Chapter 53: Abandoned Park

6.9K 272 10
                                    

Jungkook's POV

September 4, Friday

6:30 na at eto ako nagpapahangin sa garden dito sa school.. Nasa damuhan ako ngayon. Halos wala pang tao dito. Ganito ba naman kasi ka-aga. Late kasi pumasok ang mga estudyante dito. Walang banal dito. Meron pero i-ilan lang. May tao na pero konti lang. Wala nga kasing mabait dito? Key?

Nakapikit ako habang ini-enjoy ang hangin.

Biglang may umupo sa tabi ko.

"Tigilan mo. Mapapagkamalan kang tanga."

Sino naman yung KJ na yun?

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Dahyun.

"Tsk! Pake mo ba? Ano naman kung mapagkamalan akong tanga? Eh totoo naman yun. Tanga naman talaga ako kasi minahal ko siya." Sabi ko

"Ang drama mo! Move on na okay? Don't be stuck in the past. Move to present and ready for future! Matuto ka nga magmove-on!" Sabi niya

Magkapagsalita talaga!

"Tsk! Ang dami mong sinabi! Gusto mong kumain?" Tanong ko

"Masamang tumanggi sa grasya." Sabi niya at ngumiti tsaka naunang tumayo

Napangisi na lang ako sa kakulitan niya. Bakit ba siya ganiyan? Ang cute niya lalo.

Tumayo ako at kinurot ang ilong niya.

"Ang cute cute mo talaga!" Sabi ko

Sinipa niya yung binti ko.

"Aray!" Sabi ko

"Masakit din kaya ilong ko! Walangya ka!" Sabi niya habang naka-pout

Ang cute niya bat ganun?

Inakbayan ko siya.

"Ang cute mo talaga! Halika na nga." Sabi ko

Pumunta kami sa pancake house na malapit sa school.

Pagpasok namin dun agad kaming humanap ng mauupuan at umorder..

Nasa tabi namin ang isang waitress..

"Kuya, girlfriend mo po siya?" Tanong sakin nung babae habang namimili ng kakainin si Dahyun

Kasing edad lang siguro namin 'to.

"Bakit mo tinatanong?" Tanong ko

Sinipa ako ni Dahyun sa ilalim ng mesa. Anong problema nito?

"Bagay po kasi kayo." Sabi niya

Di ko namalayan na umiinom pala si Dahyun kaya nasamid siya nung sinabi nung babae yun.

"Tsk! Miss naman! Pwede bang dahan-dahan lang sa pananalita?" Sabi ni Dahyun

"Sorry po ma'am." Sabi nung waitress

Umorder na si Dahyun at yun din ang inorder ko. Sweet ko noh? Trip ko lang yun.

*toot toot*

"Tsk!" Sabi ni Dahyun

Anong problema nun?

30 message unread

From: Mom

Mag-practice ka sa volleyball please lang.. Tandaan mo yung sinabi sayo ng dad mo.
6:46 a.m.

"Dahyun." Tawag ko sa kaniya

"Mm?"

"Tutal friday naman ngayon. 'Wag na tayong pumasok. Okay lang ba?" Tanong ko

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysWhere stories live. Discover now