Chapter 61: Group Date

6.6K 243 21
                                    

3rd Person's POV

Same day

It's 10:00 and nandito na sila sa vacation house nila.

Ang tahimik dito tapos ang ganda pa. Ang kulay ng buong bahay ay black and white. Hindi naman siya sobrang laki pero hindi rin sobrang liit, sakto lang. Yung iba umupo sa sofa at si Kryst naman ay natulog ulit sa sofa. Si Kat naman ay pumunta sa kusina para tignan kung gaano ito kalaki, sunod niyang pinuntahan ang second floor at tinignan yung mga kwarto doon. May anim na kwarto sa taas. Malalaki ang kama bawat kwarto, malaki din ang mismong kwarto. Sunod niyang pinuntahan ang bakuran at ang swimming pool.

"Sayang wala sila Airish." Sabi niya

Bumalik na ulit siya sa loob. At nagcellphone.

Pumunta naman sila Cess at Dahyun sa kusina para maghanda ng snacks.

"Saan ang kwarto? Dun 'ko patutulugin 'tong si Kryst." Sabi ni Nayeon

"Samahan ko na kayo." Sabi ni Kyle

Umakyat na sila sa taas at pumasok sa isang kwarto.

"Dito ba kwarto namin?" Tanong ni Nayeon

"Hindi. Kwarto namin 'to kaya kayo nandito." Pilosopong sagot ni Kyle at muntik na siyang masipa palabas ng bintana ni Nayeon.

"'Wag mo 'kong pilosopohin Kyle Angelo Diaz. Baka gusto mong lumipad papuntang pool." Pagbabanta ni Nayeon

"Nagjojoke lang eh." Sabi ni Kyle

"Shattap!" Sabi ni Kryst habang naka-pikit

Lumabas na ang dalawa at iniwan si Kryst sa kwarto.

Habang nanonood ang iba sa taas nagluluto naman ng lunch sila Kylie, Tzuyu, Keith, at Jin.

Dahil sa walang kasama si Kyle sa baba, pinuntahan niya sa taas si Kryst.

Kyle's POV

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Tulad ng iba, mukha siyang malambing na pusa 'pag tulog pero mukha siyang mabangis na tigre 'pag gising.

Maganda naman siya kahit hindi maputi. Matangkad pa.

Hindi ko parin naman makakalimutan yung plano pero parang ang hirap kapag itong babaeng 'to ang iiyak diba? 'Wag lang siyang iiyak sa harapan ko, baka mag-bago isip ko. Joke lang guys. Pero ano kayang itsura niya kapag may iniyakang lalaki? Mukha naman hindi mamgyayaro 'yun, siya lagi ang nagpapaiyak eh.

"Angelo naman eh. *sob* 'yung pangako mo *sniff* tuparin mo ah. Gusto kitang *sob* makasama 'pag laki ko." Iyak ng iyak yung babae sa tapat ng lalaki

"I won't leave you Angely. You know I love you right, Angely?" Tanong nung batang lalaki

Napa-hawak ako sa ulo ko. What is that?

"You know I love you right, Angely?"

"You know I love you right, Angely?"

"You know I love you right, Angely?"

"Ugh!" Mahina kong sigaw habang naka-hawak sa ulo ko

"Angelo! Angelo!" Sabi ni Kryst hanggang sa nawalan ako ng ----------

Kryst's POV

Binuhat ko lang siya papunta sa kama. Bakit kaya siya hinimatay? Nawala sa isip ko 'yun ng dalawin ulit ako ng antok. Tumabi ako sa kaniya at natulog.

Playgirls & Badgirls vs Playboys & Bad BoysWhere stories live. Discover now