in another life || prologue

6.2K 29 4
                                    

=1876=

juan miguel?...

inilibot ko ang aking paningin. walang juan miguel sa paligid. binasa ko ulit ang sulat na patagong ibinigay sa akin ni fernando. 

"ika-7 ng gabi... sa dating tagpuan. maghihintay ako. -JM"

napangiti ako at kinilig. sa wakas, magkikita na naman kami ng mahal ko. 

kassandra?

nagpalinga-linga ako. boses ni juan miguel yun. hinahanap n'ya ako. mataman akong nakinig sa tawag ni juan miguel. sinusundan ang boses n'ya para matunton ko ang kinaroroonan n'ya.

kassandra!

juan miguel!

nakita ko s'yang nakatayo sa ilalim ng punong mangga malapit sa ilog. dahan-dahan akong lumapit dahil gusto kong sopresrahin s'ya. 

pero ako yata ang masosorpresa.

hindi ko na natuloy ang paglapit ko ng biglang may humatak sa baywang ko at tinakpan ang bibig ko. 

nagpumiglas ako. sumigaw.

juan miguel!

napalingon s'ya sa gawi ko. nagkaroon ako ng pag-asa. tinakbo ang pagitan naming dalawa. kita ko ang galit sa kanyang mga mata. matalim ang titig nito at alam kong para iyon sa taong hawak ako. ililigtas ako ng mahal ko.

bitiwan mo s'ya!

tumawa lang ang lalaki sa likod ko. tawang nakakaloko. kinilabutan ako. para kasi s'yang sinapian ng masamang espiritu. nakita kong may iba pang taong patingkayad na sumusonod sa mahal ko. masama ito. pilit akong nagpumiglas. mapapahamak ang mahal ko.

ililigatas kita, kassandra.

ililigtas ki---

bang!

nanlaki ang mga mata ko sa nakita. 

juan miguel...

nagpumiglas uli ako hanggang sa mabitawan ako ng may hawak sa akin. gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. tinakbo ko ang pagitan namin ng mahal ko pero bigla na namang umalingawngaw ang tunog na 'yun.

bang!

kassandraaaaaaaaa!

j...j-juan miguel!...

unti-unting lumabo ang paningin ko. pilit kong kinapa ang paligid ko. puro damo. bumagsak ako. pilit akong gumapang maabot lamang ang mahal kong nakahandusay din sa lupa. pilit kong inabot ang mga kamay n'yang umaabot din sa akin.

pero...

huli na ang lahat.

kassandraaaaaaaaa!

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon