Chapter 62

6.1K 217 32
                                    

Chapter 62

Kylie's POV

October 14, Wednesday

Bukas na 'yung exam. At nandito ako sa library ngayon nag-aaral. And still hindi ko parin nakukuha 'yung sagot. Hindi ko alam ba't ang slow ko ngayon. Bigla na lang may umupo sa tabi ko.

"Hello, Nerdy!" Sabi niya.

"Hi." Simpleng sagot ko.

"Nahihirapan ka?" Tanong niya at kinuha 'yung notes ko. Binagsak ko 'yung ulo ko. Ugh! Nakaka-pagod. Kahapon lang 'to tinuro at ginulo ako nung katabi ko kaya hindi ko naintindihan 'yung sinasabi ni? Idadagdag ko pa ba sa sakit ng ulo 'yung pag-iisip kung sinong teacher 'yun? Tinuro sa'kin ni Nerdy 'yun pero dahil sa puyat at pagod naka-tulog ako.

Keith's POV

Habang nag-sasalita ako bigla na lang pumikit 'yung mga mata niya. Kylie naman! Sayang laway ko. Maganda naman siya, mukang anghel, drummer, mukha naman mabait, matalino, masayahin, mapagmahal, at magaling magluto. In short ideal type ko. Pero may plano kami eh. May plano. Alam niyo 'yun? Plano! Pero.. Ang hirap kasi kapag naka-hanap ka na ng katapat mo eh.

Inipit ko sa likod ng tenga niya 'yung mga buhok na nasa mukha niya. Kung pwede lang umatras gagawin ko na. Basta ayoko siyang masaktan.

"Staring is rude." Sabi niya at dumilat. Erase, erase, erase! "Turuan mo na ko." Sabi niya at ngumiti. Ngumiti ako at tinuruan na siya.

Tzuyu's POV

Nandito kami sa Music Room. Naka-higa si Jin sa lap ko habang natutulog. Dapat magrereview kami. Ewan ko ba dito at natulog. Habang nagbabasa ako ng libro pinaglalaruan ko ang buhok niya.

"Hmm.." Sabi niya.

"Hi." Sabi ko. Pinagpatuloy ko 'yung pagbabasa nang bigla niyang kinuha 'yung dalawa kong kamay.

"Mamaya ka na mag-review. Matalino ka naman eh." Sabi niya.

"Pero mas matalino si Kylie." Sabi ko.

"Mas matalino si Kylie? Pareho "ang kayo. Walang mas matalino, Tzuyu, pareho lang kayo." He smiled.

"I know kaya ayokong bumaba. My parents will get mad at me at baka gusto mong mag-hiwalay tayo dahil distraction ang magiging tingin nila sayo." I said.

"Okay. Okay. Chill lang."

"Tsk!" Sabi ko. Nag-review lang kami at tinulugan ko siya kasi inaantok ako.

Jin's POV

Habang natutulog siya, nag-rereview ako. Malamang! Nag-review na siya kanina habang natutulog eh. Ayoko rin naman bumaba.

Habang nag-rereview ako, nagulat ako nang hinawakan niya 'yung kamay 'ko.

Ganiyan kasi siya kapag natutulog siya sa tabi 'ko. Lagi niya hinahawakan kamay 'ko. Inggit ata. Mas maganda kasi kamay ko kesa sa kaniya. Haha! Joke lang.

Pero may tina-tago pala siyang ka-sweetan. Ang cute lang tignan.

Naiinis rin naman ako minsan kapag may nagsasabi ng 'Mas bagay si Tzuyu kay Jungkook' 'Dapat si Tzuyu at Jungkook magpartner.' Edi kayo na. Kayo kaya gumawa ng kweto na sila 'yung bida. Mga echosera. Kami partner eh! Anong magagawa niyo? Letche! Kairita. Nakaka-sira ng beauty.

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysWhere stories live. Discover now