Chapter Two

184K 6.7K 873
                                    

Chapter Two


Nag-start ang party nang 6pm. I am feeling giddy and anxious because Noah will be here any minute now. Nasa kitchen area ako, nagtatago mula sa mga nagsasayaw na seniors sa livingroom. My God, this place was huge. Meron din silang infinity pool sa labas na nakakonekta sa beach.

Kumuha ako ng pulang plastic cup na may laman na orange juice habang ang iba naman ay puro alcohol ang iniinom. I've risked enough, hindi ko na dapat ilagay pa sa 'danger zone' ang buhay ko just by drinking poison. At ang isa pa, ayokong isipin ng parents ko na alcoholic ang kanilang unica hija.

"Yn!" tawag sa'kin ni Sab. "You're missing out on all the fun! Bakit ka nandito sa kitchen?" Namumula ang pisngi nya, kumikinang ang mga mata.

"Why? Have you seen Noah? Is he here?" Tumingin ako sa direksyon kung saan maraming tao. No sign of him.

"My God Yn, si Noah parin ba ang hinahanap mo? What's wrong with you?" Kinuha nya ang plastic cup na hawak ko at uminom doon. "Ew! Orange juice?" Kaagad nyang ibinalik sa akin ang cup.

Pinanood ko si Sab na kumuha ng beer sa ref. Muli akong uminom sa plastic cup na hawak ko. What's wrong with juice?

"Hey girls." Dumating si Chloe na hawak hawak ang cellphone. "Have you guys seen Anton?"

"Nope," sagot ko at uminom sa cup.

"Gah! I hate him!" Kinuha ni Chloe ang cup ko at uminom. "What the-!" Ibinalik nya sa akin ang cup. "Is that orange juice?"

"What? What's wrong with juice?" tanong ko.

"Here Chlo!" Inabutan ni Sab si Chloe ng beer na galing sa ref.

Tinignan lang nila akong dalawa.

"This is a party Yn, loosen up," sabi ni Sab.

I rolled my eyes. We're not supposed to drink alcohol, we're not eighteen yet. But... I am almost eighteen. God! Sa sobrang busy ko sa studies at pag-stalk kay Noah nakalimutan ko na malapit na ang birthday ko!

"Hey baby." Dumating si Anton at niyakap mula sa likod si Chloe. "What's up?"

Anton Sebastiano. Anak ng mayor. Typical jock. Typical A-hole. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Chloe sa kanya. Ininom ko ulit ang orange juice ko at tahimik na hinintay ang pagdating ni Noah. Bakit ang tagal nya?

"Anton! What the hell is the meaning of this?!"

Napatingin ako kay Chloe. She's glaring at her boyfriend, her boyfriend's neck to be exact. Tinignan ko iyon nang mabuti at napansin ang pulang lipstick. Isang kiss mark. And based on Chloe's pink lips, it's definitely not from her.

"What?" Hinawakan ni Anton ang leeg nya. At base sa expression ng mukha nya, may nangyari nga. Mukhang nakalimutan nya na alisin ang evidence ng pambababae nya.

Isang malakas na sampal ang isinagot sa kanya ni Chloe. "You know what? Screw you! You're not a good kisser anyway!" saka sya nagmamadaling umalis.

Nagkatinginan muna kami ni Sabrina bago namin sya sinundan. And that jerk Anton didn't even bother following her to explain.

Pumasok si Chloe sa bathroom. Ni-lock nya ang pinto. Kinatok namin at pilit namin syang pinalalabas pero ayaw nya. Naririnig lang namin ang iyak nya.

Project: YngridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon