Chapter 6: Start (Boys)

16.1K 631 8
                                    

Xhander's POV

June 24, Wednesday

Umaga na. It's already 6:30 bihis na ako. First day namin 'to. 3 months lang yan, Xhander, 3 months lang. June 24 ngayon. This is the day I will start our game. Kahit cold ako basta babae maingay ako.

"Ready na ako." Sabi ko.

"Handa na ako. Handang-handa na." Sabi ko ulit sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Bumaba na ako at nakita ko ang Playboys dun. Anong meron agad ata natin ngayon.

"Anong meron? Ang aga ata natin ngayon." Sabi ko.

"Syempre nagrerelax. Nakaka-takot mamaya, baka mapagod kami. " Sabi ni Prince.

"Oo nga! Lalo na si Kyle." Sabi ni Keith at tumawa.

Binatukan naman siya ni Kyle.

"Sira ka talaga! Ready na 'to noh! Ready na ready!" Sabi ni Kyle.

"H'wag ng magdeny! Obvious ka, Bro!" Sabi ko.

"Tigil-tigilan niyo ako at baka ipagsigawan ko sa school na mahal niyo sila Tzuyu, Dahyun, at Sana!" Sabi ni Kyle.

"Halika na nga!" Sabi ko.

Umalis na kami at pumunta sa bahay nila. Syempre alam namin! Kami pa! Magaling ata kami mangstalk. Pagdating namin dun. Nagiwan kami ng letters.

Hello, Sana! Sana maging maganda araw mo! New Admirer mo ako. I love you! Good Morning, Sana!

Yakkk! I love you? Masusuka na po ako! Pero okay na rin naman siya! Maganda, matalino–ah basta!

Okay naman si Sana eh. Okay na okay siya actually... bilng laruan ko. Playboy eh! Magagawa niyo?

Umalis na ako at pumunta sa IMA (Integrated Montessori Academy). Nang makarating ako nagpark agad ako. Dumating na si Kryst kasunod si Nayeon at agad nagpark sila. Sumunod na dumating si Sana tapos kasunod niya si Kat nagpark agad sila. Hanggang sa dumating na lahat sila. Nagtago ako sa isang bush para 'di nila ako makita.

"Okay! Mauna ako. Price ko mamaya ah!" Sabi ni Kryst.

"Hep hep! Diba nga!" Sabi ni Nayeon at tinitigan si Kryst. Mga babae talaga oh, nag-uusap gamit ang tinginan.

Tsk! Ano bang ginagawa ko dito? Makalayas na nga! Ayun umalis na ako. Iinatyin ko na lang sila—siya sa classroom. Pumasok na ako ng classroom pero wala parin silang lahat mukha tuloy akong loner ngayon iniwan ko kasi sila Kyle dun sa bahay nung mga babae. Kaya eto ako ngayon. Loner. Kinuha ko na lang yung earphones ko at sinaksak sa tenga ko at nagpatugtog.

Kyle's POV

Naglagay na ako ng letter sa labas ng bahay—scratch that! Mansion nila. Seryoso ba sila na sila lang nakatira dito? Para kasi siyang pang 20 na tao. Tapos 8 lang sila? Joke ba yun? Napansin kong wala na silang lahat. The hell! Iwan ako dit —

May nagbukas kasi ng gate eh nakaharang 'yung kotse ko dun.

"What the hell are you doing here?!" Masungit na tanong ni Nayeon.

The hell naman ohh! Putspa kasi! Siya agad bubungad sa'kin!

Sinuntok niya ako ng mahina sa braso. Nanununtok na pala siya ng mahina! Hahaha 'di ko akalain —

"Wala ka bang balak umalis diyan?!" Sigaw ni Nayeon.

"A-ahh sorry naman." Sabi ko at sumakay sa kotse ko at umalis papuntang school.

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon