Chapter 9. Bits and Pieces

766 17 15
                                    

He sighed. For the nth time since he lost count. Mabibigat rin ang mga hakbang n'ya papasok ng studio. Naalala na naman n'ya ng panaginip kaninang madaling araw. Pero ngayon pira-piraso na lang. Hindi n'ya matandaan ng buo ang mga pangyayari. Weird!

"So weird." bulong ni Vice sa sarili.

"What's weird?"

"Anne!" Vice exclaimed ng malingunan ang nagsalita. Tiningnan lang s'ya nito sa pumwesto sa harap n'ya.

"Well?" Anne said.

"My dream." sagot ni Vice na lalo lang nagpadagdag sa pagtataka ni Anne. "I mean, Karylle's dream." Nag-aalangan si Vice kung sasabihin ba n'ya kay Anne. "I'm having Karylle's dream." the words just slipped his mouth.

"What?!" gulat na tanong ni Anne. Agad namang tinakpan ni Vice ang bibig nito ng palad n'ya saka iginiya patungo sa dressing room n'ya. "Mwhmph..."

"Ano?" tanong ni Vice ng magsalita si Anne. Wala s'yang maintindihan sa sinabi nito. Marahas namang tinanggal ng dalaga ang kamay nito sa bibig n'ya. "Ay, sorry!"

Matalim naman ang tinging ipinukol ni Anne kay Vice bago nagsalita. "What do you mean by I'm having Karylle's dream?" tanong ni Anne.

"Kagabi," sabi ni Vice at naupo sa sofa. "Baby Boy and I had a fight." He breathed in. "At sa palagay ko iyon na ang huli. I threw him out. Nag-away kami dahil kay Karylle. As it turned out; he knew I've been fantasizing about her. Pero ang loko hindi nagsalita until last night. Tapos nun, I realized something. Inalala ko yung kwento ni Karylle bago s'ya umalis. I drifted off and found myself in a different place. Pero wala na akong masyadong naalala ngayon. Alam kong nandoon ako. Ang hindi ko matandaan, sino ako ng mga oras na yun."

Anne gave him a skeptical look. "Are you sure? Baka lasing ka lang? Paano mo naman nasabing kay Karylle nga yung panaginip mo kagabi?"

"Dahil nandoon s'ya." pasigaw na sabi ni Vice. Napaatras naman si Anne sa sudden outburst ni Vice. "Nandoon s'ya, Anne. S'ya ang babaeng nakaputi. S'ya si Kassandra!"

Hindi malaman ni Anne kung ano ang isasagot n'ya. Napalunok s'ya. Hindi n'ya inasahan ang sinabi ni Vice sa kanya. Hindi sa hindi s'ya naniniwala. Alam na rin naman n'ya ang panaginip ni Karylle dahil naikwento nito iyon sa kanila bago ito tumulak pa-Singapore. Pero hindi nito nasabing ito mismo ang bida.

"Naniniwala ka na?" untag ni Vice kay Anne. Marahan at parang wala sa sarili namang tumango ang dalaga. "Ang ipinagtataka ko lang, bakit pati ako kasama?"

"Hey..." sabi ni Anne na tumabi sa kanya. "I bet there's a reason for this, Vice. Baka may gustong ipahiwatig ang panaginip n'yo. Baka sa inyo nangyayari it kasi..." napaisip si Anne. Napapikit s'ya ng mariin bago nagpatuloy. "...kasi may connection kayo."

"Connection?" takang tanong ni Vice. "Anong konek namin ni Karylle? Eh dito nga lang sa Showtime kami unang nagkakilala. Oo matagal-tagal na s'yang hurado pero yun lang yun. Anong konek dun?"

Ngali-ngali naman s'yang batukan ni Anne. Pero pilit nitong kinalma ang sarili. She knows everything is topsy-turvy at the moment. Kahit s'ya ay naguguluhan na rin. Pero wala s'yang makitang mas fit na rason sa nangyayari.

"Not in this life, silly!" sabi ni Anne. Vice gave her a confused look. "I meant, you're connected in another life. Maybe in the past? Or maybe in a parallel world, ganun. I mean possible naman ang ganun. Maraming journals at write-ups ang nagju-justify sa theories na ganun."

"So ibig mong sabihin, ako at si Karylle naging part ng buhay ng isa't isa sa ibang panahon?" Vice said. "Na nabuhay kaming dalawa noon sa ibang katauhan?"

"Could be..." Anne shrugged. "Reincarmation."

"Pero ano yung sabi n'yang humihingi ng tulong?" tanong ni Vice. "At yung nabaril s'ya?"

"Maybe something happened in your past." sabi ni Anne. "I don't know."

"Tama!" sabi ni Vice na napapitik ng daliri. "Baka may nangyaring masama kay Kassandra kaya humihingi ng tulong. Anne..." sabi ni Vice at humarap kay Anne. "Tulungan mo 'ko. Tulungan mo 'kong alamin ang puno't dulo nito."

"Help you?" Anne said mockingly na s'yang ipinagtaka ni Vice. "It's too far-fetched, Vice. Hindi natin alam kung saan tayo magsisimula di ba? And what do I get in return? Ni hindi ko pa nga nakukuha yung one night with you eh?"

Hinawakan ni Vice ang mga kamay ng dalaga. "Tulungan mo 'ko rito and I will not give you just one night." Vice paused. Inisip kung ano na naman 'tong pinasok n'ya. But as they say, desperate times call for desperate measures. Although he didn't have the slightest idea why he was doing this. He just felt it's the right thing to do. "You'll have me for a week."

Anne eyed him intently. She saw determination in his eyes...and something else she's not quite sure yet. "You know, there's only one person who I know is stupidly determined --- ME. Dumagdag ka pa." Ngumiti si Vice sa sinabi n'ya. "I'll make a few phone calls. I suggest you cancel your afternoon agenda and meet me at the parking lot after Showtime."

===

Nagmulat s'ya ng mga mata. Madilim. Kumisap s'ya para maisanay ang mga mata. Iginala n'ya ang paningin sa paligid at sinubukang bumangon pero nahirapan s'ya. Masakit ang buong katawan n'ya.

"Nasaan ako?" tanong n'ya sa sarili. Pilit inalala ang mga nangyari. "Maagang natapos ang pag-tape ng buong show kaya maaga rin akong nakabalik. Wala akong pinagsabihan kasi gusto kong isurprise ang family ko. But just as I was hailing a cab, bigla na lang may tumabi sa akin at sumakay sa taxi'ng sinakyan ko. I tried to get away pero malakas s'ya. Bigla n'yang tinakpan ang ilong ko ng panyo. Then everything went black. And now I'm here."

BLAAAAG!

Napaurong s'ya sa sulok ng biglang bumukas ang pinto. Iniharang n'ya ang mga kamay sa mga mata sa biglang pagbadha ng liwanag. May naaninag s'yang tao pero hindi n'ya mamukhaan ito dahil sa liwanag sa likod nito.

"Buti naman gising ka na." sabi nito. "Akala namin matatagalan ka pa bago magising. Kamusta, Karylle?"

Nagtaka si Karylle. Di yata kilalang-kilala s'ya ng taong kaharap n'ya? Pilit n'yang in-adjust ang paningin para mapagsino ang kausap. Futile attempt.

Lalong nagsiksik si Karylle sa sulok ng bahagyang lumapit ang lalaki. Para s'yang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita at makilala ito.

"I-ikaw?!"

~~~

[A/N] --- hi again!

yehey! two chapter update!

pero bitin... hahaha!

sino kaya yun? 

update ulit ako soon. =D

COMMENT.VOTE.ADD.SPREAD.FOLLOW PLEASE =D

@sapphira0923

in another life... a ViceRylle mystery (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon