Chapter 29

2.4K 89 5
                                    

Chapter 29
The Key

Lumabas ako ng kubo noong tulog na ang mga kagrupo ko. Wala na ang mga nagiinuman kanina ngunit narito pa rin ang kanilang kalat. Lumapit ako roon para pulutin ang ilang kalat na nasa sahig.

Napalingon ako sa kubo nang humangin. I forgot my jacket. Mas malamig pa rito sa labas kaysa sa loob ng kubo. I adjusted the temperature before the girls slept into the right magnitude so that we could all sleep soundly. But I couldn't, so I got out.

"May maglilinis naman nyan bukas ng umaga..."

Hinanap ko ang boses. Nakita ko si Sien na nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Nakasuot siya ng gray na hoodie.

Suddenly, I couldn't catch the beer cans lying on the ground. I slightly tilted my head up to see what he's doing. Nagsimula siyang pumulot ng isang can, hanggang sa magtuloy tuloy na.

"You don't have to help. I'm not going to finish all of these anyway."

"What makes you think I'm helping you?"

Napatigil ako. I felt blood rushed through my veins. Nakaharap siya sa akin kaya't tumalikod ako. Hindi ko pinansin ang mga dapat hindi pansinin. Nagpatuloy ako sa paglilinis.

"I'm kidding, Mae," narinig ko ang marahan niyang halakhak.

"It's not funny."

"Hey! Walang rason para mag sungit. I'm really here to help you."

Ipinasintabi ko ang trashbag pagkalagay ko ng huling kalat sa sahig. Sinundan niya iyon para idagdag ang mga napulot naman niya.

Normally, I would look for an out. And going back inside the hut to sleep is the nearest exit I could take. But then I knew going back wasn't an option yet for me now. I'll get bored thinking of things that will only produce problems which aren't there in the first place.

Humanap ako ng pwesto kung saan hindi basa ang gilid ng pool. Umupo ako roon at binabad ang paa ko. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig ng simoy ng hangin.

Sumunod siya at ilang segundo pa ay magkalapit na kami. Hindi ko mapigilang pansinin ang distansya namin. Clearly, he's too close for my benefit.

"I'd give my hoodie but then I'm..." narinig ko ang mahina niyang mura. Itinaas niya ang kamay niya at tinanggal ang kanyang hoodie sa isang higit lamang.

Nanlaki ang mata ko. That's why he hesitated... he's not wearing any shirt underneath. I even need to look away for me to catch a breath. Mas lalong nagsi-taasan ang balahibo ko nang marinig ko ang mahina niyang tawa.

"Isuot mo na. 'Wag ka nang magmatigas." Pinatong niya sa ulo ko iyong hoodie. Mabilis kong kinuha dahil baka mahulog sa pool.

"Hindi na. Papasok na rin ako maya maya," sabi ko. Nilahad ko sa kanya ang hoodie niya nang hindi nakatingin.

I'm looking at the stars. I marvel on how they manage to keep their shine on even when they're billions of miles apart from us. It's amazing how those little things stir emotions. It will always be a mystery how it can transform our sadness every night to interim solace just because that's what we really need.

"Stay for a while, Mae, please..." he whispered.

Pinakiramdaman ko siya sa aking gilid. Just this time, I will let myself lose. Tinignan ko ang jacket niya. Nasulyapan ko ang paghinga niya nang maayos pagkasuot ko nito.

"Lalamigin ka. I don't want to be the one responsible if you're out to catch cold," sabi ko. Pinaglaruan ko ang tubig gamit ang mga paa ko.

"Okay lang. Kaya ko naman. Ikaw... lalamigin," marahan niyang sagot.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now