Chapter 55: Started

6.6K 280 9
                                    

Kryst's POV

September 8, Tuesday

Inumpisahan na nila kaya, uumpisahan ko na rin.

Ang weird lang kasi galit na galit ako kay Kyle dahil sa ginawa niya kay Nayeon tapos ngayon ako yung lalapit sa kaniya..

Anong gagawin ko para mapaniwala siyang mabait na ulit ako sa kaniya?

Tick tock tick tock tick tock tick tock tick tock

Ano nga kasi gagawin ko? Huhuhu! Eh kasi naman eh!

Andito ako nakahiga sa kama at nagiisip. 4:30 pa lang naman eh. 7:00 pa pasok ko kaya okay lang.

Ano ba dapat ang gawin ko? Kailangan may mangyaring masama sakin tapos kailangan iligtas niya ako tapos magiging mabait ako kasi niligtas niya ako! *smile* pero ano naman katangahan ang gagawin ko?

Wait lang guys nag-iisip pa si otor.

Ano kaya kung mapabugbog ako sa roof top? Tapos may uutusan akong papuntahin siya dun. Tapos kunyari ihuhulog ako nung tao tapos ililigtas niya ako?

Eh kung tumawid ako sa kalsada tapos sasagasaan ako ng sasakyan?

Eh kung iyakan ko na lang kaya siya?

Nahihibang ka na ba Krystel Angely?!

Pumasok na lang ako ng banyo at naligo.. Pagkatapos ko ay nagbihis agad ako at nag-ayos.

Bumaba na ako dahil gutom na ako.

Sinisipag ako ngayon kaya nagluto ako ng sinangag, bacon, hotdog, egg, tocino, at longanisa (di ko alam spelling sorry na!) tapos nagluto rin ako ng pancake at nagready ng kape at hot choco.

Naunang bumaba si Cess.

"Ang sipag ah!" Sabi niya

Ngumiti lang ako. 5:55 na, umakyat ako at ginsing si Nayeon dahil alam kong hindi 'to gigising ng maaga.

"Yah! Wake up!"

"Eh! Ayoko! 5 minutes." Sabi niya

"Yung 5 minutes mo umaabot ng isang oras kaya tumayo ka na diyan." Sabi ko

"Bakit ba kasi ang aga mo gumising?! Tsk!" Sabi niya habang naka-pikit

"Nayeon kasi!" Sabi ko

"Hmm?"

"Isa pa Nayeon Sabrina Samonte sasaktan kita!" Sabi ko

Hinila ko yung paa niya hanggang sa bumagsak yung ulo niya sa sahig.

"Aray! Ouch!" Sigaw niya

Tinignan niya ako ng masama at tinignan ko rin siya ng masama.

Umalis na ako dahil alam kong maliligo na yun.

Pagbaba ko nandun na si Sana at Kat.

Basta pagkain alerto 'tong dalawa.

Kinuha ni Kat yung bacon sa plato ni Sana.

"Yah! Meron pa dun oh! 'Wag ka nga manguha!" Sabi ni Sana at pinalo si Kat

"Yah! 'Porket mas matanda ka sakin magdadamot ka na! Ganiyan ka na eh!" Sabi ni Kat

"Eh meron naman kasi dun! Kumuha ka dun!" Sabi ni Sana

Hanggang sa nag-away na sila.

Napangiti ako habang tinitignan silang mag-away. She's back I guess.

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora