Chapter 54: Starting

7.2K 279 19
                                    

Kat's POV

September 7, Monday

Umaga na.. It's 5:00 in the morning. Naligo agad ako at nagbihis.. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at gumawa ng sandwich.. Kinain ko agad yun. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako.

Pumasok ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa bahay nung mga lalaki. At tulad ng dati kong ginagawa ay inakyat ko yung bahay nila. Andito ako sa balcony ni Xhander..

Binuksan ko yung glass door niya kasi hindi naman naka-lock. May katangahan palang taglay 'to.

Pumasok ako sa loob at nakita siyang mahimbing na natutulog..

Alam mo, ang gwapo mo sana eh. Kundi ka lang talaga playboy baka na-inlove na ako sayo..

Char lang! Kems lang! Guys naman eh. 'Yan?! Si Alexhander Salvador? Mai-inlove ako? Joke ba yun? Don't me...

Pumunta ako sa gilid ng kama niya. May nakita akong picture ng mga bata. Walong bata na ang cute.

"Basta 'pag tanda natin magpapakasal tayo ah?" Sabi ng batang lalaki

"Sige! Basta 'wag mo akong iiwan." Sagot ko dun sa bata

Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit. May nakita akong batang lalaki pero ang labo..

Natabig ko yung picture niya kaya naka-gawa ako ng ingay..

Nagising agad siya.. Naka-tayo lang ako dito inaantay na makita niya..

"Katrina?" Tanong niya

"Remember me?" Tanong ko

Umupo ako sa kama niya.

"Ang ganda pala ng kwarto mo." Sabi ko

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong niya

"Pumasok ako syempre. Dumaan ako sa balcony." Sabi ko

"Tsk! Pwede kang pagkamalan na akyat bahay." Sabi niya

"I don't care." Sabi ko at umupo sa sofa katapat ng kama niya

Katahimikan ang nangyari samin. Kinuha ko yung cellphone ko at nagfacebook.

"Bakit ka andito?" Tanong niya

"Kasi trip ko."

"Bakit hindi ka man lang galit sakin? Bakit parang chill ka lang? Diba sinaktan ko pinsan mo?"

"Eh pake mo ba? Eh sa hindi ako galit eh! Anong magagawa ko?"

"Tsk! Abno!"

"Sinong tinatawag mong abno?" Tanong ko at tumayo

"Yung picture! Abno yung picture! Tsk! Malamang ikaw! May iba pa ba akong kausap?" Sabi niya

"Oo meron ka pang kausap! Yung picture kausap mo! Malamang wala! Ako lang! May nakikita ka bang 'di 'ko nakikita?" Tanong ko

Nanlaki mata niya at tumahimik na lang ako.

Tumayo siya at pumunta sa banyo.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko

"Maliligo lang ako! Gusto mong sumama?" Tanong niya

"Sapak you want?" Tanong ko at tinaas ang kamay ko.

Tinaas niya yung kamay niya na parang sumusuko. At pumasok siya sa loob ng banyo.

Tumayo ako at binuksan yung ilaw. Lamp shade lang kasi yung naka-bukas kanina.

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon