Chapter 24

2.6K 82 8
                                    

Chapter 24
Be It

Simula noong nangyari kagabi ay hiyang hiya na ako kay Sien. Kung dati ay matalas ang bibig ko sa pagsusungit sa kanya ngayon ay tila naglaho na ang dila ko.

Alam ko iyon eh! Base sa ngiti niya! He was amused that I kissed back. Tuwang tuwa ang mokong. Nakakabwisit! Hindi na rin niya tinigilan iyong cheeseburger.

Dahil sa paparating na quiz bee at examinations ay palagi kaming nagkakaroon ng group study kasama si Jasean. Ngayong gabi ay sa bahay nina Jesca at Drian kami nanatili. Mabuti na lang talaga at si Jasean ang higher year na kasama namin para may panlaban ako kay Drian.

"Siguro naman ay papasa na tayo sa exams. Ilang araw na ring naka-on ang super duper ultra zombie mode ko para mag-review!" Khean exhaustingly said.

Nasa sala kami ng bahay. Tapos na kaming mag-aral at naghihintay na lang ng kanya kanyang sundo. Si Papa ang susundo sa akin ngayon dahil busy si Mama sa pagluluto ng dinner.

"Kahit naman mag-review ka at ibigay mo ang lahat may tsansa pa rin na bumagsak ka," sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin. "What? It is true. Sometimes it's not about the efforts anymore."

"Totoo ka ba, Mae?" natutulalang sabi ni Anica, "We are talking about acads! Not Sien!"

Nanghina ako bigla. Hindi na ako kumibo ngunit sila naman ang umingay. Wala akong pinagsasabihan ng nangyari noong isang gabi sa amin ni Sien. Although parang itong si Drian ay may alam.

"Ang tagal ng sundo ko. Please tell me I won't get stuck in here."

Sina Anica at Khean ay nauna ng makauwi. Tanging kami na lang ni Jasean ang natitirang naghihintay. Pagtingin ko sa labas ay madilim na madilim ang ulap at lumalakas pa lalo ang ulan.

Ayoko namang maiwan dito sa dalawang love birds because... duh! If anyone has seen how they flirt with each other, they're gonna puke. Okay, joke! OA lang!

"Sien's outside, Mae. Pwede ka nang makauwi," ani Drian.

Napayakap ako sa throw pillow. Tumawa si Drian at umiling iling. Ayoko ng maiwan na ang kasama lang ay ang isang iyon. Walang nangyayaring maganda, swear!

Nahagip ng mata ko ang pagtawag ni Sien sa phone ni Drian. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko nang maalala ang nangyari. Hindi ko na matanggal sa sistema ko. Hindi na maganda.

"Hindi. No way. Nakuponaman! My gosh. Dito na lang ako."

I paced back and forth. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin!

"Ang sabi ko naman kasi sayo, Drian, si Papa ang icontact mo. Paano naging magkatunog ang 'Sien' at 'Papa'? Are you deaf?!"

"Bakit? Papa mo rin naman si Sien ah?" nakangisi niyang sabi. May alam nga ang isang 'to!

Napasabunot ako sa sarili ko. Pero slight lang naman.

Binigay sa akin ni Jesca ang phone ni Drian. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago ko kinuha iyon.

"Mae, let's go. I promise, hindi na ulit kita hahalikan," sabi niya sa mapang-asar na boses, "Unless gusto mo pa."

"Shet ka!"

He only chuckled, "I'm kidding. Let's go. Alam kong gutom ka na."

The rest of the days went on like that. Nagbunga ang pagaaral namin dahil nanalo kami sa quiz bee. Well, Jasean did mostly everything. But we learned. Isa pang premyo sa akin ang pagsasayaw pagkatapos ng exams. Isinabay ko ito habang nagaaral para sa midterms. So far ay nakakaya ko namang pagsabayin ang pagaaral at pageensayo. Time management at determinasyon talaga ang susi.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now