chapter 1. there it goes again

1.3K 18 10
                                    

=2012=

[split screen]

riiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggggg!!!                    

napabalikwas s'ya ng bangon. kinusot ang mga mata. pinakiramdaman ang puso. parang tambol na naman ito. ang lakas ng tibok. parang mawawasak ang dibdib n'ya. nagulat sa ilang butil ng luhang tumulo...

 beep! beep! beep!     

nakapikit na kinapa n'ya ang alarm clock na nakapatong sa bedside table n'ya. 7am.  iminulat n'ya ang mga mata. nagulat sa  ilang butil ng luhang tumulo. huminga s'ya  ng malalim. pinakiramdaman ang puso...

...sabay silang napatingin sa kawalan.

                     tok.tok.tok.

                    she was brought back to reality when she heard the knock on her bedroom door. she looked at the time. it said 7:15am, too early for her to get up, but she won't be able to sleep again. pinahid n'ya ang mga luha sa mata at inayos ang sarili. alam n'yang mag-aalala ang mga kasambahay n'ya kapag nakitang ganun ang ayos n'ya. 

                   "pasok." sabi n'ya habang inaayos ang higaan. "mama, ikaw pala. good morning po." humalik s'ya sa pisngi ng ina.

            "good morning din, anak." napansin ng ina na parang matamlay ang anak. habang pinagmamasdan ang mga galaw nito, nakuha agad n'ya kung bakit, pero ayaw n'yang manghimasok.

                  "ma? bakit po?" tanong ni karylle sa ina. napapansin kasi n'yang parang may gustong sabihin ang ina kaso ay nag-aalangan. 

                   "karylle..." napalunok ang ina. malalim na bumuntong-hininga. "bumalik na naman ba ang mga panaginip?"

                     hindi malaman ni karylle kung sasagutin ang tanong ng ina. paano ba n'ya aamining halos dalawang linggo na s'yang ginagambala ng mga panaginip. malabo pa rin ang mga 'yon. hindi n'ya mapag-sino ang mga nanduon. ang alam lang n'ya, ramdam n'ya bawat emosyon na parang nangyari nga sa kanya ang mga 'yun.

                       "mama..." mahinang sambit n'ya. sigh! "yes, ma. the dreams are back. pero h'wag kayong mag-alala. i'm okay. nasanay na rin ako."

                          "pero, anak..." ani ms zsazsa. 

                           "ma, i'll be fine. don't worry." pag-aasure n'ya sa ina. "i know what i have to do. i have dr calderon's number. i'll see him when the need arise." she smiled timidly at her mother. alam n'yang mahirap din dito ang sitwasyon. kahit di nito sabihin, alam n'yang mahirap dito ang nakikita s'yang pumupunta sa isang psychiatrist. mahirap dito ang mabasa sa headline ng tabloids, "Karylle, Nabaliw nga ba?"

=============================================================================

[A/N] --- makikisabay sa uso. haha.

ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ito?

bunga ng kwentuhan at asaran.

bunga ng malikot na isipan. 

saan hahantong ang kwento'ng ito?

antabayanan n'yo. 

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon