Chapter 10

3K 110 9
                                    

Chapter 10
Petty Crush

Dumadalas ang pag-clash ng mga plano ko sa plano ni Sien na involved ako. Like thesis, hang-outs, basketball games. Syempre doon ako sa plano ko palagi dahil iyon ang akin. Pero mapilit itong bwisit kong kaibigan at gusto ay iyong plano niya ang masunod. Hindi ako pumayag doon, duh.

So he thought of an alternative. He would always think of a game or some sort of duel for us, and whoever wins will get to decide on which plan should one of us attend to. Noong una ay pumalag pa ako dahil ayoko namang ma-sabotahe ang appointments ko, pero sa huli ay natalo rin ako dahil sa kakulitan niya.

"It's just dancing, Mae. Come to my game!" inis na naman niyang sabi.

"Ipapa-record ko na nga lang 'yong laro kay Jesca. Ang kulit. At tsaka paniguradong mananalo naman kayo. Ikaw pa ba?" Kumindat ako sa kanya. Oha, feeling maganda lang.

Umiwas siya ng tingin at napahawak sa kanyang sentido. "Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo, Cazandra Mae. You'll go to my game."

"Ano? Magulang lang? Ikaw na nagde-decide sa future ko ah?"

"Kung pwede ka nga lang bang diktahan, ginawa ko na araw araw."

Bago pa siya makatakas sa aksyon ay hinigit ko siya pabalik.

"Ano, magwa-walk out ka na naman? 'Wag ganun, best friend. Tsaka ka na gumanon-ganon pag gwapo ka na. Magusap nga muna tayo."

"Gwapo naman ako ah!" He was frustrated. Natawa ako nang malakas. Para siyang batang pa-pogi na hindi talaga makakapayag na sabihang panget.

"Okay. Let say gwapo ka nga—"

"Gwapo talaga."

"Sssh. Ayon. Still, hindi magandang alisan na lang bigla ang kausap dahil bastos 'yon. Ako na lang kaya ang magsulat ng libro mo? Iyong Friendship for Dummies ba?"

"Kung ikaw ang magsusulat noon, will you explain how it was a right thing to leave your best friend hanging? Iyong okay lang ba na hindi mo siya kitain nang walang sabi sabi just because you had change of plans? Na mas magandang mag-clubbing na lang? Na hindi ka talaga magti text sa akin kasi wala naman iyon sa agenda mo para sa araw? So go on and write. I'd like to read your thoughts on that."

Napaawang ang aking bibig. Hindi ko alam ang sasabihin ko. It's a no brainer that I was wrong and a bit selfish that time, ngunit wala akong magawa.

Handang handa na akong humindi noon kina Ate Kayla, ngunit hindi ko nagawa dahil bitbit niya si Tita Luz sa pag-kumbinsi kay Mama na payagan akong sumama. Sa sobrang excitement ni Ate Kayla noon ay hindi na ako nakapagpalit at naiwan ko pa ang phone ko sa bahay. I wanted to text Sien pero hindi ko kabisado ang number niya kaya wala akong nagawa.

"I was feeling extra awful that night," napakagat ako sa labi ko, "I just... thought you'd like to know."

"Tapos na 'yon, Mae. All I'm asking right now is your presence on my game."

"Fine! Hindi ko naman kasi alam kung bakit gusto mo akong laging nasa game mo eh alam ko naman na mananalo kayo. Ano? May maipagmayabang lang, Sien?"

Tumawa siya, "No. I just wanted you to see what I will do later."

Isinakbit niya ang kanyang bag at mabilis na humalik sa pisnge ko. Umalis siya at iniwan akong nabato sa aking kinatatayuan.

Bigla akong kinabahan. If he's that eager to convince me to go to his game would that equate to the possibility that what he planned later might actually be for me? Hooo-pia, mani, popcorn.

Kaya kahit hindi naman kailangan ay nagayos ako nang kaunti. Imbes na mag-tshirt lang ako ay iyong lumang jersey ni Sien ang isinuot ko. Malaki ang sukat nito pero pinaliitan ito ni Sien para masuot ko. Pero ngayon ko lang ito susuotin kasi ayoko lang talagang suotin. Not until today.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now