Chapter 8. Tangled Dreams

751 13 1
                                    

Karylle!



Biglang nagising si Vice. Sinalat ang noo at pinahid ang pawis habang habol ang hininga. Napalunok s'ya. Hindi kasi n'ya maintindihan ang panaginip n'ya.



"Well sino ba naman kasi ang nakakaintindi ng isang panaginip?" sa isip ni Vice.



"So s'ya na naman ang laman ng panaginip mo?"



Lumingon so Vice sa pinanggalingan ng boses. Nakita n'ya si Baby Boy na nakaupo sa vintage armed chair sa isang sulok ng kwarto n'ya. Naka-boxers lang ito at may hawak na isang baso ng alak.



"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Vice. "Sinong s'ya?"


Baby Boy scoffed. He shook his head and smiled bitterly. Napapitlag si Vice ng magtama sila ng paningin. There was anger and jealousy in his eyes.


"Hindi ko alam kung nagmamaang-maangan ka lang, o talagang wala kang alam." prangkang sabi ni Baby Boy. "Vice, pang ilang beses na 'to. Nung una isinantabi ko kasi ayaw kong mag-conclude. Pero sobra na eh? Hindi ko na kaya. Ayokong isipin pero bakit nagsusumigaw ang katotohanang ginagago mo 'ko?"


Nagpanting ang tenga ni Vice sa narinig. Napatayo s'ya mula sa kama at tinungo ang kinaroroonan ni Baby Boy. Isang malutong na sampal ang ibinigay n'ya rito. Sinapo ni Baby Boy ang nasaktang pisngi at ngumiti ng nang-uuyam kay Vice.



"At ikaw pa talaga ang may ganang manakit ha, Vice?" tanong ni Baby Boy sabay tayo. He met Vice's gaze and gave him a push. "Kung tutuusin, ako ang gumawa sa'yo nun eh, kasi ako ang ginago mo!"



"Ano ba yang pinagsasabi mo?!" asik ni Vice. "Diretsahin mo nga ako. Kung hindi ka nagpapaliguy-ligoy d'yan, tapos na sana ang usapan."




"Anong meron sa inyo ni Karylle?" tanong ni Baby Boy. Mahina lamang ito pero parang bomba sa pandinig ni Vice. Napaatras s'ya.

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon