chapter 13. clues

592 39 22
                                    

“Why haven’t you told us before?” tanong ni Anne while picking up their trash.

“Because I didn’t see the need to.” Sagot ni Vice. “Hindi naman ako ginagambala ng mga panaginip ko.” Tumahimik nalang si Anne at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Tara na. Hatid ko na kayo.”

“Wait. Paano yung kwento?” tanong ni Karylle nang makababa mula sa hood ng sasakyan.

“Oo nga naman, Wakla.” Sabat ni Anne. “Ikaw lang ang nakakaintindi dun kay Isabella eh?”

“Fine.” Sagot ni Vice at bumuntong-hininga. He motioned for the girls to get in the car habang sya naman ay sa driver’s seat. He made sure everyone’s set before he turned the ignition on. He also made sure that they were far from any threats bago nya sinimulan ang pagkukwento ng impormasyong nakuha nya kay Isabella.

“Ready when you are.” Sabi ni Karylle as she met Vice’s eyes on the rearview mirror.

“Anja Kassandra Pasuelo Tamayo.” Vice began as he kept his eyes on the road. “Born on March 22, 1858 in Manila. She stayed there for ten years bago lumipat sa bayan ng Estrella nang mamatay ang ina. Only child but grew up with a cousin when they’ve transferred.”

“A cousin?” Anne asked. “That’s interesting.” Binigyan lamang sya ni Vice ng sandaling sulyap bago nagpatuloy.

“Yes, a cousin.” Sabi ni Vice. “Half Pinay ayon kay Isabella. Anak ng kapatid ng ina ni Kassandra na nakapangasawa ng foreigner.” Vice said as he slowed down and stopped on a red light, tapos ay binalingan ang dalawang kasama. “They seemed to be very close. They were even classmates habang nag-aaral sa Manila. They were inseparable according to Isabella. Until one fateful day.”

Nagkatinginan naman sina Anne at Karylle sa huling sinabi ni Vice. Umayos naman si Vice ng upo at pinaandar muli ang sasakyan.

“A-ano’ng nangyari?” tanong ni Karylle at isiniksik pa ang sarili sa gitna ng mga upuan sa harap.

“Ayon sa kwento ni Isabella, noong labing-anim na taong gulang ang dalawa, umuwi sila sa hacienda para sa bakasyon at doon nila nakilala si Juan Miguel.” Vice said as he maneuvered on a curve. “Dayo ang lalaki sa lugar at nagtayo ng maliit na kubo malapit sa ilog. Mag-isa lang itong namuhay doon. No one knew where he’s from or who he really is.”

“That’s creepy.” Sabi ni Anne.

“Uy, nandyan ka pala?” pamimilosopo ni Vice rito. Kanina pa kasi ito tahimik lang habang nagkukwento sya at tipid ang mga reactions.

Anne just made a face at inirapan si Vice. “Tuloy mo na.”

“Si Annalisa ang unang nakakilala kay Juan Miguel nang magkatagpo sila nito sa palengke sa bayan. Sinamahan daw kasi nito si Kassandra para mamili ng mga sangkap sa pagluluto bilang mahilig ito roon.” Vice continued. “It was an instant attraction daw sa part ng dalaga nang tumulong si Juan Miguel sa mga kapisan na magbuhat ng mga pinamili ni Annalisa papunta sa sasakyan ng mga ito. But it was love at first sight nang makita ng binata si Kassandra na naghihintay sa pinsan nya.”

“So, what you’re saying is, nagkasira ang magpinsan dahil sa isang lalaki.” Karylle said matter-of-factly. “Unang na-meet ni Annalisa at na-attract sya rito, but Juan Miguel fell for Kassandra.” Tumango naman si Vice to confirm Karylle’s notion.

“Among the two Annalisa was the liberated one. Dahil na rin siguro sa foreign blood nya.” Sabi ni Vice. “She was the one making moves para mapansin ni Juan Miguel. Patago syempre, dahil ang norms noon, hindi pwede’ng magkaroon ng relasyon ang isang mayaman at isang mahirap.”

“Right…” sabi ni Karylle.

“Pero habang duma-da’moves si Annalisa kay Juan Miguel, gumagawa rin ng paraan ang binate para mapalapit kay Kassandra.” Pagpapatuloy ni Vice. “He asked for his friend’s help. Si Fernando. Nagtatrabaho ito bilang hardenero sa mansion nila Kassandra. Malapit ito sa dalaga bilang mahilig din sa tanim si Kassandra. May lihim na pagtingin si Fernando kay Annalisa at ginamit iyon ni Juan Miguel sa advantage nya. He diverted Annalisa’s feelings from him to Fernando’s. Habang sya naman ay inilalakad ng kaibigan kay Kassandra.”

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon