalaki sa braso si Andrew. Sumunod si Yngrid sa dalawa. "Sana ay hindi nila tayo nakita."

Sumama sila sa propesor at pumasok sa loob ng kotse nito; isang asul na beetle. Mabilis na nagmaneho ang lalaki at inilayo sila mula sa subdivision. Ilang minuto pa ang nakalipas bago nabawasan ang tensyon sa loob ng sasakyan.

"Pinuntahan ko sina Adelaine para sabihin sa kanila na mag-ingat. Nalaman ko na bumalik na silang dalawa. Pero nasusunog na ang bahay nang dumating ako, wala na akong nagawa pa."

"Sino po ang may kagagawan nito? Ano ba talaga ang kailangan nila?!"

"Isang makapangyarihang tao. Kasama siya sa kabinete ng Pangulo ng bansang ito." Lumiko ang sasakyan patungo sa isang liblib na lugar. May nadaanan silang sign na Private Property. Tuloy lang sa pagmamaneho ang lalaki. "Gusto kong malaman mo hijo, na hindi pa huli ang lahat para sa iyo. Pwede pa kayong lumayo ng pinsan mo. Pwede ko kayong matulungan na makalabas ng bansa."

"Pofessor, ano pa po ba ang nalalaman ninyo?"

"Sigurado ka ba sa daan na gusto mong tahakin, hijo?"

"Hindi ko mapapatawad ang mga gumawa nito sa pamilya namin ni Ate Yn. Hindi ko kayang kalimutan nalang ang lahat ng ito. Sabihin nyo po sa akin kung sino ang may kagagawan nito sa amin. Kailangan nilang magbayad!"

Huminga nang malalim ang lalaki.

"Natatakot ako para sa inyo, hijo."

"Handa akong isugal ang lahat para rito," mariing sagot ni Andrew.

"Yngrid," tawag ng propesor. "Ano ang desisyon mo, hija? Hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung ilalagay mo sa kapahamakan ang sarili mo."

Narinig ni Yngrid ang pag-iba ng tibok ng puso ni Andrew. Tila ba nakalimutan nito na nasa loob siya ng sasakyan.

"Hindi ko iiwan si Andrew," sagot ni Yngrid.

"Very well, wala na akong magagawa pa. Patawarin sana ako ng mga magulang mo."

"Wala na sila rito para malaman pa nila," mapait na sabi ni Andrew habang nakatingin sa labas ng bintana ng umaandar na sasakyan. Napapaligiran sila ng mga puno. Lubak din ang daan.

"Nandito na tayo," sambit ng propesor.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na cabin. Pinatay ng lalaki ang makina ng sasakyan at lumabas. Pumasok silang tatlo sa loob ng cabin. Binuksan ng propesor ang ilaw sa loob at nakita nila ang isang simple at maayos na sala.

"Sumunod kayo sa akin." Nilapitan ng propesor ang isang pintuan at binuksan iyon.

Sumunod sina Andrew at Yngrid sa lalaki. Pumasok sila sa opisina nito.

"Sige, lumapit kayo sa akin."

Inangat ng propesor ang pulang carpet mula sa sahig at ipinakita ang isang trap door. Binuksan nito ang pinto at bumaba.

Project: YngridWhere stories live. Discover now