Chapter 28

2.4K 79 8
                                    

Chapter 28
Guts

Lumayo ako sa pool nang sunud sunod mag-dive sina Ricks. Sumunod ang ibang mga babae sa kanila. I saw June and Cess took a dip, too.

"Hindi ka mags-swimming?" Nag angat ng tingin sa akin si Darrah.

"Malamig..."

Pabiro ko siyang itinulak. She must not have expected something like that so she lost her balance and fell onto the pool. Nagulat ako sandali ngunit tumawa rin pagkalutang niya.

"Mae!" sigaw niya. Inayos niya ang kanyang buhok at tumingin sa akin nang masama. Tumawa lang ako. "Lagot ka sa akin mamaya!"

"Oh, boo hoo!" biro ko pa.

Pumasok ako sa kubo para kunin ang jacket ko. Mabuti ay pinabaunan ako ni Mama nito. Ang kubo ay may aircon at nakabukas pa rin ito hanggang ngayon. Kung dito kami matutulog mamaya ay siguradong manginginig ako sa lamig.

Sinuot ko ang jacket at muling lumabas.

Pinanood ko ang paligid at ang mga kanya kanyang trabaho ng mga tao. Hindi ko pa alam kung saan ako sasama. Ayaw kong maligo, ayoko ring mag-inom. Puro lalaki rin ang mga naroon. May mga babaeng nagkukumpulan sa lamesa malapit sa grilling station. Kinuha ng isa ang atensyon ko.

"Cazandra! Come here!" masiglang hiyaw ng babae.

Kalapit niya si Grace at naghahagikhikan sila habang may ginagawa. Pumunta ako roon at sinilip ang kanilang pinagkakaabalahan.

"Sydney..." pagpapakilala niya. Ngumiti ako.

Napangiwi ako nang makita ang nasa lamesa. Iba't ibang klase ng pagkain na pinaghalo halo ang nasa bowls. Nakakadiri ang karamihan! Hindi ko maintindihan kung ano ang mga iyon. Ang sigurado ko lang ay ang mga nakalagay sa maliliit na plastic cups. Ketchup iyon na hinaluan ng toyo.

"Ano 'yan?" nakangiwi kong tanong.

Itinaas ni Grace ang isang itim na bagay at tumawa nang malakas.

"Scorpion! Pwedeng kainin." Inilapit niya ito sa akin at mabilis akong umatras. Narinig ko ang pag-tawa ng mga lalaking nagiinuman sa gilid namin. Natawa na rin ako.

"Para saan?"

"We're going to play Spill Your Guts or Fill Your Guts!" a girl animatedly answered. "I'm Hanna."

"Mae," ngumiti ako, "Ano 'yon? Game ba?"

"Yup! If you're watching The Late Late Show then you'll know..."

Kumot ang noo ko habang nakangiti.

"I'm sorry. I don't follow..."

"Malalaman mo na," ngumisi si Grace, "Guys! Ready na!"

I heard some awful gasps and tired grunts from their groupmates. Tinignan ko sina Cess, nagtataka rin sila. Kami lang magkaka grupo ang hindi maka-relate sa kanilang trip.

"Since basa ang iba, dito na lang tayo sa sahig. Tumulong kayo sa pagbaba ng mga pagkain," utos ni Graces sa mga kasamahan niya.

"Pagkain," umismid si Ricks, "Tell me about a five-star gourmet meal."

"'Wag kang KJ! If only you answered the question, hindi mo sana kinain noon ang hilaw na paa ng manok."

"It's raw, man! Paano kung may nangyari sa akin? Edi wala na ang Fiery Heroes?" madamdaming sagot ni Ricks.

Nagtawanan ang lahat ngunit mukhang seryoso si Ricks sa sinabi. Nang makita niya ang set of foods na ginawa nina Hanna ay nerbyoso siyang tumawa at umiling iling.

Friendshipidity (Chase #3)Where stories live. Discover now