chapter 2. two hearts. two realms.

1.1K 20 2
                                    

                               nakatayo s'ya at nakasandal sa puno ng mangga malapit sa ilog. paminsan-minsan, nagpapatalbog ng mga maliliit na bato sa ilog. lumingon s'ya ng may marinig na tumatawa. napangiti s'ya. patingkayad na inikot ang puno ng mangga para makita ang mahal n'ya.

huli ka!

                                        niyakap n'ya ito mula sa likuran. lalong lumakas ang tawa nito. binuhat n'ya ito at inikot-ikot sa ere, saka binaba at kinintalan ng halik sa pisngi. hinarap s'ya nito at nginitian ng matamis.  ikinawit nito ang mga kamay sa kanyang leeg saka s'ya masuyong hinalikan sa mga labi.

ikaw lang ang pakamamahalin ko, juan miguel. wala ng iba.

                                            napangiti s'ya sa sinabi ng kasintahan. napapikit s'ya at hinalikan ito sa noo... sa tungki ng ilong... at sa mga labi.

at hindi na ako magmamahal ng ibang babae bukod sa'yo, kassandra. 

                                        iginiya n'ya ito paupo sa malaking ugat ng puno. mataman itong nakatingin sa kanya habang buong gilas n'yang inuukit ang unang letra ng kanilang pangalan sa katawan ng puno. pero di yata uubra ang pakitang-gilas n'ya ng mamali ang hagod n'ya at tumama ang matalim na bahagi ng maliit ng kutsilyong gamit n'ya sa palad n'ya.

araaaaaaaaay!

                      "meme!" naramdaman n'ya ang mahinang tapik sa kanyang pisngi. gusto n'yang imulat ang kanyang mga mata pero nahihirapan s'ya. binabangungot s'ya! 

                        "meme!" naririnig n'ya ang tawag sa kanya kasunod ang marahas na pagyugyog sa balikat n'ya. sa wakas nagkaroon s'ya ng lakas. napabalikwas s'ya ng bangon at napasigaw.

                          "araaaaaaaaaaay!" sigaw ni vice habang sapo ang kaliwang palad. 

                         "meme, ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ni buern na umalalay sa kanya. "umuungol ka, ang hirap mong gisingin, at ngayon napasigaw ka pa. vice, may problema ba?"

                                 napatda s'ya. hindi rin n'ya alam ang isasagot sa kaibigan. tiningnan n'ya ang mga palad. wala naman s'yang nakitang kakaiba roon. pero ramdam n'ya ang sakit. sakit na dulot ng isang matalim na bagay na humiwa sa laman. humugot s'ya ng malalim na hininga bago hinarap ang kaibigan.

                           "h'wag mo 'kong alalahanin, buern." sabi n'yang ngumingiti para hindi na mag-alala pa ito. "hindi lang maganda ang panaginip ko. pagod lang siguro ako. halos wala rin akong pahinga these past few days. daming raket ni bakla."

                            "haynaku, meme! sinabi mo pa." sang-ayon nito. "pero hinay-hinay lang, meme. alalahanin mo, kabayo ma'y napapagod din. hahaha!"

                                  "araaay! ang hard n'un ha?" natawa lalo ang kaibigan sa tinuran n'ya. "tara na nga. gagabihin tayo. gusto kong sulitin ang no work afternoon ko." yakag nito. nagpatiuna na s'ya sa paglabas ng dressing room n'ya. and the same time he stepped out, he saw her. she was in front of her dressing room leaning against the wall listening to music. hindi s'ya nito napansin kaya pinagsawa n'ya ang sarili sa pag masid sa magandang nilalang sa harap n'ya.

                                      she was an epitome of beauty. magandang mukha, magandang ugali, magandang katawan. wait! magandang katawan?! at kailan ka pa natutong iadmire ang katawan ng isang babae, aber? sigaw ng isang bahagi ng utak n'ya. ipinilig n'ya ang ulo. sh*t! ayan ka na naman, vice, natitibo ka na naman. 

                                           "karylle!" napatingin si vice sa direksyon ng tumawag kay karylle. sakto rin naman lumingon ang babae sa gawi n'ya. saved by the bell! sa loob-loob n'ya. nilingon uli n'ya ang dalaga. mabagal itong lumakad papunta sa manager na tumawag sa kanya. buong akala n'ya ay didiretso ito. nagulat pa s'ya ng huminto ito sa harap n'ya.

                                              "vice..." sabi nitong nakangiti. "ngayon ka lang ba uuwi?"

                                             "uhm, oo eh." ani vice na napahawak sa batok. kalma, vice. h'wag kang mataranta. para ka namang grade schooler na kaharap ang crush eh?. "nakatulog kasi ako. alam mo na, kayod kabayo."

                                             "hahaha!" natawa si karylle sa sinabi n'ya. gawd! ang cute n'yang tumawa! "hina-hard mo sarili mo ha? keep it up." 

                                               "ansaveeeh ng keep it up mo, karylle?" natawa na rin s'ya. pero mabilis na napalis ang ngiti sa mga labi n'ya ng pinadaan ni karylle ang daliri nito sa gilid ng mukha n'ya at hinawakan ang pisngi n'ya. napalunok s'ya.

                                                  "pero h'wag mo rin kalimutang alagaan ang sarili mo ha?" mahinang usal nito. "ayokong napapagod ka. nami-miss kita sa showtime kapag absent ka." tumingkayad ito at kinintalan s'ya ng halik sa pisngi. napapikit s'ya.

                                                  ikaw lang ang pakamamahalin ko...wala ng iba.

                                                bigla s'yang napamulat sa narinig. tatanungin sana n'ya si karylle kaso ilang metro na ang layo nito sa kanya. lumingon ito sa kanya at she waved goodbye. he faintly waved back. napapikit uli s'ya ng mariin.

                                                ikaw lang ang pakamamahalin ko...

                                               mabilis s'yang nagmulat ng mga mata. nagpalinga-linga. tahimik na ang paligid. bigla s'yang nanlamig. tinawag na n'ya si buern at nagmadali nang umuwi. 

                                                no! this can't be happening. not now. please, not now.

=============================================================================

[A/N] --- ibang approach naman po sa kinagigiliwang kwento.

a full twist from the traditional kilig much.

muli, bunga lang po ito ng malikot na isipan.

kung may suggestions po kayo, welcome po 'yun.

please do comment and vote and share.

thank you! =)

follow me on twitter ---> @sapphira0923 =) 

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon