Chapter 4

3.5K 126 9
                                    

Chapter 4
Never Me

I spent my weekdays in school and weekends at the gym. Hindi ako tumigil hanggang sa nakita ko na ang improvements sa katawan ko. My friends were shocked, obviously, but I still didn't stop. Nasimulan ko na at masasabi kong sumasaya naman ako sa nangyayari sa akin.

"Sumama na lang kaya kayo sa akin? Malaki naman doon sa gym at kakaunti lang ang nandoon sa oras ng punta ko," sabi ko sa kanila.

"I'm in love with my bod. Drian loves it, too," sabay hagikhik ni Jesca sa kanyang sinabi.

"Let the fangirl do her thing. Anyway, saan kayo sa bakasyon?" tanong ni Elaine.

Nagsusulat si Aria sa kanyang notebook habang si Ten naman ay nandoon sa may pintuan, halatang may sinisilip sa kabilang room. Tinignan ko ang notes ni Aria at nagpatuloy din sa pagsusulat.

"We'll go to Singapore ata. Hindi ko pa sure," sagot ni Aria.

"Bahay lang ako, and some outings with family. Syempre pabor na pabor sa akin 'yon, kasama ba naman namin lagi sina Drian, eh!" mapangarap na sabi ni Jesca. This girl is really crazy for Drian!

"Ikaw, Mae?" Lumingon sa akin si Elaine.

Tumigil ako sandali sa pagsusulat at nag isip. Wala pa ring nasasabi si Mama but if I were to choose, maybe a little time on the beach and more at the gym.

"Not sure."

"'Wag mong sabihin magpapapayat ka pa? Okay na ang katawan mo, Mae! It's ours who need exercise."

"Siguro. But I'll try something new this summer, maybe dance lessons?"

Nabanggit kasi si Mama na bukod sa pagyo yoga ay gusto nilang mag Zumba. But I didn't want that so one of her Amiga suggested that I try dance lessons. Ang anak niya mismo ay dance instructor kaya't wala na raw akong magiging problema roon.

"Wow! Ano, ballet? Tango?" tanong ni Jesca nang natatawa.

"Pop!" Umirap ako.

"Pwede ka namang magpaturo kay Sien. Magsama na lang kayo sa summer." Hindi ko man pansinin ay halatang halata ang ibang himig ni Aria sa kanyang sinabi. Idagdag pa iyong makahulugan nilang ngitian na hindi ako kasali. And so they knew.

"Guys, wala ng last class. Uwian na," anunsyo ng class president.

Naghihiyawan sila habang kami ay nagaayos na ng gamit. Nagpplano na rin sila ng mga gagawin at gala dahil wala namang pasok bukas.

"Kain tayo!" pagyaya ni Jesca.

"Let's," sang ayon naman ni Aria.

"Hey, nagyayaya sina Harvey sa 101, sama tayo?" tanong ni Elaine.

Pumayag kami dahil gutom na rin kami. 101 was best with hotdogs and everything merienda. Palaging dito ang punta namin kapag gutom kami o kaya naman ay walang klase.

"Maglakad na lang tayo para adventure!" Hyper na suggestion ni Jayce. "Boring 'pag nag tricycle."

"I know right? So ew, noh?" Biglang singit ni Julian.

Natawa na lang kami. Nauwi rin kami sa paglalakad kahit na ayaw pa ni Jesca dahil madali raw siyang mapapagod. But then she resigned as she'll have foods in the finish line.

Nagpapaligsahan ang mga lalaki sa kanilang moves habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kanila at naisipang magsayaw sa kalsada. Pinagtitinginan na sila, lalo na ng mga babae. Mga papresko, nako!

Naramdaman ko ang mabigat na braso ni Sien sa aking balikat nang umakbay siya. Pilit ko itong inaalis kaya't nahuhuli kaming dalawa sa paglalakad.

"Isa!"

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now