Chapter 9

2.9K 114 6
                                    

Chapter 9
Hopia

Sa mga sumunod na araw ay hindi nagparamdam si Sien. Ako man ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko 'yon magawang bawiin. Partly because that's what I really wanted. I just hope he'd understand my reason when we meet again. At hindi ko alam kung kailan iyon.

Hindi na kasi siya nagtext o nangungulit. Namimiss ko but I conditioned myself to this set up. Hindi naman habambuhay niya ako gagambalain. He'd find a girlfriend eventually and then I'll be out of the picture. That's just my role, I admit. I'm the one that's preferred only when the best hasn't happened to him yet. As cringe-worthy as it may sound but I know that I am indeed at his disposal.

"You're getting better, Mae! But still not as good as me." Tumawa si Ate Kayla. I glared.

Sa araw araw na pananatili ko sa studio ay naging close kami ni Ate Kayla. Kung hindi lang talaga 'to mahinhin eh nasadista ko na 'to tulad ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko.

Nabawasan na rin ang oras ko sa gym dahil parang workout na rin naman ang ginawa kong pagsasayaw. Sa umaga ay nauuna kami ni Ravi dito para sa dance workout habang sa hapon naman ay si Ate Kayla na ang nakakasama ko.

Ilang linggo na rin ang lumipas at kaunting araw na lang ay babalik na ako sa klase. Pag naiisip kong mawawalan ako ng oras sa pagsasayaw ay medyo nalulungkot ako. I've grown to love dancing in just a short span of time. Nageenjoy kasi talaga ako.

"Nasaan si Ravi, Ate Kayla?"

She pursed her lips, perhaps trying to hide her malicious smile. What?

"Bakit mo hinahanap si Rav? Miss mo?"

Agad akong umiling. Duh. "Malamang hindi. Tinatanong ko lang naman kasi libreng magtanong diba?"

Hindi na napigilan ni Ate Kayla ang pag ngiti nang nakakaloko. Napairap na lang ako.

"He's a part-time DJ in clubs somewhere in BGC. Pansin mong magaganda ang remixes ng kanta namin? He's behind all those. Magaling siya kahit hindi halata sa hitsura."

"Hindi nga halata." Napailing ako habang nagiisip.

"Ang alam ko ay pinagaawagan siya ng clubs sa Maynila. Hindi niya lang tinatanggap ang offers noon, ngayon lang. He gave us passes to come see him work sometime this May. Kung gusto mong sumama, may extra pass naman 'yong si Rav."

"Okay lang. But I'm not sure."

I loved dancing and party music, but I don't know if I could enjoy club life as equally. I've heard stories or myths about party life and some of it were not pleasing to me.

"Fine. Pero subukan mo pa ring makapunta in one of his events. I'm sure he'd like his friends around." Kumindat pa siya.

People!

Tatlong araw absent si Ravi sa dance workout na inoffer niya sa akin noon, but it didn't mean me stopping the routine. Sanay na rin naman akong mag-isa. Ako pa ba?

Sumunod na araw ay bumalik na siya. Pagkakita ko sa kanya ay sakto lang naman. Walang miss-miss, walang nagbago.

"Miss mo ako?" Nakapaskil pa ang pang asar sa kanyang mukha.

"Hindi naman. Sino ka ba para mamiss ko?"

"That's real hard!" Tumawa siya. "Workout?"

Tumango ako. Game!

We danced a workout routine, specially made by Ravi himself. Magaling talaga ang loko pero hindi ko na lang pinapansin. Kahit minsan ay inaamin kong napapatingin ako sa kanya kapag pagod na ako pero trip pa rin niyang magsayaw mag isa.

Friendshipidity (Chase #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon